Chapter 2

133 3 1
                                    

* Lily POV *

Yieheey!! Tapos na ang klase namin at excited na akong pumunta sa bahay nila Chesca. Ngayon lang kasi kami makakapunta don.. lagi kasing tumatanggi na pumunta kami don... Hindi nga namin alam kung ano ang dahilan niya kung bakit ayaw niya kaming papuntahin don.


" Tara na. " yaya sa amin in Zen.

Sabay-sabay naman kaming lahat pumunta sa parking lot. Dalawang sasakyan ang ginamit namin yung kay Chester at kay Zen wala akong dalang sasakyan kasi hindi pa ako binibilhan nila mama kaya hatid sundo lang ako ng driver namin.

" Sa akin na sasabay si Nai. " sabi ni Chester.

Napatango lang kami saka sumakay na kaming tatlo sa sasakyan ni Zen ganun rin sina Chester at Nai saka umalis nah.

Mga ilang minuto sa pagsunod sa sinasabing deriksyon ni Chesca kay Zen.. dahil siya ang nagmamaneho sa wakas nakarating din kami.

5 minutes lang pala ang byahe papunta sa bahay nila Chesca akala ko malayo... Pagbaba namin sa sasakyan napatingin kami lahat kay Chesca.

" What!? " ireta niyang sabi.

Umiling nalang kami.. baka paalisin niya pa kami kung magsasalita kami.

Sumunod kami sa kanya at doon namin nakita lahat ng kabuuan ng bahay nila napapalibutan ng magagandang bulaklak ang bahay nila. Simple lang pero sobrang gandang tingnan.

Pagpasok namin sa loob doon talaga ako namangha ng todo-todo sobrang linis at ang ganda ng pagkakaayos ng bahay nila.

" Ate... " napatingin naman kami sa pinanggalingan ng boses.

Isang batang tumatakbo papunta kay Chesca saka ito niyakap.

" Kapatid mo? " tanong ni Chester sa kanya.

Tumango lang si Chesca sa kanya, napatingin naman ako sa batang babae.

" Ate, sino sila? " tanong ng kapatid niya.

" Mga kaibigan ko. " sabi nito

Nagbend ako ng kunti para magkatapat kami..

" Hi! Ako si Ate Lily at sila naman si Zen, Nai at kuya Chester. " pagpapakilala ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin.

" Anong pangalang mo? " nakangiting tanong ko sa kanila.

" Thania po." sabi nito.

Ang cute talaga, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na pisilin ang mukha niya.. pero bago ko pa yun magawa pinigilan na ako ni Chesca.

" Huwag kang magkakamaling ituloy yang binabalak mo " pagbabanta niya sa akin.

Sumingot lang ako  saka tumayo.. damot talaga! Nagiging over protective pala ito pagdating sa kapatid niya.

Maya-maya nagpaalam siya sa amin upang magbihis, kami naman ito patingin-tingin sa bahay nila.. si Chester nilalaro yung kapatid niya, si Zen ayun kahit dito nagbabasa parin.

" Ano kaya ang dahilan ni Chesca kung bakit ayaw niya tayo papuntahin sa bahay niya noon. " napatingin ako kay Nai sa sinabi niya.

Falling ApartWhere stories live. Discover now