Lian's POV
*flashback*
Papunta ko sa bags section ng department store nang mapansin ko na may sumusunod sakin. Actually kanina pa. Kaya nga hindi rin at ease yung feeling ko kasi alam kong may nakatingin sakin sa malayo.
Para makita ko yung mukha nung sumusunod sakin pumunta ko don sa life size na salamin sa loob ng mall.
Pagharap ko nagulat ako sa nakita ko.
Si Rayle. Si Rayle Thunder Fuentes.
Nakita ko na siya sa facebook at sa lahat ng social media accounts niya kaya naman familiar na yung mukha niya sakin.
Hindi ako pwedeng magkamali, siya talaga yung nakikita ko.
-Matangkad
-Payat
-Medyo curl yung buhok.Tumingin siya sa direksyon ko. Phew! Buti na lang may mga bags sa gilid na pwede kong matingnan. Sana di niya nakitang nakatingin ako sa kanya. *cross fingers*
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kanina lang kami yung pinag-uusapan ng tropa. Tapos ngayon, eto, nakita ko siya, ng personal. Bumaliktad ata ang ikot ng mundo. Ako na ngayon ang sumusunod sa kanya. Palabas na rin kasi siya ng department store. Dumampot na lang ako ng kahit ano para lang kunwari may nabili ako. Pagkatapos ko magbayad umakyat muna ko sa second floor para bumili ng waffle. Akala ko yun lang makikita ko, pero hindi pla ...
Sila Dayne ..
Kausap si Rayle.
Mas lalo tuloy naging totoo sakin na siya yun. Its now or never. Kailangan ko na silang puntahan. Bahala na kung anong mangyari.
Pagbaba ko ng department store hindi rin naman agad ako nakapunta sa kanila. Parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nag-uusap pa kasi sila. Bakit ganun? Ano bang nangyayari sakin? Kailangan ko ng makaalis dito.
Paglabas ko tumingin muna ko sa ibang direksyon para naman hindi ako halata. Nung napatingin ako sa kanila, paalis na si Rayle. Binatukan pa nga ni Dayne. Sira-ulo talaga. Kinawayan naman ako ni Eros, tanga lang -____- Kitang nakita ko na sila eh, kanina pa ..
*End of flashback.*
Ang daming ganap sa tropa ngayong araw. Pagod na pagod ako. Nung tinanong ko si Dayne kung sino yung lalaking kausap nila, expected ko ng magsisinungaling siya. Yun pa, protective as ever na bestfriend ko yun eh. Kaya hinayaan ko na lang muna.
Nagulat ako ng biglang magvibrate yung phone ko. Nagspace-out na naman ako. Whole day rin pla kaming di nakapagtext.
1 message received
From: Rayle :P
Have A GoodNight Sleep Gwennie :)) .. Sorry Di Ako Nakatext Whole Day, Medyo Marami Akong Project Eh .. Bawi Ako Tomorrow .. Sweetdreams .. See You On Dreamland XDD :*WTF is the last emoticon?! Shems! Kiss mark?? Tadhana nang-aasar ka ba talagaa??!!
3rd person's POV
*Flashback*
Habang nag-uusap sila Dayne at Lian kanina sa parking lot ay hindi nila alam na may isa pa palang tao na nakikinig sa kanila.
"Sino yung kausap niyong lalaki kanina?" tanong ni lian sa bespren nito.
Napangiti na lang ang isang taong ito na nakikinig lang ng tahimik sa sulok. Alam niya kasing nakita na siya ni Lian.
"Ahh yon? Wala. Childhood friend lang namin ni JC dati." Agad naman siyang napasimangot.
"Sinungaling." Bulong nito sa sarili niya.
"Ahh okay. Sige pasok na ko sa loob. Hatid mo kami ah! Haha. Tska okay na tayo lahat oki?"
Sa pagkakataong iyon ay napangiti na ulit siya. Sa simpleng boses ni Lian, natutuwa na siya.
*End of flashback*
Umandar na yung sasakyan ng tropa, kaya naman pinaandar na rin niya yung motor niya. Sinundan niya muna ito. Sakto namang si Lian ang unang inihatid kaya nalaman nito ang tinitirhan ng dalaga. Napangiti na lang siya. Nagmumukha siyang stalker.
"Yaaah! Gwapo ko Author!! Kaya dapat Admirer." singit niya sa paglilitanya ko. -_____-
Osige. Pagbigyan natin. Hindi pala stalker. Admirer. Gwapo daw kasi siya. Naghintay pa siya ng ilang minuto. Binuksan naman ni Lian ang bintana ng kwarto niya kaya naghanap siya ng matataguan.
Dumungaw si Lian. Halatang may malalim na iniisip. Nakapalumbaba pa. Hindi naman maiwasan ng lalaking mapatitig sa kagandahang taglay ng dalaga. Nilabas nito ang cellphone at kinunan ng stolen shot si Lian. Ang ganda ng mga kuha niya. Una, nakatingin si Lian sa mga bituin. Yung pangalawa naman halata sa dalaga na inaantok na dahil nakapikit na ito.
Inisip na niyang umalis. Gabi na rin kasi. Kaya tinext niya muna ang dalaga para makita ang reaksyon nito.
To: Gwennie ♥
Have A GoodNight Sleep Gwennie :)) .. Sorry Di Ako Nakatext Whole Day, Medyo Marami Akong Project Eh .. Bawi Ako Tomorrow .. Sweetdreams .. See You On Dreamland XDD :*Oo. May heart sign ang nakaregister na pangalan ng dalaga sa cellphone niya. At hindi rin niya alam sa sarili niya kung bakit nagtype siya ng kiss mark na emoticon sa dulo ng text niya.
Napatingin siya kay Lian. Halata niyang nagulat ito. Iniisip niya kung ang tumatakbo ba sa isip ng dalaga ay yung mga 'ganap' kanina. Nung una'y napangiti ang dalaga. Pero kalaunan ay nanlaki ang mata nito. Gusto sanang matawa ng taong nakatitig sa kanya. Epic ba naman ang reaksyon. Paniguradong dahil iyon sa kiss mark emoticon na nasa text niya.
Nagvibrate ang cellphone niya. Nagulat pa siya dahil dalawang text ang pumasok sa kanya. Isa kay Lian. Isa sa nanay niya.
Fr: Gwennie
Hooy! Yung emoticon mo sa dulo anong meron? Baliw kba? Ha? Joogalae?! [ Korean: Wanna die ]Napangiti siya. Naalala niya may isa pa plang text.
Fr: Mom
Where are you? Gabi na ah. Uwi.Patay na! Pinauuwi na ang bata. Kaya naman nagmadali na siyang magdrive paalis. Hindi man lang niya napansin na dumungaw ulit si Lian sa bintana ng kwarto nito at nakita ang kanyang pag-alis.
**
A/N:
Do support Thankiee! Vote. Comment.

BINABASA MO ANG
Once Upon A Lifetime
FanfictionHere is where every story begins ... Sa bawat kwento, may bida. Handa na ba silang paikutin ng tadhana? May naghihintay nga bang happy ending sa pagtatapos ng storya na toh?