"O, eto na libro mo"
Napangiti ako nang salubungin ako ni Sashem nang librong pinabili ko last week. Kinuha ko ang libro at niyakap agad-agad. Nakanguso siyang bumuntot sa'kin papunta sa upuan ko, halatang hinihintay ang pambayad ko sa libro. Kinuha ko kaagad ang wallet ko sa bag at nagtatanong na tiningnan siya. Mas lalo siyang ngumuso at nilahad ang palad niya sa harap ko.
"450 plus 40 sa shipping fee" tiningnan ko kaagad ang laman nang wallet ko at napangisi nang makitang sapat ang inipon ko para sa librong pinabili ko "Pasalamat ka sa'kin kung hindi babaawiin ko talaga 'yang libro"
"Thank you" agad ko nilagay sa palad niya ang 500 pesos at winagayway pa sa harap niya ang bagong libro "Tsaka keep the change"
Napairap siya "Ngek, anong keep the change? 10 pesos nalang ang sukli. Shuta ka"
Umupo ako sa upuan ko at hindi pinansin ang reklamo niya. Napakagat ako sa labi ko at tiningnan ang bawat gilid nang libro. Mas makapal siya sa librong pinabili ko last-last week. Naka-sealed pa ang libro kaya medyo kinakabahan ako na baka masira ito kung bubuksan ko. May part sa'king gustong buksan ang libro pero may part din na hindi dahil sayang ang sealed.
Ilang ulit akong napabuntong hininga at sinuri ang libro. Iniisip nang mabuti kung bubuksan ko ba ang libro o hindi. Napatingin ako sa katabi kong si Sashem na ngayon ay naglalaro sa phone niya. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya ay napatingin siya sa'kin, tumango-tango.
"Alam ko, buksan mo na" sabi niya kahit hindi pa naman ako nagtatanong. Pero sa totoo gusto ko talagang magtanong sa kaniya. May itatanong na naman sana ako kaso umiling-iling na naman siya at pinagtuonan nang pansin ang phone niya "Wala din akong gunting, shuta"
Napailing-iling nalang ako. Ganon ba kadali akong basahin? Isang tingin lang at alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko.
May naaninag akong isang babaeng kakapasok lang sa may pinto nang classroom. Napangiti ako nang lihim nang makitang papalapit na siya sa gawi namin ni Sashem. Kumaway siya sa akin at nagmamadaling umupo sa tabi ni Sashem.
"Goodmorning Shem at Nelia!" nakangiting bungad niya. Tumango-tango lang si Sashem at walang imik.
Napatingin ako sa hawak na cellphone ni Sashem at nakitang nagbabasa pala siya sa isang app na hindi ko alam. Naka black mode ang background at mababa din ang brightness kaya hindi ko makita kung ano ang mga nakasulat at nakatalata sa binabasa niya. Nang bumaling ang tingin niya sa akin ay nanlaki ang mga mata niya at yumuko pa nang yumuko. Iniiwasan na mabasa ko ang binabasa niya.
Ano kayang binabasa niya?
"Morning Zy" binaling ko ang tingin kay Zyrielle. Ngumiti siya at binigay sa'kin ang gunting na hawak niya. Tinaasan ko siya nang kilay, nagtataka. Ngumuso siya sa librong hawak ko at mas nilahad pa sa akin ang hawak niyang gunting. Kumunot ang noo ko bago napanganga. Ngayon lang na-gets.
Tumango-tango ako at kinuha ang gunting "Ah, isasauli ko din mamaya"
"Welcome as always Nel!"
Palihim akong napangiti habang tinitingnan ang libro ko. At akala ko ay magiging abala ako sa pagbukas nang libro ko nang dumating si Sir Alexis, ang Pre Cal teacher namin. Napakagat labi kong tinago ang libro at ang gunting. Ang malas naman. Ready to open the book na sana ako.