PAGBALIK ni Roni sa Maynila ay si Tonsy ang una niyang tinawagan. Nasa Hong Kong pa ito pero pabalik na raw in two days. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang dalaga. Right there and then, sinabi niya sa lalake na tinatapos na niya ang relasyon nila. Of course shocked si Tonsy- nasaktan ito ng todo. He wanted to know kung ano ang kasalanang nagawa para makipag-break siya.
"Wala kang kasalanan. Ako, ako ang may pagkukulang," paliwanag ni Roni. But Tonsy was making things more difficult for her.
"Pag-usapan natin ito, please. Not like this. Wala ako diyan. Baka pressure lang yan sa trabaho. I will be there in two days, I promise."
"No, please Tonsy. Hear me out. I am..." hindi maituloy ni Roni ang sasabihin. Na in-love siya sa iba. Dahil maging siya, parang hindi makapaniwalang in-love siya kay Borj! "I am sorry, really."
"But why?" Tonsy was almost begging. At nasasaktan siya para sa lalake.
"Hindi na ako masaya, okay? Please, I have to go."
"Ano ang kailangan kong gawin para maging masaya ka? Let me know! Willing akong gawin yun, please!"
Tuluyan nang napaiyak si Roni. Bakit ba napasok siya sa ganung sitwasyon? May nobyo siya pero na-inlove siya sa iba.
Hindi iba si Borj. Malapit na siya sa puso ko noon pa man, sigaw ng isip niya. Pero maiintindihan ba siya ni Tonsy? O ng mga tao? Sa mata ng
lahat, siya ang ultimate bitch!"I am in love with someone else, okay?" There, she said it. Now she's really a certified bitch for breaking someone's heart! "Kaya hindi na
magwo-work out ang relasyon natin."Hindi nakasagot sa kabilang linya si Tonsy. Dial tone na lamang ang narinig niya after a minute.
Hinang-hina ang dalaga after that conversation.
NAGTATAKA na si Roni. Wala pa rin siyang naririnig mula kay Borj. Twenty four hours na ang nakakalipas mula nang makabalik sila mula sa Tagaytay pero ni ha ni ho, wala. Dinededma ba siya ng lalake after what happened?
Wala naman siyang pinagsisisihan sa nangyari sa kanila ni Borj. Ginusto niya rin iyun at kung nagbreak man sila ni Tonsy, for her, it was just the right thing to do.
Pero nasaan siya? Bakit di man lang siya tumatawag? Di ba niya naiisip
na naloloka na ako sa kaiisip tungkol sa kanya? She keeps telling herself na hindi siya dapat ma-paranoid kung ano na ang nangyari kay Borj.
Naisip niyang baka busy lang ang lalake.Busy? Saan, sa trabaho? And she realized ni hindi niya alam kung ano ang eksaktong trabaho ni Borj. Laging umiiwas ang lalake sa mga tanong niya. And with the house in Tagaytay and the new car- di ba dapat na siya talagang magtaka?
Kailangan ko talaga siyang kausapin ng masinsinan.
Pero ilang araw pa bago sila muling nagkita ni Borj.
"NAGLAHO ka na lang bigla," hindi napigilang sumbat ni Roni sa lalake nang makita itong naghihintay sa kanya sa lobby ng TV station. "Akala ko kung napano ka na. Saan ka ba nanggaling?"
"May inasikaso lang na mga bagay-bagay." Kinuha nito ang bitbit niyang bag.
"Anong mga bagay?" she wanted to know. Paano kapag napatunayan niyang illegal pala ang ginagawa ni Borj? Ano ang gagawin niya?
"Saka ko na sasabihin sayo. Gusto ko mag-overnight tayo sa Tagaytay tutal weekend naman. Okay lang ba?"
Agad na namula ang dalaga nang marinig ang Tagaytay. Ilang araw din niyang na-miss ng husto ang lalake at ipokrita siya kapag hindi niya inamin na nasasabik siyang bumalik sila sa bahay ni Borj.
"Sige, tatawag ako sa bahay ngayon." Gustong sapakin ni Roni ang sarili dahil napakahina niya pagdating sa kaway ng tukso.
Ni hindi na namalayan ng dalaga ang biyahe. Na-realize na lang niya nasa Tagaytay na uli sila ni Borj. Ganun yata talaga kapag kasama ang isang
taong importante sa buhay, mabilis lagi ang oras. Pero kapag hinihintay, mabagal.Si Borj, hindi na nag-aksaya ng oras. Pag-lock pa lang ng pinto ay agad nitong pinupog ng halik si Roni.
"Teka, yung mga gamit." Gusto pa sanang ilagay ng dalaga ang mga gamit sa table pero hindi na iyun umabot. Nadala na rin siya sa pananabik kay Borj.
LINGGO ng gabi na sila bumalik ng Maynila.
"Hindi muna kita masusundo ng ilang araw," wika ni Borj habang nagda-drive. Nasa South Luzon Expressway sila, palabas pa lang ng Laguna.
"Bakit, saan ka pupunta?" For some strange reason ay biglang kinabahan si Roni. Eto ba ang dahilan kung bakit extra sweet pa sa kanya si Borj the whole time na magkasama sila sa Tagaytay? Dahil aalis ito?
"May aasikasuhin lang ako sa Cebu."
"Cebu? Anong aasikasuhin mo sa Cebu?" The last time na nagpaalam sa kanya si Borj, hindi ito nakabalik agad. Matagal bago sila nagkita uli
kaya naman nakaramdam ng panic ang dalaga."Mga bagay-bagay. Importante. Mga tatlong araw lang.
"Tatlong araw lang pala. Puwede akong mag-leave muna, sasama ako. Malapit lang ang Cebu di ba." She was bubbling because the mere thought of Borj going to Cebu is making her uneasy.
Kung noon ay hindi niya kayang sumama sa Cebu, ngayon, kahit sa America pa ay kaya na ni Roni kaya siya na mismo ang nagprisinta.
"Pero sandali lang naman ako doon. At sabi mo nga, malapit lang naman kaya huwag ka nang mag-alala. Babalik din naman agad ako e."
"Sabi mo rin noon, babalik ka. Pero ang tagal bago tayo uli nagkita."
"Dati pa yun," natatawang wika ni Borj. "Iba na ngayon. Saka halos isang oras lang ang biyahe ng eroplano."
"Kaya nga sasama na ako, please?"
"Next time na, okay?" Kumindat pa si Borj, saka pinisil ang ilong niya.
Hindi na nagpilit pa si Roni pero hindi rin niya itinago na masama ang loob niya. Ni hindi siya nagsasalita hanggang sa makababa ng kotse ni Borj.
End of Chapter 12 🌼🌺🌸
Please hit the ⭐️.
Feel free to leave some comments and reactions. Enjoy reading!
Thank you!
BINABASA MO ANG
Always & Forever
RomanceSa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Roni, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si Borj. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buhay niya, naroroon ang kaibig...