Chapter Two

9 2 8
                                    

Did I heard it right? O-operation? There's only one way to cure this? I need to undergo an operation? I know it might went okay. That maybe it might be successful. Maybe yes or maybe not.

I cannot fathom the feeling that I'm feeling right now. Siguro overwhelmed ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko mawari kung magiging okay ba ako or hindi. Kung kakayanin ko ba ang operasyon. Kung, kung ikakamatay ko ba i-- napailing ako. Hindi, hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na ito. Ayokong mangyari ulit sa akin yun. Tapos na yun, I've already healed. Everything turned out fine already. I'll be fine. Hope, you'll be alright. You'll get through this okay?

Ilang beses ko mang iassure ang sarili kong magiging okay lang ang lahat pero hindi eh. Kasi, putangina. Hindi ako okay. Pano ako magiging okay nito? Pano? Ang drama mo naman, Hope. Yan! Yan ang sinasabi ko sayo Ria Hope Elizabeth, napakadrama mo! Ang bilis bilis mong umiyak. Gaga ka kasi.

"Hoy, Hope! Hindi ka magiging okay! Pabigat ka!" sabi ko sa sarili ko.

Ano bang pumasok sa kukute ko na sabihing okay ako eh totoo naman. Hindi naman talaga ako okay. Bakit kailangan pa nilang magpretend na okay lang ako na alam kong hindi naman talaga ako okay. Alam ko pabigat ako. Siguro ayaw na nila sa akin. Siguro nagpapanggap lang din sila. Siguro sobra ko na silang pinapahirapan. Palibhasa, Hope fake ka!

Napapitlag ako sa pagiisip ng makita kong umiilaw at nagriring ang cellphone ko. Tumatawag ang pinsan ko. Kinuha ko cellphone ko at nakita ko ang repleksyon ko sa cellphone. Umiiyak na pala ako. Hindi ko na naman namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Ayan na naman. Umiiyak ka na naman, Hope.

Dali-dali kong pinalis ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Breathe in, breathe out. Smile, Hope. Smile.

Sinagot ko ang tawag ng pinsan ko. "Hi, Claire!" I uttered those words with a smile. Sus, ang peke mo Hope! Ang peke ng ngiti mo.

"Ba't ang tagal mong sumagot, Riha? Kanina pa kita tinatawagan? Bakit? Anong nangyari? Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Kamusta ka?" tanong ni Claire sa akin. Napangiti nalang ako sa mga tanong niyang walang katapusan. Alam ko namang nag-alala din sila para sa akin. Ganyan na ganyan siya pag tumatawag sa akin. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

"Ganoon ba? Pasensya na galing kasi akong toilet umihi ako." pagsisinungaling ko sa kaniya. Ayoko namang sabihin sa kaniya noh na inayos ko pa sarili ko upang magmukhang tao dahil kagagaling ko lang naman sa pag-iyak. Ulit.

"Ay weh? Sinong tumulong sayo dun?" tanong niya pabalik sa akin. 

"Ako lang. Kaya ko namang dalhin yung dextrose noh. Meron namang lalagyan doon sa cr. At tsaka isa pa hindi naman ako imbalido para kailangan buhatin 24/7. Kaya ano ka ba! Wag ka na ngang mag-alala diyan! Okay lang ako! Tingnan mo tong muscles ko oh, napakastrong!" pagyayabang ko sa kaniya habang pinapakita itong mga muscles ko na wala namang katigasan.

"Hala siya! Charness ang buang ampota! Feeling mo oy!" sabi niya sa akin sabay tawa.

Napatawa na lang din ako sa sinabi niya. Kahit papano napatawa naman ako ni Claire.

"Oh, andito sina nanay at tatay oh gusto kang kausapin." sabi ni Claire sa akin sabay bigay kina nanay at tatay sa cellphone niya.

Napangiti nalang ako lalo nung nakita kong kumakaway sina nanay at tatay sa akin. How lovely those bright smiles are. Just the sight of them looking at me like they're not worried makes me feel at ease. Even just in a short period of time. I feel at ease.

"Inday, kamusta man ka dira? Pagpakaayo diha ha. Pagpakalig-on jud diha Inday. Pag-ampo intawn. Naa rami para nimo. Kanus-a man ka operahan diay?" they said in bisaya. They asked me if I was okay and that I need to pray and be strong. They also asked that when is my operation.

Hope Where stories live. Discover now