Chapter 1- Good Girl Gone Bad

97 0 0
                                    

3rd Person's POV

*Krrrrrrrrrriiiiinnnnnngggg*

Napabalikwas sa pagkakahiga si Lian ng magring ang alarm clock nito na sinundan pa ng isang tawag mula sa telepono.

"Ugh! Ang aga pa ah!" Reklamo nito sa sarili, at saka sinagot ang tawag. "Hello?"

"Good morning sleepyhead." Bahagya siyang napangiti ng malaman kung sino ang nasa kabilang linya. Si Nate Angeles pala. Ang boyfriend ng dalaga.

"Stop calling me like that. Why so early bebs?"

"Nothing. Labas tayo mamaya bebs. Are you free?" Tanong sa kanya ng binata.

"Hmm. Saturday naman, so i guess so. San ba?"

"MOA. I'll fetch you later, okay? See you bebs. I love you."

Natigilan si Lian.

"I love you."

Hindi na niya maramdaman ang sinseridad sa mga salitang yon. Ang totoo kasi nyan, ilang beses na niyang nahuli na may kasamang ibang babae ang binata.

"I love you too." sagot niya ng makabawi sa sandaling pagtahimik at tsaka ibinaba ang telepono.

Martyr na babae.

*flashback*

"Yan, kumalma ka nga! Ako yung nahihilo sayo eh." Sabi ni Andrea. Ang girlfriend ng bestfriend nito na si Daniel Alcantara.

Kanina pa kasi hindi mapakali ang dalaga. Nagpaparoo't-parito sa paglalakad.

"I just can't. Look Andrea, ilang beses ko na ba siya nakita with some other girl? Isa? Dalawa? Apat, Lima?" Sabi nito sa kaibigan.

"Sorry. It's all my fault Yan. Sorry. I should've not introduced you to each other. Please, stop hurting yourself. Break him up." Pakiusap nito sa kaibigan.

"Right time Andrea. Right time." sagot nito sa kanya.

—end of flashback—

Matapos ang ilang pagbuntong hininga ay ginawa na niya ang kanyang "morning rituals" kung tawagin.

Maliligo. Magbibihis. Kakain. Magtu-toothbrush. At ang hindi mawala-walang pagtingin ng 5 minuto sa salamin. Oo, ganun ang trip ng babaeng kung tawagin ay Lian Gwen Aguilar.

Pagkatapos ay kinuha niya ang iPad at nagbrowse muna sa kanyang facebook account.

Nate Angeles.

5 minutes ago

She forgot something. :( -with Lian Gwen Aguilar.

5000 likes.  150 comments.

"Anong sinasabi nito?" tanong ni Lian sa sarili. As if on cue, bigla namang nagchat ang binata sa kanya.

Nate:

Ready bebs?

Lian:

Sort of? Haha. Bibihis lang ako. What's with your status?

Nate:

You really do forget. :( Ill tell you later. Im on my way. I love you.

Lian:

Oh okay. I love you too.

Wala pa atang 10 minuto ay nakarating na si Nate sa mansion ng mga Aguilar. Kasama niya ang kanilang driver, dahil nga sa wala pa siya sa tamang edad para magmaneho.

Once Upon A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon