Klase-klaseng mga kasuotan. Iba't ibang design sa bawat gilid. Kay rami-raming kulay ang makikita sa abot nang makakaya kong matanaw. Hindi ko inakalang sa pagtapak ko palang sa entrance nang gate ay bumungad kaagad sa akin ang magarbong mga desenyo sa paligid nang paaralan.
Mahigpit na hinawakan ko ang aking strap nang bag at taas noong naglakad. Ang ingay nang paligid kaya akalain mong nasa palengke kami. May isa pang naka-speaker pa talaga habang kumakanta para makapagakit ng mga juniors, mukhang sa Music Club. May iba namang namimigay ng mga papel sa akin pero tumanggi lang ako. Hindi ko na kailangan, may club na naman ako.
Muntikan pa akong madapa nang may bigla nalang humila sa akin. Napakunot ang noo ko nang makitang lalaki pa ang humila sa akin patungo sa isang mesa na may nakatatak na Theater Club. Medyo nainis ako sa part na ang higpit nang pagkahawak niya. Hindi man lang ako makatalas sa pagkakahatak niya.
"Hello! Fillup nalang po dito" nang makarating kami sa harap ay agad akong binigyan nang ballpen at papel nang isang babae. Sasagot pa sana ako pero agad niya akong siningitan "Pwede ka maging antagonist sa club! I like you!"
Napabuntong-hininga ako bago umiling "May club na ako"
Napanguso ang babae nang ibigay ko sa kaniya pabalik ang papel at ballpen na binigay niya sa'kin. Aalis na sana ako pero may binigay pa siya sa aking papel na nakapag-pakunot ng noo ko. Hindi ito katulad 'nong binigay niya sa'kin 'nong una. Maliit ito.
"Just in case" ani niya bago siya tumalikod sa'kin at inabala ang pagbibigay ng mga papel sa iba. Nagkibit balikat lang ako at nilagay sa bag ko ang papel bago tulyu nang umalis.
Kahit sa hallway patungo sa gymnasium ay napuno din ng mga estudyante at mga iba't ibang mga props na hindi ko alam kung saan gagamitin. Sumisingit ako sa pila papasok sa gymnasium dahil may mga babaeng nanonood sa mga taga Basketball Club. Naririndi ako sa ibang mga babaeng tumitili dahil nakita nila ang mga players. Napairap ako sa kawalan dahil may nakikita pa akong mga juniors na tinutupi nila ang kanilang uniform kaya nakikita na ang pusod nila.
Hindi ba sila nahihiya? Ako tuloy ang nahihiya sa maitim nilang pusod.
Nang makapasok ako sa gymnasium ay agad na hinanap ng mga mata ko ang Club ko. Dahil sa raming estudyante ay hindi ko na mahanap. Mukhang lumabas lahat ng mga estudyante ngayon dahil sa Club Fair. Ang active nila sa mga kani-kanilang club. Hindi ko na makita ang club ko. Ang daming tao.
Nang akmang aalis na ako sa pwesto ko ay may bigla nalang may tumakip sa mga mata ko. Papalag na sana ako nang makarinig ako nang tawa sa likod kahit na maingay na ang paligid. Alam ko na agad kung sino ang nasa likuran ko. Boses palaka kase ang narinig ko.
"Ang hirap mong hanapin manager! Hindi ka kase binayaan nang height!"
Nang maalis na ang kamay na tumakip sa mga mata ko ay napakurap-kurap pa ako dahil nag blu-blurred pa ang paningin ko. Nang luminaw ang paningin ko ay nakataas ang kilay kong tumingin sa dalawang lalaking natatawa sa likod ko. Napatingin pa ako sa suot nila.
Suot nila ang color red na jersey last year. Maglalaro ba sila o trip lang nila na suotin ang jersey? Mas lalong tumaas ang kilay ko nang makitang may dala-dala silang bola.
"Ano yan?" takang tanong ko sa dalawa.
Nakangising binigay ni Caspian ang bola sa'kin. Siya ang captain nang Chewblocka na mina-manage ko simula last year. Isa siya sa senior pagdating sa volleyball. Kasama niya si Talon, maliit sa kaniya pero siya ang libero nang team. Dahil maliit siya ay mabilis din ang kilos niya. Same attitude sila but not the same height.
