#TMBRS01|CHAPTER FOUR
After kong kumain ay nakapaghanda na ako at dahil na dumating na ang load na gi send Dave. It's 200 pesos load kaya Okay na din yun kesa wala kaya agad na akong nagtext dahil share-a-load ang nangyari kaya number din niya ang ginamit na mag sent ng load.
To: Dave
I'm done.At agad kong sinent ang text ko at ilang sandali pa ay naging na ang phone ko habang hawak kopa.
" Hello?" Tanong ko.
" Nandito na kami sa labas ng gate ng bahay niyo..." At agad na nitong pinatay ang tawag kaya patakbo na akong bumaba at lumabas ng bahay at ayun nga naghihintay na sa akin sa labas.
" Good evening tyraaaaaaaa!" Sigaw ni Tonnie.
" Good evening too..." Sambit ko dahil sabagay gabi na kasi HAHAHA.
" Get in....para makapunta na tayo sa condo ni Atecel dahil doon gaganapin ang party...." Sabi ni Dave kaya agad na kaming pumasok sa loob nasa likuran kaming nakaupo ni Tonnie habang silang dalawa ni Faithah ang sana harap.
"Guys may bagong Wangians na selected to be one of campus model are you agree na mag select sila ng hindi mapag bobotohan? Diba we need to VOTE dahil ang pagiging model niya ay kaylangan agree ang nakakarami..." Sabi ni Dave at sumagot din agad si Tonnie.
"Selected nga malamang choice yun ng mga stockholders ng campus baka malapit sa kanila or so closed with them ang student na yun...Anong Gender?" Sabi at tanong ni Tonnie.
"A boy...He is like Shan... Mag pinsan siguro sila..." Sabi ni Dave ehh ito na naman hindi ko kilala kong sino ang tinutukoy niya.
"Si Tashquirah ang the best campus model para sa akin dahil mahal niya yung students not just ang pagiging bida sa campus... Kaya like her, Patas ang pagpili hindi choice lang nila...or choice lang ng mga Prof. At stockholders.." Sabi ni Dave.
"But Tashquirah still made a mess in our campus..." Sabi naman ni Faithah kaya hindi narin nagsalita muli si Dave at nag focus nalang sa kanyang pagmamaneho.
***
Nandito na kami ngayon sa condo o sa party well bongga din naman yung party at Anniversary party pala ito ng kuya ni Faithah at ng ate ni Dave.Agad na kaming pumasok at may babaeng naka suot ng simple dress na color Pink ang lumapit sa amin na may hawak na wine na mukhang iniinom niya.
Pinaikot ko ang paningin ko sa buong silid well malaki din kasi at dinala na kami ng babae o yung Ate siguro ni Dave na umupo kami sa couch na nasa beranda ng kwarto malaki din kasi kaya kasya kahit maraming tao dito.
"Tyra, She is Celine ang ate ni Dave.." Pag papakilala sa akin ni Tonnie sabay babaeng maganda na nasa harapan ko at nakipagkamayan pa sa akin kaya nakipagkamayan narin ako.
"Hi Tyra, Nice to meet you thank you at nandito ka ngayon....Actually I'm to friendly for those person na malapit sa kapatid ko...." Nakangiti niyang sabi at niyakap pa ako.
"Kain na muna kayo sa loob para kahit ano ang magawa natin mamaya ay busog na kayo..." Nakangiti nitong sabi at dinala kami sa loob at binigyan ng plates at pinakuha ng pagkain sa lamesa pero hindi ko na feel na awkward with then ang saya kasama.
Well nasa kabila yung mga boys habang kami naman ang nandito kaya hindi kopa nakikita yung lalaki or yung boyfriend ni Celine kung sino ba siya.
"Guys kumain kayo....Para sa inyo ang party nato dahil I'm so happy na nandito kayo..." Sabi ni Celine sa harap naming lahat marami ding mga bisita niya.
" Wala ata si Kelly..." Sabi ni Faithah.
"Baka dahil so busy siya..." Sagot ni Tonnie.
"Guys Let's take a photos... Oh ayan na si Kelly ang dakilang photograper natin..." Sabi ni Celine kasabay ng pagpasok ng napaka gandang si Kelly na nakasuot ng mini skirt ay ang fitted off shoulder niyang damit pang itaas ang ganda talaga niya.
"Picturan mo muna kami kahit kakarating mo palang gamit yung Camera ko..." Sabay bigay niya kay Kelly ng Cannon Camera niya.
At lumapit sa amin si Celine at tumabi sa akin at yumakap nag makunan kami ng Pictures ni Kelly hindi kuna alam kong ilang Pictures ang kinuha ni kel basta ang alam ko smile kung saan saan nalang kami habang ako ang katabi ni Celine.
I felt na I'm super welcome sa party nato pero ni minsan ay hindi ko nasabi na na congrats sa kanila ng Boyfriend niya.
***
Nandito kami ngayon sa beranda tulad ng Kararating namin kanina nag siuwian narin yung karamihan sa mga bisita at kami nalang tatlo nina Tonnie and Faithah ang solid dito na nakikipag usap kay ate Celine." Ate nag uusap paba kayo ng last Ex mo? For sure handsome din yun..." Sabi ni Tonnie habang ni Faithah ay mukhang hindi nagustuhan ang tanong ni Tonnie dahil agad na umiba ang emosyon ng mukha niya sa ngayon.
" We're really not talking to each other since he broke up with me last two years ago.... "Deretsong Sabi ni Celine.
"Sino nga ulit yung name?" Tanong ni Faithah.
"Tygoldriex Rocerge....And I wish he is happy with her new....Tanging masasabi ko lang sa kanya is sana maging masaya siya sa buhay niya dahil kung ako ay I'm super contented na sa buhay ko ngayon sana ganon din siya..." Pilit na ngumiti si Celine ng sabihin niya ang mga salita na yun.
Ng bilang may lalaking pumasok sa loob na matangkad nakatalikod siya sa akin pero pamilyar na pamilyar sa akin ang tindig na yun.
Ito yung likod ng taong nagparamdam sa akin noon ng sobrang sakit na dulot ng mga katagang masakit pa sa kutsilyo na isinaksak sa puso ko noon.
Para akong nastatua ng dahan dahan siyang napalingon sa akin habang hawak ang kamay ni Celine at para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig dahil sa nakikita ko ngayon dahil sa harap ko ngayon.
Hindi ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko at ramdam kong parang huminto at mundo ko ng halikan niya sa noo ang yumayakap sa kanya na katawan ni Celine.
Si Celine? Si Celine ang babaeng pinagpalit niya sa akin noon at ngayon ko lang ito nalaman.
Ganon ba ako kahina?
BINABASA MO ANG
TREAT ME BETTER (ROYALTY SERIES #01)
Teen FictionTREAT ME BETTER (ROYALTY SERIES #01) Si Tyra ay ang uri ng tao na kapag may gustong gawin ay kahit pa anong kahihinatnan nito ay pipilitin parin niyang gawin ang gusto niya while lumaki naman siya sa pag aalaga ng Step mom niya sa loob ng labing ani...