SF-45

14.7K 879 70
                                    

This is for my silent readers na nagpaparamdam sa reads. Hehehe. 143445254. 


=====================

Hindi ko na nabilang kung ilang beses na ba akong tumayo at bumalik sa kama ko para maupo habang paulit-ulit ako sa pagsilip sa bintana ko para tingnan kung dumating na ba si Jahann o hindi pa. Halos alas-singko na ng hapon at nagsabi si Jahann kanina sa akin na magpupunta siya rito sa bahay dahil na rin sa nangyari.

Nasa kwarto ko lang ngayon si Nikolai at si Ate Mildred at hindi ko sila hinahayaan na lumabas dahil na rin kay Camilla. Nabanggit sa akin ni Daddy Hugh na kakausapin niya ang babae tungkol sa nangyari.

As much as possible, I don't want them to fight but I am also scared for Nikolai's safety. Kung sakali na may gawing masama si Camilla sa anak ko ay talagang hindi ko siya mapapatawad.

"Bumalik na kaya tayo sa mansion?" sabi ni Ate Mildred sa akin habang nakaupo sa may couch na naroon sa kwarto ko. Naglalaro si Nikolai ng mga stuffed toy na binigay ni Keij kaya naman nakakapahinga rin ito kahit papaano.

She was talking about Daddy and Mommy's house. Pumasok naman na rin sa isip ko na baka iyon ang sabihin ni Jahann dahil sa nangyari. I am quite sure that even though he's calm, he's also pissed about the fact that Camilla touched Nikolai.

He was surprisingly calm when we talked but I could sense danger in his voice.

Naupo akong muli sa kama ko at ibinaling ang tingin kay Nikolai, huminga ako ng malalim bago nagyuko at napailing. Akala ko kapag nandito na kami ni Nikolai, magiging maayos na ang lahat. Kahit papaano ay aayon na ang sitwasyon sa amin pero ngayon ay mukhang may paparating na naman na unos sa aming lahat.

Nagkausap na kami ni Mommy, kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa na magiging maayos ang lahat, pero sa ngayon, sa nakikita ko, mukhang may mga sugat lang na muling magbubukas sa pagbabalik ni Camilla.

Akala ko noon, noong unti-unti kong natatanggap na hindi ako Anderson at isa akong Alcantara, kahit na papaano ay magiging madali na ang sitwasyon para sa aming lahat.

Hindi pala.

Hindi naman mawawala sa buhay naming lahat ang ginawa ng babae. It will be part of our lives, our story.

Iisang ulo kami ni Ate Mildred na lumingon sa pinto nang pumasok si Daddy Hugh sa kwarto ko matapos itong kumatok na muna. Kita sa mukha nito ang pagod, ang lungkot, ang inis. It was as if he's also pissed on having Camilla here.

"Can I come in?" he asked while looking at me. Nasa labas lang ito ng kwarto ko habang nakabukas ang pinto. Maliit naman akong tumango rito bago sinulyapan si Ate Mildred na mukha namang nahulaan na ang ibig kong sabihin kaya nagpaalam ito sa akin at kay Daddy Hugh at lumabas na ng kwarto ko.

Pumasok na sa loob ng kwarto si Daddy Hugh at naupo na rin sa kama ko. I was staring at him and I noticed his long deep breaths.

"Is everything okay?" I asked him. Baka nagkulang din akong kamustahin sila sa nangyayari. Maybe he's still in pain because of what his sister did to them, and now she's here again.

Muli itong huminga ng malalim bago tumingin sa akin. "You know, when you came here, I promised to myself that I will take care of you, and Nikolai. Babawi kami sa mga nawalang taon na nabigay sana namin sa iyo ng Mommy Hannah mo ang para sa iyo..."

Hindi ako nagsalita habang nakatingin lang sa kanya. "I sent Camilla to a mental institution so they can help her recover. We tried for the longest time and she showed progress... that's why they cleared her and let her go home..." bakas sa mukha nito ang lungkot at pagsisisi sa nangyayari sa ngayon. "I regret what I did before, what I did to Mika, what I did to Kerko, I regret doing what she wanted, and I thought everything was fine already when I chose to move away from them..."

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon