SF-42

18K 935 140
                                    

Last 8 chapters. 


=================


"Turuan mo na kasi akong mag-drive," sabi ko kay Jahann habang lulan ako ng sasakyan niya at tinatahak ang daan papunta sa school kung saan aayusin namin nila Kol ang records ko para makapag-special exam ako at makapag-enroll para sa sunod na sem.

"No," sabing muli ni Jahann sa akin bago lumingon sa akin. He's wearing his shades while driving and it honestly made him look good. Simpleng white t-shirt at jeans ang suot nito at kahit na ganoon ay hindi ko naman maitatanggi na ang gwapo talaga ng lalaking ito.

"You're being unfair. Si Alyanna nga hinayaan mo na matuto, eh," sabi ko naman sa kanya na inirapan siya. Lumingon ako sa labas at sa tingin ko ay matatagalan pa kami dahil na rin sa traffic.

"In case you missed it, once we're married and you're mad at me, you will leave if you know how to drive. Hindi ka marunong kaya magkukulong ka lang sa kwarto mo, that's the plan," he said before looking at me again and smirked.

"I can call a cab, you know?" I rolled my eyes again and looked outside. I tried my best not to smile when he mentioned the word once we're married.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi iyon nagpalundag sa puso ko pero ayoko namang din ipahalata ang bagay na iyon kay Jahann kaya pinili ko na lang na sa labas tumingin.

"You invited Alyanna to sleep at your house?" Jahann asked me after a couple of minutes. Nilingon ko naman ito at tinanguan. Hindi lang naman si Alyanna ang kasama, kasama rin namin si Airi, Lean at si Ate Caryl. Naisipan lang namin na magsama-sama at pumayag naman din sina Daddy Hugh sa akin.

"Why am I not allowed to sleep over and she can?" Jahann asked me and frowned a little. "Nevermind, once we're married, I will have you by my side forever," he shrugged and continued driving.

Hindi ko napigilang matawa sa reaksyon nito. Hindi ko rin naman maunawaan kung bakit panay ang banggit ni Jahann na kapag mag-asawa na kami ay ganito o kaya ay ganyan. Napailing na lang din ako.

"Don't be jealous of Alyann, Jahann," sabi ko sa kanya. Hindi naman ito sumagot sa akin kaya muli ko itong nilingon, mas lalo naman akong napangiti nang makita kong nakasimangot pa rin siya.

"Once we're married, I will prohibit you from frowning..."

He looked at me and he slowly showed me his smile. I chuckled and shook my head. "Matagal pa ba tayo? Nagugutom na ako," sabi ko na lang sa halip na pansinin pa ang ngiti ni Jahann dahil sa sinabi ko.

Kanina pa naman siya sabi nang sabi ng ganoon, ginaya ko lang siya. Hindi ko naman akalain na ganyan siyang ngingiti. Animo ay isang bata na nabilihan ng laruan na gustong-gusto niya.

Kaya talaga namang iniisip ko na ang itsura ni Nikolai paglaki, eh. Kamukha ni Jahann at kaugali at iyon naman din ang gusto ko dahil napaka-responsable ni Jahann.

I fished out my phone from my bag and sent Alyanna a message. Nauna na sila sa school kaya naman hinihintay na lang nila kami ni Jahann. Sinabihan ko naman din kasi ang lalaki kanina na ako na lang mag-isa ang pupunta sa school pero nag-insist pa rin ito na susunduin ako.

I looked at him and I creased my forehead when I saw he's driving towards a fast food chain. "What are we going to do here?" I asked him. Hindi naman ito sumagot at dumiretso na lang sa drive thru at binuksan ang bintana ng sasakyan nito.

"What do you want, baby?" he asked me instead. Napasimangot naman ako sa kanya. Wala naman akong sinabing bumili siya ng pagkain, nagsabi lang ako na nagugutom ako.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon