DALAWANG araw na simula nang huling magkita sina Roni at Borj sa Camp Aguinaldo. Dalawang araw din niyang iniyakan ang paglilihim na ginawa sa kanya ng lalake- although a big part of her is thankful na hindi naman pala naging masama si Borj. Pero nasaktan siya na hindi man lang siya pinagkatiwalaan nito- parang pati siya ay itinuring na iba. To think na matagal ang kanilang pinagsamahan noon- at mas lalong lumalim ngayon. And yet, outsider pa rin pala ang turing sa kanya ni Borj. Yun ang ikinasasama ng loob niya.
Lumabas sa mga newspaper ang nangyaring pagkakahuli sa ilang terorista na involved sa mga bomb threats at ilang illegal na gawain. Ayun sa mga ulat ay joint effort ng PNP at AFP ang pagkakahuli, pero hindi binanggit ang pangalan ni Borj or ang pagiging undercover nito. Hindi maintindihan ni Roni kung bakit ganun, pero sino naman siya para i-question pa ang mga awtoridad sa mga ginagawa nito.
Nasa office ang dalaga kinabukasan nang may matanggap itong isang box ng chocolate at tatlong white roses. Kahit walang nakalagay na pangalan kung kanino galing iyun, in her heart alam niyang si Borj lang ang magpapadala sa kanya niyon. Ganun din ang nangyari sa mga sumunod na araw. Regular siyang may natatanggap na chocolates and white roses, pero wala ni text or tawag galing kay Borj. Hindi tuloy niya alam kung sinusuyo ba siya ng lalake or it was just his way of apologizing? Naiinis na nga siya dahil siyempre, gusto rin niya itong makausap. Araw-araw ding
naghihintay siya na sumulpot si Borj sa network nila para sunduin siya pero ni anino ng lalake ay hindi nito nakikita. Handa na rin naman kasi
siyang makipag-ayos if ever. Aminado naman siyang nami-miss niya ang lalake.Two weeks later ay may sumundo nga sa kanya sa network. Pero hindi si Borj.
"Tonsy? What are you doing here?" disappointed man ang dalaga na hindi ang inaasahan niyang tao ang nagpakita, kahit papano, she was glad to see her ex-boyfriend. It was her chance to apologize kasi guilty naman din talaga siya.
"We have an unfinished business, Roni." Malungkot ang boses nito. "Is... is it okay if I ask you to have dinner with me? Gusto lang kitang
makausap.""Diyan na lang tayo sa tapat kumain." Naisip ng dalaga na at least, nasa work area pa rin siya. Hindi na kailangang lumayo or magpahatid kay Tonsy.
Sa Dencio's Restaurant sila pumasok. Tahimik lang si Roni at nakikiramdam habang nag-o-order si Tonsy. Mayamaya ay binalingan na siya ng lalake.
"What happened to us, Roni?"
"Tonsy...."
"Minahal kita pero hindi pa rin pala sapat yun." Punong-puno ng hinanakit ang boses ng lalake at nadudurog din naman ang puso ng dalaga.
She never meant to break this man's heart. Pero ano ang magagawa niya? Hindi din naman kasi niya kayang diktahan ang puso niya. Kung gusto lang din naman talaga niya ng isang safe and stable relationship- ideal si Tonsy. Pero pasaway din naman kasi ang puso niya. Kung saan delikado, yun ang gusto.
"I'm really sorry, Tonsy. Hindi ko naman talaga piniling saktan ka. God knows how I tried to make things work, pero bumalik si Borj."
"Your best friend?" Tumango ang dalaga. "So siya din pala talaga ang dahilan after all." There was defeat in Tonsy's voice.
Ipinaliwanag ni Roni na wala naman talaga silang romantic involvement ni Borj noon. They were really just the best of friends. Pero somewhere
along the way, nagbago ang lahat. Sinabi niyang maybe it was just inevitable- after all- they had the most solid foundation- friendship. Paulit-ulit na humingi ng sorry ang dalaga sa dating boyfriend."Actually, okay na ako. I just wanted to see you now to confirm it. I mean, nasaktan naman talaga ako. But I'm going to be fine. Ayoko namang
patuloy tayong may relasyon pero iba naman pala ang mahal mo. Mas gugustuhin ko namang maging masaya ka."
BINABASA MO ANG
Always & Forever
RomanceSa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Roni, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si Borj. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buhay niya, naroroon ang kaibig...