#TMBRS01|CHAPTER FIVE
Takisa Rokibo?
Oo siya nga na ngayon ay mukhang gulat na gulat ng makita ako sa harapan niya na parang hindi niya inakala na sa ganitong pagkakataon pa niya akong muling makita kaya nilabanan ko ang mga titig niya sa akin at pinigilan ko talagang hindi maiyak dahil sa pagkakataong ito wala akong karamay.
"T-tyra?" Nauutal niyang tawag ng pangalan ko.
Halatang naninigas at sumasakit ang lalamunan niya dahil hindi na nasundan ng kung anong salita ang sinabi niya at napatitig nalang siya sa akin.
Na miss moba ako?
Gusto ko siyang tanungin pero ang awkward naman kapag ganon ang gawin ko dahil sinaktan kana niya Tyra sapat na yun wag kanang gumawa pa ng ibang Style wala ng kayo.
May Celine na siya.
"You know her?" Tanong ni Celine sa kanya at nag palipat-lipat lang sa aming dalawa ang tingin ng mga kasama namin.
"T-tyra can we talk?" Tanong niya akma na akong aayaw ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papaalis sa harapan nila nagmatigas pa ako pero parang may sariling pag iisip ang paa ko ay sumunod parin sa kanya.
Dinala niya ako sa kabilang room kung saan Boys ang lahat ng nandito at dinala ako sq isang sulok na kitang kita lang din kami ng mga tao dito sa loob.
"Tyra sorry..." Naluluha niyang sabi at akma na niyang hahawakan muli ang kamay ko ng tabigin ko ang kamay niya.
"I don't need your apology... Sapat na sa akin ang dati ayuko ng maulit pa...." Tumutulo na yung mga luha ko at naninikip ang dibdib ko dahil sa pinaggagawa namin at nakatingin sa amin ang mga kalalakihang busita niya.
"T-tyra.... Tanggapin mo lang ang Sorry ko please lang...." Nagmamakaawa niyang sabi.
"Rokibo....Hindi na kaylangan maging masaya kana lang sa buhay mo ngayon sapat na sa akin yun...." Sabi ko dahil kona kaya pa ang nararamdaman kong ano man ang sasabihin niya tumalikod nalang ako ng muli niyang hinawakan ang kamay ko kaya muli ko siyang hinarap at kinausap kahit hirap na hirap na ako sa sitwasyon namin ngayon.
"Rokibo tulad ng sabi mo sa akin noon at kung nakalimutan muna ipapa alala ko sayo......Sabi mo sa akin noon... Nakahanap kana ng taong para sayo at totoong nagmamahal sayo sa higit pa gusto mo at gusto mo ng tapusin ang relasyon natin kaya pinagbigyan na kita kahit sobrang sakit na o baka gusto mo pang ilantad ko dito ang masasakit pang salita na sinabi mo na hanggang ngayon ay nanatiling naghihilom parin..... Kaya kalimutan muna ako tulad ng hiling mo sa akin noon...." Sabi ko at lumabas ng kwarto na yun at napagtanto kong nandito sin sa labas ng kwarto sina Celine, Faithah at Tonnie ng agad ko silang linampasan at nagtungo sa elevator habang tumutulo parin ang mga luha ko.
Nandito na ako ngayon sa labas ng condo nila ng makita kong patakbong nakasunod sa akin si Tonnie at Faithah.
"Tyra..." Tawag sa akin ni Tonnie kaya agad ko ng pinunasan ang mga luha ko sa mga at pilit na ngumiti sa kanilang dalawa na sabay na yumakap sa akin.
"Tyra wag kanang umiyak.... Nahahawa kami kahit ngayon lang tayo nagkakilala i mean ngayong araw i know your are a good person....Mali yun ni kuya..." Sabi ni Faithah.
Sinisipun na ako dahil sa nangyari.
"Sinipon na ako HAHAHA..." Natatawa kong sabi sa kanila.
"Saan moba gustong pumunta? Sasamahan ka namin..." Sabi ni Tonnie.
"Malalim na ang gabi, I need to go na mag tataxi nalang ako..." Pagpapa alam ko yumakap sa kanilang dalawa.
"Salamat sa inyong dalawa..." Sabi ko at pumara ng taxi hanggang sa makapasok na ako sq loob ng taxi at hanggang papalayo na ang taxi ay nakatingin parin sila dalawa sa akin.
***
Nandito na ako ngayon sa bahay habang naka upo sa dulo ng kama ko at patuloy na umiyak.Bakit don kupa siya nakita. Baka sabihin pa ng ibang tao ang kung ano ano ganyan.
Last 2 years ago yun and produkto to say na siya ang first Ex ko dahil isa siya sa mga kaibigan ni Gin kaya madalas kong kasama noon hanggang sa naging kami at naghiwalay tapos sa ganong party pa kami muling nagkita.
Sana hindi nalang ako pumunta sa party nayon para hindi ko makita pa ang pagmumukha niya pero dahil lang siguro hindi ko alam na mag kapatid pala sila ni Faithah.
***
Maaga na akong nagising at pumasok na sa school ng naka shade dahil mukha akong zombie sa ngayon dahil sa pag iyak ko ng buong gabi.Papasok na ako ng Campus ng may nakita akong ID na nahulog qt tinignan ang pangalan.
Shan Phoinex Tai Sho.
Gusto ko sanang magtanong pero kaylangan konang pumasok dahil may quiz pa kami sa Pre-Calculus kaya dumeretso nalang ako papunta sa 6th floor ng building.
Dumaan na muna ako sa locker para kunin ang libro ko at ibang gamit ng lumapit sa akin si Tonnie at Faithah.
"Hey Tyra nice shade ahhh..." Sabi ni Tonnie.
"Umiyak yan ng bongga for sure kaya nag shade..." Sabi ni Faithah.
"Okay lang ako guys, Syempre hindi ko rin naman maiwasan hindi umiyak masakit din kaya..." Pilit na akong ngumiti habang sinasabi sq kanilang ang mga talagang iyon.
Sabay na kaming pumunta sa elevator pero puno na ng student.
"Hagdan tayo..." Sani ni Faithah.
"Kapagod kaya..." Sabi ko.
"Maaga pa... Bali ehersisyo na sa pusong nasaktan..." Sabi ni Tonnie at inakbayan pa ako habang naunang naglakad si Faithah.
"Alam mo problema lang yan mawawala din yan promise....Na broken din ako dati... Tapos classmate pa natin ngayon yung Ex ko pero okay na kami ni Viqou sa ngayon back as a friend...Kasi wala na ding feelings kaya Okay na yun sa akin....In short naging Okay narin kami.." Sabi ni Tonnie habang paakyat na kami.
"Alam mo ba marami ding nasaktan ang importante matanggap mo ang tadhana ng buhay, Dahil dun din naman kasi yun lahat ehhh..." Muling sabi ni Tonnie.
"May quiz pala tayo ngayon diba?" Pag iiba ko ng topic.
"Gosh oo nga pala....Lupita elevator nalang tayo..." Sabi nito at naka akyat na kami sa second floor kaya nagtungo nalang kami sa elevator para madali kaming makarating sa 6th floor dahil nandon ang room namin.
BINABASA MO ANG
TREAT ME BETTER (ROYALTY SERIES #01)
Teen FictionTREAT ME BETTER (ROYALTY SERIES #01) Si Tyra ay ang uri ng tao na kapag may gustong gawin ay kahit pa anong kahihinatnan nito ay pipilitin parin niyang gawin ang gusto niya while lumaki naman siya sa pag aalaga ng Step mom niya sa loob ng labing ani...