Chapter 2

5 2 0
                                    


"Ano na Zhein! Papasok ka ba o hindi? Dali na dami pa tayong gagawin"--

Its been 2 weeks since that night happened. It's been more than 2 weeks na rin na hindi ako nakatapak sa campus. Matapos ang gabing iyon hindi na muna ako pumasok ng school. Total one day after ng Student Council Tembuilding ay semestral break na naman. Nag message na lang ako kay prof. at kay Aizhel na nauna na akong magbakasyon dahil may emergency nangyari sa probinsiya namin sa Bohol. Nagsinungaling akong umuwi akong Bohol sa semestral break para hindi na ako makasama sa mga night outs and party, o meetings ng org. knowing na hindi sasama si Aizhel sa mga party pagwala ako. I make them believe na nasa Bohol ako but infact nasa condo lang ako the whole period.  Halos 1 week rin kasi akong nilagnat after that night.

I isolate myself from everything. No phone, no out, no socializing and all.  I spent my whole break sa condo doing nothing.

Kaya nung bumalik sa school hindi ko alam na may musical festival palang magaganap bilang welcoming sa new semester and freshmen.

Pag ganitong may activities ang school bogbog ang student councils. Lahat ng student council ipinamove sa night shift ang klase para sa preparation ng music festival.

I really wanted to drop this responsibility pero wala akong magagawa. I have to be thankful na nakapasok ako sa isang prestigious school na walang pinoproblemang tution fee. Plus sila pa nagbabayad ng condo ko for shelter and may food and school allowance na binibigay rin every semester.Kaya siguro mandatory na maging student council pag full scholar ka dahil sobrang laki ng benefits. Plus the fact na sobrang pihikan ng Brenton U sa mga scholar guarantee, is something I should be thankful talaga. Three or four lang na scholars sa buong bansa ang nakakapasok sa Brenton U every school year. Kaya ayokong sayangin to. Ayokong maapektohan ng walang kwentang love confession ang aking pag-aaral.

It's not Dwayne's fault after all. Sadyang ako lang talaga ang assuming.

"Zhein! Ano ba? Late na tayo--sobra!"

Tila automatiko huminto ang mga paa ko sa harapan ng music hall mula ng maalala ang lahat ng nangyari. Biglang nangatog ang mga paa ko't nawala bigla ang lahat ng confident ko sa katawan.

Naduduwag akong pumasok sa hall. Natakot na baka makadaupang palad kami ni Dwayne.

"ZHEIN! ANO BA! BAHALA KA NA NGA DYAN! KUNG GUSTO MONG MAPAGALITAN SIGE DYAN KA LANG!" -at tuluyan na akong iniwan ni Aizhel.

Dama ko ang galit at kaba ni Aizhel habang papalapit kami sa front gate ng hall. Gusto ko sanang tumakbo na lang at pumunta sa kung saan-saan pero hindi ko makayanang isakripisyo  ang pag-aaral ko dahil lamang sa mga nangyari.

Inhale.. Exhale

Nakakuyom akong pumasok sa music hall at inilibot ang paningin sa buong paligid. Umaasang---

"ZEIN LEE CASINGCASING ANO BA!!!!"

Umalingaw-ngaw sa buong hall ang sigaw ni Aizhel dahilan para lingunin ako ng lahat ng tao. Akala ko iniwan na ako ni Aizhel pero naghintay pala siya sa akin sa may aisle ng hall papunta main stage.

My gad Aizhel..

Ibinalibag ko na lang sa kung saan-saan ang bag ko at dali daling sumunod kay Aizhel.

Sa laki ng music hall ay di ko masyadong maaninag ang mga tao sa main stage dahil medyo nasa malayo pa kami. Alam kong mga kasamahan ko sa student council ang naroon kaya't doble ang kaba ko na baka iniaasign ni Dwayne ang kanyang sarili sa Physical Comittee. Kung gayun siguradong isa siya sa mga taong nagdedesensyo sa stage. Minsan kasi technical comittee siya o circulating manager, paganun di siya nagpipirmi sa isang place lang, palagi siyang pumaparoo't pumaparito para i check ang mga bagay-bagay.

I Love You So BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon