SF-47

16.8K 886 101
                                    

Comment your thoughts... 3 chapters left. :)


======


Nang magising ako kinabukasan ay wala si Nikolai sa tabi ko kaya naman agad akong napabalikwas ng bangon. I immediately searched the room to see if Nikolai's crib was already in the room. Mabilis akong tumayo at isinuot ang tsinelas na naroon at lumabas ng kwarto ni Jahann.

Natigilan naman ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Airi at Alyanna at maging ang pagtawa ni Nikolai.

"Ang cute cute naman ng baby na ito, huwag kang magmamana kay Daddy mo at sa mga tito mong laging nakasimangot, ha?" ani Airi habang si Nikolai naman ay humahagikgik dito.

"Mas nakakatakot kung kay Keij at Theon siya matutulad," sabi naman ni Alyanna na napalingon sa akin. Agad itong ngumiti sa akin at tumayo.

"Good morning," bati niya sa akin. Alanganing ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya dahil hindi pa ako nakapaghilamos. Pasimple ko na lang ding inalam kung mayroon bang bakas ng pagtulog ko sa mukha ko.

"Hi, Che!" Airi smiled at me. Kagaya kay Alyanna ay tipid lang din akong ngumiti rito. "Mommy called me about what happened... I am sorry about that," muling sabi nito habang nilalaro pa rin si Nikolai.

Alyanna rolled her eyes and looked at Airi. "I still can't imagine paano mo natagalan ýung baliw na babae na iyon," naupo ito sa may couch at sumandal. "Ang obvious na kailangan niya ng medical help," sumimangot pa ito kay Airi.

Airi smiled at her. "She's family and she was a bit okay before? I am still hoping she will be fine once she's in States na," sabi pa nitong muli bago humarap kay Nikolai.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

States?

"What do you mean States?" tanong ko sa kanya bago itinali ang buhok at naglakad papunta sa kusina. "Nagbreakfast na ba kayo? Sorry, I overslept..." hinging paumanhin ko naman sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung nasaan si Jahann dahil hindi ko naman na natignan ang phone ko nang magising ako. Iniisip ko na baka umuwi na muna ito.

"Jahann went out to buy breakfast," sabi naman ni Alyanna sa akin. "Take a seat and let's just talk," dagdag pa nito.

Napatango na lang ako at naupo sa tabi ni Airi dahil ito ang malapit kay Nikolai.

"You mentioned States earlier. What do you mean by that?" I asked her while I was looking at her.

"Hmm? Hindi ka pa nakapagcheck ng phone mo?" tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng iling. I was too worried about Nikolai's safety, I thought someone took him away earlier.

"I called Mommy because Mommy Mika told us what happened. Dapat magpupunta kami sa bahay pero sinabihan nila kami na huwag na lang muna at tinawagan naman sila ni Jahann para sa plano nito kaya ngayon na lang kami nagpunta," panimula nito. "Mommy mentioned Daddy is bringing Tita Camilla to the States to seek medical assistance. Mas okay rin naman kasi talaga kung sa States siya ipapagamot. Mas secured din doon," dagdag nitong sabi.

Napatango naman ako ng marahan dito. It's a good thing they have a plan already. I am just really hoping things will be okay. Sana ay kung dadalhin si Camilla roon ay wala ng maging problema pa.

Napalingon ako kay Alyanna na nakatingin sa phone nito na tila may hinihintay na tawag.

"You okay?" tanong ko naman dito. She looked at me and nodded a little. I stared at her and it looked like she's bothered by something. Hindi ko naman alam kung ano dahil hindi naman na kami nakakapagkwentuhan ni Alyanna tungkol sa mga bagay na nangyayari rito.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon