Chapter Ten

395 34 5
                                    

ISANG masarap na dinner ang pinagsaluhan ng dalawa sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay na over-looking sa Taal Lake. It was almost magical dahil at nag-enjoy ng husto si Roni. Hindi na muna niya inisip ang guilt na pilit na nagpupumiglas sa isang bahagi ng kanyang puso.

"Alam mo, gusto ko dito sa Tagaytay. Sana nga magkaroon ako ng bahay dito." Nasabi ni Roni habang papalabas sila ng parking lot. "Gusto ko rin sa Baguio, malamig at masarap tumira doon. Kaso masyado nang malayo sa Manila. Kaya perfect na sa akin ang Tagaytay."

"Ako din, gusto ko dito." Nagdrive na naman sila pero hindi pa pabalik ng Maynila.

"Asan na nga pala ang sorpresa mo? Wala naman yata e. Chika lang yata ang lahat e!" kinurot ni Roni sa tagiliran ang kaibigan.

"Teka, teka, nagmamaneho ako e." Natatawang hinawakan ni Borj ang kamay niya para hindi niya ito makurot. Pero imbes na bitawan ay nanatili itong nakahawak sa kanya.

Napatingin na lang sa labas ng bintana si Roni para hindi mahalata ni Borj na bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit sa mukha. Bigla siyang na-conscious!

"Ang gaganda naman ng mga bahay dito. Buti pa sila ang yayaman," komento niya. "May bahay dito si Jolina Magdangal ah. Saan kaya banda?" She was bubbling again. Hindi tuloy niya namalayan na huminto na pala sila.

"E yan. maganda rin ba yan?" Itinuro ni Borj ang isang katamtamang laki ng bungalow na nasa tabi lang ng daan at over-looking pa rin sa Taal Lake.

Puti ang kulay ng konkretong bahay, pati ang gate na yari naman sa kahoy. May ilang pine tree na nakatanim sa paligid kaya nagmukha itong bahay sa isang post card.

"Ay ang cute!"Bulalas ni Roni. Binuksan pa niya ang bintana ng kotse para matingnang mabuti ang bahay.

"Halika, bumaba tayo at pumasok." Nauna nang lumabas ng sasakyan si Borj at binuksan na nito ang pinto para makababa ang dalaga.

"Kilala mo ang may-ari?" Agad siyang sumunod sa lalake na nasa may tapat na ng gate. Binubuksan nito ang lock na nakakabit sa nakapulupot na kadena.

Nang mabuksan na ay muling hinawakan ni Borj ang kamay niya at iginiya siyang papasok. Takang taka naman si Roni habang tahimik na nakasunod sa lalake. Mukha kasing alam na alam nito ang bahay.

Pagpasok nila ay agad na binuksan ni Borj ang ilaw kaya nagliwanag ang buong kabahayan. Actually kahit maliit lang ang lugar ay nagmukhang malaki dahil maluwag iyun. Wala naman Isang sofa set lang sa sala ang makikita at maliit na center table. Ang agad na napansin ni Roni ay ang karugtong na terrace ng sala. Yun ang una niyang pinuntahan.

"Wow, ang ganda naman dito! Kitang-kita ang Taal." Maluwag ang balcony at may mga upuan pa sa isang gilid. "Kaninong bahay ito? Ang sarap tumira dito!"

"Gusto mong tumira dito?" Natatawa si Borj sa reaksyon niya. Siguro nga ay dahil para siyang bata na first time na sumakay sa Ferris Wheel.

"Kung akin lang to, why not!" Ninamnam pa ni Roni ang masarap na hangin.

"You can stay here anytime you want."

"Ngek, ni hindi ko nga alam kung kanino to e. Kaw talaga!" natatawang hinampas ni Roni ng hawak na panyo si Borj.

"Akin ang bahay na ito," wika ng lalake. "Kaya pwede kang magstay dito kung gusto mo."

Biglang napatingin ang dalaga kay Borj. Sorpresa nga ito! Dahil kahit hindi gaanong malaki ang bahay- nasa isang magandang lokasyon naman iyun. Kaya alam ni Roni na hindi bababa sa isang milyon ang presyo niyun. Baka nga nasa two million lahat ang halaga ng bahay at lupa. Kumabog na naman ang dibdib niya.

