Disclaimer: This is work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and incidents, are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, are actual events is purely coincidental.
All rights reserve: No part of this book may be produced or transmitted in any form or by any means without the authors consent.
Author's Note: Please be patient for my pages. I'm still learning. Hopefully I can keep better, and not stop where I am now. Advance sorry for the typographical and grammatical errors.
-*-
"Ate, eat na daw tayo"
Napatingin ako sa may pinto at nakita si Carson na nakangiting nakasilip habang tinitingnan ako. Suot na niya ang uniform niya pero magulo pa rin ang buhok at hindi pa naaayos ang ribbon sa kaniyang uniform. Mukhang kakagaling lang maligo dahil basa pa ang buhok.
Sa totoo lang ay hindi na niya kailangang puntahan ako dito sa kwarto ko para sabihan akong kumain na kami nang sabay. Kanina pa ako kumain dahil maaga akong bumangon para magluto. Ako naman talaga ang nagluluto nang agahan dahil busy si papa sa trabaho niya. Si mama naman ay tuwing gabi ang shift niya sa Call Center kaya umaga na siyang umuuwi at umaga din siyang natutulog. Ako din ang inaasahan ng mga magulang ko dahil bata pa ang mga kapatid ko. Ako kase ang panganay.
"Sige, sandali lang"
Napatingin ulit ako sa salamin para tingnan ang sarili. Nakasuot ako nang white na blouse na naka tuck-in sa kulay maroon kong palda na hindi lumagpas sa tuhod. May tatak na kulay maroon na logo nang school namin ang bulsa nang blouse ko sa kanang dibidb. Kulay maroon din ang lace ID ko at nakatatak ang pangalan nang school namin sa lace.
Wala namang nagbago sa itsura ko kaya lumabas na ako at hinawakan ang kamay nang kapatid ko.
Sabay na kaming nag lakad patungo sa kusina at nadatnan namin ang nag-aaway na si Cleo at papa dahil sa isang hotdog. Umupo kaagad si Carson sa tabi ni Cleo at mukhang hindi pa nila kami napansin dahil panay pa ang pagaaway nila. Lumapit kaagad ako kay Carson at sinandukan siya nang kanin sa kaniyang plato. Nang mapatingin ako sa platong nilagyan ko kanina nang ulam na niluto ko ay napabuntong hininga nalang ako. Inubos na naman nila ang hotdog ni Carson.
"Pa, Cleo. Kinain niyo na naman hotdog ni Carson"
Nang marinig ni papa at Cleo ang boses ko ay sabay silang napatigil. Nakangangang napatingin si Cleo sa akin habang kagat naman ni papa ang hotdog na bumaling sa akin. Sabay na sabay pa silang umiwas nang tingin nang matamaan ng mga mata ko ang mga mata nila.
Napabuntong hininga na naman ako. Ano naman ang magagawa ko? Kinain na nila ang lahat na niluto ko. Kailangan pang kumain ni Carson at baka ma late na naman sa school niya.
Lumabas muna ako sa kusina para pumunta sa sala at kinuha ang baon ko sanang tanghalian sa bag na nakalagay sa sofa. Nang makabalik ako sa kusina ay hindi na ako nag-abalang tumingin pa kina papa at dumeretso na ako kay Carson. Binuksan at nilagay ko kaagad ang pagkain sa plato ni Carson.
"Kumain ka na" sabi ko nang mapatingin si Carson sa baonan kong wala nang laman sa harap niya. Mas inilapit ko pa sa kaniya ang plato nang hindi siya kumibo "Carson" pagtatawag ko nang atensyon niya.