"Wh-where's Dwayne? How was he? Anong nangyari sa kanya? Okey lang naman siya diba? Wala namang masamang mangyayari sa kanya? Is he-----
"Zein Relax! Dwayne will be fine. Everythings going to be alright"
Alam kong sinabi lang iyon ni Aizhel para kumalma ako. Gusto ko ng liparin o magteleport para agad na kaming makarating sa hospital kung nasa'n si Dwayne. Konti na lang at mababaliw na ako sa dami ng nangyari sa araw na'to.
" Wh-what h-happened A-aiz?" ayoko sanang makarinig ng kung ano-ano pa dahil konti na lang ata't sasabog na tong utak. Pero hindi ko magawang ipagpaliban na lamang ang nangyari kay Dwayne.
Hindi umimik si Aizhel at patuloy parin sa pagmamaneho. Hindi siya tumingin sa akin na para bang walang narinig.
Hindi ko alam kong bakit, pero bigla na lamang kumawala ang luha sa aking mga mata. I bit my lower lips para pigilan ang pag iyak pero patuloy pa rin ang pag-agos nito.
"A-answer me A-aiz?" may halong pagmamakaawa ang tono ng aking pagtatanong.
"It was nothing Zein" sagot ni Aizhel habang diretso pa rin ang tingin kalsada.
"Please tell me Aiz, I'm beggin you" alam kong may tinatago sa akin si Aizhel sa tono ng kanyang pagsasalita.
Saglit na tiningnan ako ni Aizhel at ibinalik ang tingin sa kalsada. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita...
"Naaksidente si Dwayne while looking for you. He thought you left the campus, so he drove to your condo as fast as he could without minding the trafic lights. Another car bumped him in the intersection.. I-I have no intention to tell you this but----"
Hindi ko na pinatapos si Aizhel at humagol-gol na ng iyak.
Fuck I knew it!
"It's my fault Aiz! It's all my fault"
"No! It was a goddamn accident Zein, walang may gusto sa---
"But I was the reason why he left the campus. Kung hindi ko lang siya iniwan do'n. Kung sana'y naging mas kalmado ako. Hindi sana----"
"Fuck! Zein! I knew it! Alam kong ganito ang magiging reaction mo when I tell you the truth."
"It's because I am really the fuckin reason"
Hindi na nakipagtalo pa si Aizhel at ibinalik ang paningin sa kalsada.
"Fuck this bloody slow car!"
Ipinaharorot ni Aizhel ang sasakyan at hindi na ako pinansin pa.
Wala akong imik sa buong byahe ngunit patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.Pagod na pagod na ako sa kakaiyak kaya't kumusa na lamang ang aking mga matang pumikit.
"Zein?Zein? Zein? Wake up and fix yourself. Dwayne won't want to see you looking like that"
Nagising ako sa pagkaidlip ng gisingin ako ni Aizhel.
Binuksan ko ang sasakya't dali-daling pumasok sa hospital.
"Zein, stop! You look like a mess"
Narinig ko pa si Aizhel sa malayo bago tuluyang makapasok sa hospital.
Wala akong pakialam kung anong hitsura ko ngayon. Hindi ang aking sarili ang importante sa pagkakataong eto, Si Dwayne. Si Dwayne ang importante.
Patakbo akong dumeretso sa ER. Si Jared ang unang nakita kong nakaupo sa sahig at tila wala sa huwisyo. Nakaupo rin sa may bench si Mrs. Brenton habang pabalik-balik sa isang lugar ang papa ni Dwayne.

BINABASA MO ANG
I Love You So Bad
RomanceHave you ever loved someone? Have ever had the courage to confess? Have you ever confess for the first time? Have you ever been hurt and been rejected from your first confession? The pain of first rejection is indeed incurable, but I swear it hits...