"Borj, mag-usap nga tayo." Hinila niya ang kaibigan at pinaupo. Tinabihan niya ito at tiningnang mabuti. "What is going on?"

"Anong what's going on? Eto na nga ang sorpresa ko sayo." Nakangiti si Borj, very pleased with himself. "Remember mo nung mga bata pa tayo, sabi mo gusto mo magkaroon ng isang bahay-bakasyunan na malapit lang sa city? Eto na yun."

Na-touched naman ang dalaga na naalala pa pala ni Borj ang mga pinag-uusapan nila noon. Pero hindi sapat yun para kalimutan niya ang mga gustong itanong sa kaibigan. Dahil malakas ang duda niyang sangkot ito sa isang illegal na gawain- o baka miyembro na ito ng sindikato kaya nakaka-afford bumili ng bahay at kotseng mamahalin!

"Saan galing ang bahay na ito? Ang kotse mo?"

"Binili ko siyempre." Natatawang inakbayan siya ng lalake.

"Pero saan galing ang pera? Kaka-laya mo lang di ba? Paano ka nagkaroon agad ng pambili?" hindi na napigilang bulalas ni Roni.

"Teka, anong ibig mong sabihin? Porke ba galing ako sa kulungan, wala na akong karapatang magkaroon ng bahay at sasakyan? Kapag ba dating preso, e hindi na puwedeng guminhawa man lang?" Bakas ang matinding hinanakit sa itsura ni Borj habang sinasabi yun.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin," agad na paliwanag ni Roni. "I mean, let's face it. Kahit sino naman, magtatanong di ba? Gusto ko lang
malaman ang totoo dahil simula nang magkita uli tayo, lagi akong naguguluhan. Maraming tanong pero wala akong makuhang sagot."

"May mga tanong na hindi agad kailangan ng sagot. Wala ka bang tiwala sa akin? Kilala mo ako, Roni."

"Kilala kita noon, Borj..." hindi masabi ng dalaga na parang hindi na niya kilala ang kaibigan.

"Ako pa rin ito, walang nagbago. Well, iba na ang buhay natin, pero ako pa rin ito." Bahagyang tumaas ang boses ni Borj, in an effort na maipaliwanag ang side niya. Tumayo ito at napatingin sa labas ng balcony, huminga ng malalim.

Gulong-gulo ang isip ni Roni kaya napaiyak na lang siya dahil sa matinding frustration. Siguro nagcatch up na rin lahat ng mga itinago niyang emosyon ng ilang linggo kaya ang bilis ng daloy ng mga luha niya.

Napa-'Oh Shit' si Borj nang makita niyang umiiyak na ang dalaga. Dali-dali itong umupo sa tabi ni Roni at inakbayan pa ang dalaga.

"Teka, huwag kang umiyak. Please. Hindi kita inaaway, okay?"

"Naguguluhan lang ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ayaw mong sabihin sa akin kung bakit ka nakulong. Marami kang itinatago sa akin, tapos ngayon eto pa. Natatakot ako."

"Huwag kang matakot, wala akong ginagawang masama. Maniwala ka." Yakap-yakap na ni Borj si Roni habang pinapatahan niya ito.

"Natatakot ako para sayo. Please, tell me what's going on."

"Hindi ko pa masabi sayo lahat, Roni. I'm sorry. Please believe me when I say hindi ako masamang tao. Just trust me on this. Darating din ang
araw, sasabihin ko sayo lahat. Hindi lang ito ang tamang oras."

Hindi na nagsalita pa ang dalaga, pero patuloy siyang umiiyak. Lalo namang humigpit ang yakap sa kanya ni Borj. Mayamaya ay naramdaman niyang masuyo siyang hinahalikan ng lalake sa noo, sa mata at sa pisngi. Hanggang sa umabot na ang labi ni Borj sa labi niya. Ni wala siyang lakas para magprotesta. Ano naman ang laban niya, e mahina ang puso niya pagdating kay Borj?





End of Chapter 10 🌸🌺🌼

Please hit the ⭐️.

Feel free to leave some comments and reactions. Enjoy reading!

Thank you!

Thank you!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Always & ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon