SF-48

18.6K 950 224
                                    


Tinulungan ko na lang si Ate Mildred maghanda ng lunch namin ngayong tanghali. Tanging si Alyanna na lang ang naiwan doon dahil umalis na si Airi at Jahann. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari pero sabi ni Alyanna ay mukhang sa Ai's ang problema dahil nagmessage sa kanya si Dean na cancelled ang shoot niya ngayong hapon.

"Ayaw mo bang dito na lang manatili kaysa sa bahay nila Mrs. Alcantara?" tanong ni Ate Mildred sa akin na siyang katulong ko sa pagluluto. I chuckled softly and looked at her. Alam ko na natakot talaga ito sa possibleng mangyari sa amin ni Nikolai dahil kay Camilla. Hindi ko naman din talaga siya masisisi dahil para na kaming pamilya sa kanya at ganoon din naman ang turing namin sa kanya.

"They are my parents, Ate," mahinang sabi ko bago inilagay ang hipon sa may kaserola. Alyanna requested for a buttered shrimp for lunch kaya naman iyon ang ginagawa ko ngayon. "I know what happened was really scary, that's why we are here, too... pero hindi ko naman pwedeng iwan sila basta, ngayon ko pa lang sila nakakasama..." dagdag kong sabi sa kanya bago ipinagpatuloy ang pagluluto.

"Pero kung ikakasal kayo ni Jahann, hindi ka na titira roon," giit pa rin nito sa akin. Kumunot ang noo ko at muli itong nilingon. Hindi ko rin napigilan na hindi matawa dahil sa tinuran nito.

"Alam mo, ang advanced mo!" natatawa ko pa ring sabi sa kanya.

Alam ko naman ang bagay na iyon, natural lang naman din talaga na kung sakaling mag-asawa ako, kailangan kong umalis sa poder ng mga magulang ko. I already thought about that before.

Tiyak ko naman na hindi rin gusto ni Jahann na nasa poder kami ng mga magulang ko o nila Mommy. Mas okay pa rin na may privacy, at iyon din naman ang sinasabi sa amin nila Mommy noon pa man dahil noong nagpakasal si Mommy at Daddy, siniguro ni Daddy na may bahay sila at kaya niyang i-provide lahat ng kailangan ni Mommy at ng pamilyang bubuuin nila.

Hindi naman nabigo si Daddy na gawin ang mga ipinangako nito kay Mommy.

Napailing na lang ako habang nagluluto. Jahann once asked me about it and I wasn't able to say yes, kanina ay nagreply ako sa kanya na may kasamang I do ngunit hindi ko naman alam kung nakuha ba ng lalaki ang ibig kong sabihin.

Of course I want to marry Jahann. Wala naman akong ibang gustong pakasalan maliban sa lalaki at wala akong ibang gustong makasama maliban dito.

Pero gusto ko rin na makasama ko na muna ang pamilya ko at makilala silang mabuti.

"Ang bango talaga," ani Alyanna na nakasandal sa may pader sa may kusina habang nakatingin sa akin. "Alam niyo, bakit kayo marurunong kayo magluto? Samantalang ako..." napasimangot ito bago lumapit sa akin.

Napangiti naman ako nang marinig ko ang reklamo niya. Marunong akong magluto, marunong din si Jahann at si Airi. Tanging si Alyanna lang ang hindi dahil matatakutin ito lalo na sa pagpiprito dahil sa mga tumatalamsik na mantika.

"Here, tikman mo," sabi ko sa kanya bago kumuha ng kutsara at ipinatikim ang niluluto ko. Lumapit naman kaagad ito sa akin at tinikman ito.

"Grabe, Cherinna. Ang sarap talaga," papuri pa nito sa akin. "You should teach me sometime, you know? Lalo na sa baking..." sabi pa nito.

"Why? May pagbibigyan ka?" panunudyo ko naman sa kanya. She looked at me and rolled her eyes. "Wala, no. Ang lakas lang makaganda kaya kapag magaling magluto or magbake," nakangusong sabi nito. Kumuha pa ito ng isang hipon at inihipan iyon.

"You're beautiful already, Alyanna. Hindi mo naman kailangan maging magaling magluto, you just need to know how. Iyon naman mahalaga kasi ang satisfying din kapag gusto nila ang luto mo," sabi ko sa kanya bago tinapik ang kamay nito nang akmang kukuha ulit ng isa pang hipon.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon