34/Breakdown/

222 9 0
                                    

~34~ Breakdown

NICOLE'S POV

Umalis kami bigla ng dahil sa gawa nitong si Aly. Hinatak ba naman kami ni Red papalabas ng gym at mukhang sesermonan pa ako. Akala ko nga e pumayag siya, pinaasa lang pala ako. >3<

Wala naman sigurong masama duon? Nagparinig lang naman ako. Well, It isn't my fault now kung tatamaan siya at kung iilag siya wala siyang choice kasi sa kanya naman talaga yun babagsak.

Natatawa ako sa expression ng mukha ni Red at sa pagpapakalma sa kanya ni Aly. Nagaalburuto kasi si Red ng bigla kaming hinatak alam niyo naman ang mga basketball lovers sayang-saya sila pero kami score lang ang tinitingnan. Mukhang masaya silang kaibigan, yung parang open na open na sila. Nakakainggit lang kasi nawala yung bestfriend ko sa akin. …•°O^O°•…

"Tara na nga?!", lumapit sa akin si Red at niyaya ako.

"Ho? Saan naman tayo pupunta?"

"Kakain.", mukhang moody din pala ang isang ito.

"Tapos?"

"Maglalandi...A.aray naman Aly, kanina ka pa ah! Isa na lang talaga! Tatamaan kana!", pagbabanta niya ng sapukin siya ni Aly.

"Gagi ka kasi e.. Dinamay mo pa yung tao, hindi pa nga nakamove on, papasubuin mo na naman ng bago", paliwanag niya.

"Anong papasubuin? Yackiiiee ka! Bakit Nics nakasubo ka na ba?", biglang naging hyper itong si Red dahil sa sinabi ni Aly. Ano namang susubuin ko?

"Uhh.. Basta yung malaki pero masasaktan ka." Hala, biglang humalakhak itong si Red tapos maluha luha pa siya. Jusko! Saan kaya hahantong ang usapang ito?

"Tangek, malaking hamon ulit at masasaktan ka sa pag-ibig. Ano ba yan, parang hindi marunong umintindi ng short-terms", pagpapatuloy pa ng sinasabi ni Aly. Saka naman natigil si Red sa kakatawa.

"Hayss... Tara na nga?! Saan ba tayo?", tanong ko.

"Nicole", may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko muna nilingon yun, marami naman kasing Nicole diba? Pwedeng kapangalan ko lang yun at tsaka sumisigaw siya baka nasa di kalayuan lang ang tinatawag niya.

"Bes", nahinto ang sistema ko sa narinig ko. Natatakot ako. Napasobra yata ako kanina kaya nandito siya. Huminga muna ako ng malalim at hinarap siya.

"Are you refering to me?"

"Let us talk", she said. Buti naman at wala siyang kasamang magtatanggol sa kanya.

"Uhh. Nics, mauna na kami.", nagpaalam si Red sa amin at siya naman ngayon ang humigit kay Aly.

"Wala naman yata akong choice, Bakit ba?", hindi naman sa nagtataray ako pero yan talaga ang lumabas sa bibig ko, parang labas sa ilong ko yang sinasabi e.

"Please let us talk privately.", demanding pa, actually umiinit na ang dugo ko't nauubusan na ako ng pasensya sa babaeng ito.

Ang ending.... Sumama ako sa kanya sa Starbucks.. Wow, sosyal naman :( and I just can't afford.

"Dito ka muna, mag oorder lang ako.", at pagkatapos ay inilapag niya na ang mga hawak niyang libro sa mesa at saka siya umalis. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at nagmasid sa labas ng shop.

Naguguluhan ako sa kanya. Kung titingnan mo kasi si Claire parang kalmado lang siya, hindi katulad ng ibang 'mang-aagaw' sorry for the term ah, diba kung mang-aagaw ang role mo dapat masyado kang aggressive tapos talagang pang kontrabida, sa kalagayan kong ito eh parang ako lang yata ang extra sa kanila. Warm-up kung baga, ang sakit lang nun.

"Sorry kung natagalan ah. Medyo mahaba kasi yung pila.", paliwanag niya habang paupo na siya.

"Hindi no, okay lang."

Natahimik kami pareho buti na lang ay inilapag nung waiter ang mga inorder ni Claire. Sabay pa kaming nagpasalamat at bumalik ulit yung silent atmosphere, kung dati-rati ay halos walang huminga sa kakakwento tapos ngayon puro hininga na lang ang maririnig mo.

"Uhhh.. Nakaka-", sabi ko.

