"Manager? Gising manager!"
'Ramdam ko ang pagkirot nang likod ko. May nararamdaman akong hingin na tumatama sa bawat gilid nang mukha ko. Hindi ako nakahiga sa sahig dahil may naramdaman din akong may nakaupo sa likuran ko at inalalayan akong makahiga sa bisig niya.
Nang maramdaman ko ang pagkirot nang likod ko ay unti-unti kong inimulat ang mga mata ko. Nag blu-blurry pa kaya napakurap ako nang ilang beses. Ang sakit nang katawan ko at ang sakit nang ulo ko. Feel ko ay mabibiyak na ang ulo ko at umiikot pa rin ang paningin ko.
"Yes! Gumising na rin!"
Parang binuhusan ako nang malamig na tubig nang maimulat ko ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nasa paligid ko. Lahat ng mga lalaking nakapalibot sa akin ay nakatingin sa'kin. Nakangiti ang ilan at ang ilan nama'y nagyayakapan pa na kala mo'y nabuhayan sila nang lakas. Na akala mo'y nakakita sila nang nabuhay na patay.
Nilibot ko ang tingin ko. Nasa gilid ko sina Talon, Robert at may kasama silang dalawang lalaki. May hawak silang papel na sa tingin ko'y ginamit nilang pamaypay kanina sa akin kaya may naramdaman akong hangin na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa may balikat ko at may nakitang kamay na umalalay sa akin para makahiga ako. Unti-Unti akong napatingin sa likuran at nakita si Caspian. Nakahiga ako sa bisig niya. Ngumiti siya sa akin at tinulungan akong iniangat ang katawan ko para makaupo.
"Grabe, ang lakas talagang mag spike ni Huli!"
"Knock out nga eh!"
Napahawak ako sa ulo ko habang nakaupo. Umikot na naman ang paningin ko kaya napahawak ako sa ulo ko. Inalalayan naman kaagad ako nina Talon at Robert na nasa gilid ko. Hinawakan din ni Caspian ang likuran ko para hindi ako matumba.
"Tumahimik nga kayo. Kita niyong—"
Shuta, ang sakit nang ulo ko. Parang biniyak. Napahawak ako sa ilong ko nang kumirot ito. Nanlaki ang mga mata ko nang may maramdamang malagkit nang hawakan ko ang ilong ko. Nakasinghap ako nang mahagit ang pulang likido na nasa kamay ko.
D-Dugo.
"M-Manager" 'rinig kong sabay na sabi nina Talon at Robert. Napatulala ako habang nakatingin sa kamay kong may bahid na dugo.
Agad na kinuha ni Caspian ang kamay ko at tiningnan ang dugo. Napa-angat ang tingin niya sa akin at napangiwi pa siya. Umiwas ako nang tingin at yumuko. Pinunasan ko kaagad ang dugo sa ilong ko gamit ang likuran nang palad ko. Narinig ko ang pagsinghap nila dahil sa ginawa ko.
"Ayos lang ako" basag katahimikang sabi ko at pinahid sa damit ko ang likuran nang palad ko na may dugo. Ngayon ko lang napansin na nakakulay white pala akong damit.
Lalabhan ko nalang 'to pagmaka uwi na ako sa bahay.
"Dahil ka namin sa clinic manager" sabi ni Talon nang tumayo ako. Tumayo na din sila at aaalalayan na sana ako pero agad akong umiling.
Napatingin ako sa paligid nang mapansing nakatingin pa rin sila sa akin. Nasa tapat pala kami nang pinto kung saan ako natumba. Napatingin ako sa gilid at nakita ang box na dala ko kanina na nabitawan ko. Nakakalat na ang mga papel sa sahig.
Nang maglakad ako papalapit sa kahon ay 'yon din ang paghawi ng mga lalaki sa dinadaanan ko. Lumuhod ako at pinulot ang mga papel. Nilagay ko din sa box pagkatapos.