"Bottoms-up! Bottom's up!"
"Come'on Zein"
" Zein Lee! Zein Lee"
"Bottoms up!"
Inilagok ko ng walang hingahan ang isang baso ng beer.
Ramdam kong hilong-hilo na ako't konti na lang at susuka na. Pero wala akong magagawa kundi maging sunud-sunuran sa mga seniors ng council, gayo't nakasalalay ang aking pag-aaral sa kanila.
Last day na ngayon ng Student Council Teambuilding. Balak ko sanang 'wag ng tapusin pa't wag ng sumali sa campfire party ngayong gabi, pero may kung ano sa akin na pumipigil.
Lokohin ko man ang sarili, alam kong ang pinakamabigat na rason ay ang presensya ni Dwayne.
--
"So Zein? What made you decide to be part of this student council ?" tanong ni Friza habang isiniset-up ng mga lalaking student council ang speakers at mga party lights.
Si Friza ang pinakamaarteng babae sa buong campus. Palibhasa anak siya ng biggest telecom company ng bansa. Kung gaano siya ka yaman, ay ganun din ang lebel ng kaartehan niya. Naging member siya ng student council hindi para tumulong sa school kundi para sundan si Dwayne.
Gusto ko sanang di na sumagot pero nakakapagpabagabag ang malditang kilay niya.
Sumipsip ako ng konting beer bago sumagot.
"Scholar ako ng Brenton U. At isa sa requirements ay maging membro ng student council. "
sagot ko habang pumalinga-linga ng konti. Hinahanap ko si Dwayne medyo madilim kasi yung paligid. Hindi sapat ang liwanag mula sa campfire para ilawan ang buong paligid."Ah so you came from public school right? Kasi as far as I know, student applicants from public schools lang ang tinatanggap ng Brenton U." may pandidiri pang tanong niya.
My gad! hinayupak nato!
Anong problema pag galing public school?"oo" maikli pero proud kong sagot.
Walang problema sa pagiging mahirap and that is something I should be proud of.
"Yeah.. right" medyo hilaw na sagot nong babae.
Nabalot ng konting katahimikan ang paligid habang naghihintay sa music at party lights.
"Here we go..Here we go!!! Wazzup everyone! The long wait is over!LET'S GET THIS PARTY STARTED!!!!" si Jared ang Vice President ng council at pinakamatalik na kaibigan ni Dwayne ang bumasag ng katahimikan habang minamaximize ang music.
Nabalot ng ingay ang paligid. Magkahalong hiyawan at sayawan ang nagpabuhay sa gabing iyon. Mga babae't lalaki ay parehong may dalang baso habang nagsasayaw. Sobrang gulo para sa akin ang lahat. Kung sino-sino ang naghahalikan. Nakasoot pa ang lahat ng two piece. Sobrang liberated ng lahat ng tao. Isang taon at mahigit na akong nagaaral sa Brenton U, pero para sa probinsiyanang katulad ko ay tila ba bago pa rin sa akin ang lahat.
I'm not used to it. And I will not let myself normalize this kind of stuffs.
Para makaiwas sa paligid. Hindi ko na hinanap pa si Dwayne at hinayaan ko na lang ang aking sariling pumunta sa dalampasigan para solohin ang masarap na hangin. Hindi na stable ang paglalakad ko kaya hindi na ako lumayo-layo pa.
Tsss. Dwayne where are you?
Umupo ako sa maputing buhangin at inilabas ang headset at celphone mula sa aking bulsa. Inilagok ko ng deretso ang natitirang beer sa baso at pinikit ang mga mata ng magsimula na ang kanta.
BINABASA MO ANG
I Love You So Bad
Roman d'amourHave you ever loved someone? Have ever had the courage to confess? Have you ever confess for the first time? Have you ever been hurt and been rejected from your first confession? The pain of first rejection is indeed incurable, but I swear it hits...