"Bes, about sa--", nagkakataon pang nagkasabay kaming magsalita, tumigil ako ng saglit ganun din siya, para ngang naghihintay kami kung sino ang mauuna.

"Nakakabingi din pala kapag hindi nagsasalita. Hihihi", ginrab ko na yung opportunity na magsalita nung humigop siya sa frappe niya.

"Bes, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko sanang tumigil ka na sa paghahabol kay Patrick. Please lang.", she uttered na para akong binuhusan ng napakainit' kumukulong tubig sa sinabi niya, so nandito siya para sabihing tumigil na ako? Ako talaga? At sa paghahabol pa talaga kay Patrick?! Ay wow naman! Applause! Applause! Best actress pang ang peg.

"Para sa kaalaman mo, hindi ko hinahabol si Patrick. Hindi ko rin naman balak tumigil kaya pwedeng-pwede mong sabihin na may pagka martyr ako. Alam mo naman siguro ang pinagdaanan ko diba? Nadala na ako kaya ngayon hinding hindi na ako titigil.", pinaglalaban ko talaga ang side ko.

"Hindi ko naman sinabing martyr ka, pero kung yan ang tingin mo sa sarili mo edi sige. Nadala ka na pala tapos bakit pinakawalan mo pa? Babawiin mo kung kelan may iba na? Hindi siya recyclable material na pagkatapos mong itapon ay pupulutin mo't gagamitin pa. Asan ang kahihiyan mo diyan?", nasasaktan ako masyado sa mga binibitiwan niyang mga salita.

"Hindi ko siya tinapon, hindi ko naman kasalanan kung may sadyang tumabig nun.", naiinis na ako sa mga sinasabi niya, alam kong may mali ako pero sana man lang hindi niya na pinangalandakan pa yun.

"Hindi ko tinabig yun, kusa na siyang lumapit sa akin.", she smirked bluntly at talagang harap-harapan. So, kasiyahan mo na yan? Yabang pa ateh!

"Lumapit siya sayo kasi no choice siya nuon, I don't want to be rude but Shall I say, you were just a rebound?", napasimangot siya at ang mukha niya ay nalungkot.

Oh diba tama ako. Rebound lang siya, rebound lang! Hindi ko alam kung bakit nagsimulang tumulo ang mga luha niya, nakakaguilty ah. Pinaiyak ba kita? Tang'nah ako pa pala ang magmumukhang mali dito.

"Babe?…What is happening? …Are you crying?", biglang lumapit si Patrick kay Claire. Ahh kaya pala biglang naging best actress may knight with fckng shining armor. "What did you do?"

"Nagdala ka pa ng back up, sana sa gitna na lang tayo ng gym nagusap para madaming nakapanood at dumami pa supporters niyo", mariin kong sabi at akmang tatayo para umalis.

"Stop it Nicole!!!", galit na galit si Patrick kaya na nabigla ako sa pagtayo.

"Edi stop, pucha!", inis kong sabi.

"If you think you're great in that, you thought wrong.", Aray ah! Does he think I am feeling great? Oh gosh. Naiiyak na ako, feeling ko pa nga nagsisimula ng gumilid ang mga luha ko.

"Patrick, sa-sabihin mo nga.. Ako ba ang nagtapon sayo o ako ang tinapon mo?", hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin iyon.

"What do you think? You threw me like hell and How I wish I could pull you down and forced to lift me but you just ignored it."

"Whoah! I threw you like hell? How amazing it is. I never threw you. You were the one who threw me in just a glance and picked this piece of trash.", dinuro duro ko pa si Claire ng dahil sa galit ko. Pero hinawakan yun ni Patrick, hinahawakan niya ako ng napakalakas yung parang mamaya ay bali-bali na ang kamay ko.

"Never compare yourself to her, Because you were more than a piece of trash than her. Now, Please excuse us."

Nauna pa silang nakaalis sa akin sa pwesto namin. Nakalabas na sila ng café pero habang ako ay nasa harap parin ng mesang kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ko haharapin ang kahihiyang ito?

Masama ba akong tao? Napakasama ko ba para gaguhin ako ng ganito? Ako na nga ang naiwan ako pa yung masama. Alam kong mali ako noon, nagpadalos dalos ako. Hindi ko naman kasalanan na nasasaktan ako diba?!

Umalis ako sa café at naglakad lakad sa labas ng campus. Wala na akong pakialam kung saan man ako mapunta, basta kailangan kong makahanap ng lugar na pwedeng iyakan.

Yung lugar na alam kong hindi ako itatapon.

JUST LIKE A REBOUND (THE AGREEMENT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon