Nakatulala ako habang nakatingin kay Sir Alexis na nagtuturo nang Gen math. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga tinatalakay niya. May sinusulat siya sa board pero hindi ko maintindihan. Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa. Lutang ang isip ko.
Napatingin ako sa ibabaw nang blackboard kung saan nakalagay ang wall clock. Ilang minuto nalang at lunch break na. Hinihintay ko nalang tumunog ang ring para hudyat na kakain na.
Nakakagutom din pala ang mag isip.
"Hoy Nelia, ayos ka lang? Kanina ka pa tulala ah" napaangat ang tingin ko kay Sashem nang marinig ang pangalan ko. Nakakunot ang noo niya at agad na dinampi ang kamay niya sa noo ko. Mas lalong kumunot ang noo niya "Hindi ka naman nilalagnat ah"
"Baka may iniisip lang" napatingin ako kay Zy nang kunin niya ang bag ko. Ngumiti siya pero agad na ngumuso sa harapan ko habang turo ang tiyan niya "Nagugutom na ako"
Napailing-iling nalang ako. Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo at sabay na kaming nagtungo papuntang cafeteria. May pinagusapan sila tungkol sa tinalakay ni Sir kanina pero hindi naman ako nakinig kaya hindi na ako sumingit sa pinaguusapan nila.
Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kaming umupo sa palaging pwesto namin sa may gilid. May dala akong baon ngayon kaya hindi na ako pumila para bumili. May dala na ding baon sina Sashem kaya sabay na kaming kumain habang naguusap.
"Oo, next week ata magsisismula 'yong mga announcement" bumaling si Zy sa akin "Malapit na din 'yong competition sa volleyball 'di ba?"
Napahinto ako sa pagkain at tumango-tango "Yes, nakapili na si Caspian ng mga players para 'don at may napili na 'ding magaasikaso sa club namin"
"Wow, mukhang magiging busy kana ah. Dalawa na ang aasikasuhin mo" tumango-tangong sabi ni Sashem habang hinihiwa ang ulam niya gamit ang kutsara.
Magiging busy na talaga ako simula next week. Aasikasuhin ko muna ang club dahil mga junior ang tuturuan ko kung paano iha-handle at kung paano magiging known ang club namin. The more na sisikat ang club namin the more na mapupunta sa amin ang atensyon ng mga guro. It means na pwedeng tataas ang grades namin if ever ma-achieve namin ang goal naming papalaguin ang club. Pwede pang maging Club Of The Year ang club namin.
Pagkatapos sa club ay sa volleyball team na naman ako. Manager ako kaya dapat ako palaging present sa mga practice at competition nila. Busy pa si coach dahil sa check-up niya. Mukha ding matatagalan bago namin siya ipapakilala sa mga bagong kasali sa team. Matanda na kase kaya mahina na ang katawan niya.
"Ano next sub?"
"Earth Science"
Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad muna kami para mahimashimasan ang kinain namin. Nagkwe-kwentuhan din nang kung ano-ano. Ako naman ay nakikinig at minsan naman ay lumulutang ang isip nang hindi ko namalayan.
Kahapon kase...
Nang mapunta kami sa library ay humiwalay muna ako sa kanila. May kailangan akong hanapin na libro para sa mamaya naming klase. Lumiko ako sa kanan habang silang dalawa naman ay sa kaliwa. Magkikita nalang daw kami after 10 minutes. Nagtanong muna ako sa matandang librarian kung saan nakalagay ang mga libro sa Earth Science. Dahil matanda na nga ay naghalungkat pa siya sa kabinet niya at hinanap ang listahan ng mga libro tungkol sa science.
