J/Juiced/

184 3 1
                                    

~J~ Juiced

NICOLE'S POV

Hmm. Tequila... Margarita.. Vodka... Cocktails.. Pink Lady.. Cosmo.. Martini. Pambihira! Anong klaseng inumin to? Gosh! I've got no idea. Medyo peste kasi yung tatlo iwanan ba naman ako dito sa bar!? Damn them!

At bakit naman kasi ako nag-aya na pumunta dito?! Gash! Hindi ko naman alam na siseryosohin nila yung sinabi ko. >_

Nung lumiwanag bigla saka ko lang naalala na kanina pa naghihintay itong bartender.. Eh? Ano ba naman ang oorderin ko? As if naman na may alam ko sa ganito. Psh.
Hmp! Sabagay mukha namang juice ang mga ito, siguro kahit ilan nito pwedeng pwede.

"Hey! Give me 2 glasses each", and tinuro ko ang mga juice or shall I say beverages with different color. Siguro mga 6 color so times 2 that makes 12 glasses.

"Are you sure mam?", Huh? Ano daw? Hindi ko siya masyadong marinig dahil sa lumakas ang sound system at lalo ring dumilim.

"Yeah", I nodded unconciously, may choice pa ba ako? Ganito naman talaga tayo diba, kapag hindi naiintindihan tumatango na lang. Ayt?

"Okay mam, just a minute." pagkapaalam nung bartender ay tumalikod na siya at nagsimulang mag-mix na kung ano-ano. Siguro nga hindi lang yan simpleng juice kasi andami-daming inilalagay na sa tingin hindi naman dapat.

Napatingin ako sa cellphone ko ng umilaw yun. Ay sa wakas! may nakaisip ng magreply sa akin.

A MESSAGE FROM:

PATRICK

|wer are you? I miss u|

AY POTA! muntikan pa akong mahulog sa stool ng mabasa ko yung text niya. Oh my goash! Totoo ba talaga to? Hindi ko mapigilang hindi mag-init ang pisngi ko. So narealize niya na ba na ako talaga ang mahal niya?

"Mam, your mixes are done. Would you like to serve it one by one or serve them all?", Ay kuya peste ka! Ngayon ka pa nang abala.

"All please.", I said gusto ko na lang kasing mapag-isa at laklakin lahat sa isang full shot, kasi kung paisa-isa abala lang yan sa pagtawag kay kuya. Diba?

Umilaw na naman yung phone ko kaya automatic naman akong kinuha yun.

A MESSAGE FROM:

PATRICK

| I think I saw you Claire.  Please let's talk.|

Huhh? Claire!????

Eto na nga ba ang sinasabi ko! Bullsh!t! Ayan CLAIRE pala! Umasa ka na naman kasi NICOLE! Hay! kainis!

Grabe akala ko pa naman miss niya na talaga ako.. akala ko din narealize niya ng ako talaga ang mahal niya. Tapos malalaman mong wrong send pala. Aray naman. Masakit talaga!

"Mister yung order ko pwedeng paki bilisan.", hindi ko na malaman ang gagawin ko. Parang gusto ko na lang lagukin lahat ng inumin ko at magpakasaya sa gitna ng dancefloor. Yun na lang ang naiisip kong gawin.. Maitago ko lang ang sakit sa dibdib ko.

"Here is it mam. Sorry to keep you waiting."

PShh.. WAITING.. Sanay ako diyan. Madaming beses na akong nakarinig ng ganyan. 

HOY KUPIDO! 

Bakit di mo pa panain ang puso ni Patrick pabalik sa akin? Bwst ka!

Sinulyapan ko naman isa-isa ang mga alak na inilalapag ng bartender sa mesa. Para na akong tigre na gustong gustong mang sakmal. 

Sa wakas natapos din siya at bumalik na sa counter niya. Nacucurious ako dito sa juice na may lemon kaya naman kinuha ko at saka inobserbahan. May asin pa.. Paano ba naman kasi inumin ito? Ang lakas-lakas ng loob ko na mag-order ng ganito tapos hindi ko naman pala alam kung paano inumin.

JUST LIKE A REBOUND (THE AGREEMENT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon