SF-39

21.7K 1.1K 261
                                    


Vote, comment, follow! :)


========================



Mabilis lang lumipas ang mga araw at halos isang buwan na rin akong nasa bahay nila Mommy Hannah at Daddy Hugh. I still feel a little awkward whenever I am calling them that but I saw the joy in Mommy Hannah's eyes when I called her that so I just continued doing it. Hindi ko naman pwedeng bawiin pa dahil masasaktan ito.

Isa pa, sila naman din talaga ang tunay na magulang ko. Dapat lang naman na maging ganoon na rin ang tawag ko sa kanilang dalawa.

Kahit papaano ay nasasanay naman na ako sa bahay nila--namin. They always tell me to feel at home and treat the house as if it's mine, too. Ayaw nila na mailang ako at nakikita ko naman ang efforts nila para hindi ako mailang, para hindi ako mahiya sa kanila.

Kay Airi nila ipapamana ang bahay na ito at wala naman ding kaso sa akin ang bagay na iyon dahil mas deserve naman ito ni Airi kumpara sa akin. Mas matagal nitong nakasama sila Daddy Hugh.

I looked at my phone at the table when it rang. I saw Daddy's name on the screen, I immediately smiled and answered it. Daddy and I, we've been talking again the past weeks. Humuhupa na kahit papaano ang nangyari pero hindi ko pa rin magawang magpunta sa bahay para dalawin sina Mommy.

I just feel like it's still not the right time yet.

"Hi, Dad, good morning," bati ko sa kanya habang nakaupo sa kama. Katatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit ko sa loob ng kwarto dahil namili kami noong isang araw nila Mommy Hannah. She bought me dresses and tops and skirts and shorts. Halos mapuno na rin ang lagayan ko ng damit sa dami ng pinamili niya.

Gustuhin ko man itong awatin noon, sinabihan ako ni Daddy Hugh na hayaan ko na lang dahil gusto raw talaga nito na i-spoiled ako dahil matagal akong nawalay sa piling nilang dalawa.

"Good morning, Cherinna," he greeted me back. Dalawang beses sa isang linggo kami kung magkita ni Daddy dahil lagi itong nagbibigay sa akin ng ulam na niluluto nito sa bahay. Sabi ni Daddy ay namimiss na rin nila akong kasama sa bahay kaya naman kahit man lang daw sana pareho ang ulam namin sa hapag-kainan ay ayos na rito.

"I'm already on my way there," he said after a few seconds. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Hindi naman kami kadalasan na nagkikita rito sa bahay dahil madalas na sa may coffee shop kami sa may labas ng subdivision nagkikita.

At alam naman din ni Jahann ang bagay na iyon. Minsan ay kasama pa namin si Jahann at halatang masaya ito na may progress na rin kahit papaano ang mga nangyayari.

I just hope things between me and mommy will be okay, too.

"Bakit ka po pupunta rito?" tanong ko sa kanya na tumayo na rin para lumabas ng kwarto. Kanina pa nasa may sala si Nikolai at naglalaro ng mga laruang pinamili ni Jahann para rito. Kung si Mommy Hannah ay iniispoiled ako, ganoon din si Jahann sa anak naming dalawa.

"I have a meeting later, that's why," sagot naman nito sa akin. Hindi naman na ako nagtanong pa dahil normal naman na kay Daddy na may meeting ito ng maaga. Matapos akong magpaalam sa kanya ay nagtungo na rin ako sa sala kung saan naroon si Nikolai.

Nagulat naman akong hindi nag-iisa si Nikolai sa sala. "You're here?" tanong ko kay Jahann na nakaupo na rin sa carpet at nakikipaglaro sa anak naming dalawa.

"Good morning, Creep," he smiled before he carried Nikolai and made him sit on his lap. He held his small hand and waved it to me. "Good morning, Mommy..." he said while smiling. Maging ang bata ay humagikgik habang nakatingin sa amin.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon