Chapter Ten

1 2 3
                                    



Napabalik-balik ako ng lakad ngayon. Kinakabahan ako dahil ngayon kami magkikita ni Respen. Nung sa sandaling tinanong niya ako, hindi ko alam anong isasagot ko sa kaniya. Hindi ko alam anong sumapi sa akin dahil nasagot ko siya ng 'Oo'. Ang gaga mo, Hope. Ang dali mo lang bumigay.

I bite my nails. Bakit parang okay lang kay mama nung nagpaalam ako sa kaniya kagabi? Akala ko ba strikta siya. Okay lang sana yun eh, kapag hindi ako pinayagan ni mama dahil good reason yun para sabihan ko si Respen. Maiintindihan niya yun. I'm not yet ready to see him. Anong isusuot ko ngayon?

W-wait! Ang isusuot ko! Jusko! Anong susuotin ko ngayon! I hurriedly scanned my clothes. Dress kaya? O skirts? Shorts? Ugh. Mababaliw na ako nito kakaisip. Buti nalang sasamahan ako ng kapatid ko mamaya. Pinayagan nga ako pero ipapasama din naman ni mama yung kapatid ko sa akin. Sa mall na kami magkikita ni Respen mamayang alas dies ng umaga. Umalok siya sa akin kagabi na susunduin niya ako dito sa bahay pero umayaw ako kaya ihahatid na lang kami ni mama ngayon. Nahihiya ako sa kaniya.

Alas 8 na ngunit hindi pa rin ako nakapagdesisyon kung anong susuotin ko ngayon. Maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip. He wants to meet? No! He wants to see me! I mean... why? Napatingin ako sa orasan. Gosh! Bakit bigla na lang naging 9:15 yung oras! Hindi pa ako nakakaligo!

I hurriedly went to the bathroom to take a bath. Mabilis lang akong naligo dahil malapit ng mag 10. Napag-isipan ko na ring magsusuot na lang ako ng isang brown flare pants partnered with drawstring beige halter top. Pagkatapos kong maligo ay dali-dali akong nagbihis. I just wore my white sneakers. Pinaresan ko na lang din ang top ng isang white cardigan ko dito. I just put my hair down and curl the edges of my hair. Hanggang breast part yung hair ko at may side bangs din ako. I also put on some light make-up just to look presentable and fresh. Napatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. And when I finally felt satisfied with my look, I hurriedly went to my sister's room to call her.

"Eren! Halika na! Malapit nang mag alas 10!" tawag ko sa kaniya.

"Susunod lang ako ate!" sagot niya sa akin.

"Bilisan mo ah!" pahabol na sabi ko sa kapatid ko.

I opened my phone and texted him that we'll be there. Nagreply naman siya na andoon na siya at hihintayin lang kami sa gilid ng entrance. Gosh, andoon na siya! Masyado tuloy akong nagpanic. Tinawag ko na si mama sa kusina pero wala siya doon. Narinig kong bumusina ang sasakyan kaya pumunta na ako sa garage namin. Sumakay na ako sa kotse at sumunod naman ang kapatid ko.

"Kumain kayo sa tamang oras 'don ah. Yung gamot mo, Hope dinala mo ba? Mag-commute nalang kayo mamaya dahil hindi ko kayo makukuha. May meeting kami mamaya sa office. Tawagan niyo ako pag may mangyari, ah?" bilin ni mama sa amin.

My mom just dropped us at the entrance. May meeting kasi si mama ngayon kaya hindi niya kami masusundo mamaya. My mom is a real-estate agent kaya busy din siya minsan.

Bumaba na kami sa kotse at sa sandaling makababa kami, napunta ang tingin ko sa lalaking naglilibot ng tingin sa paligid. He looks so manly and clean with what he's wearing now. He's wearing a white shirt with a print of the brand name on and faded pants. He just wore a white sneakers too. His hair is messy and that makes him look so hot. Pansin kong hindi niya pa kami napansin.

"Yan si Respen Ate? Shocks ang gwapo." sambit ng kapatid ko. Muntik ko ng makalimutang kasama ko pala ngayon ang kapatid ko.

Hindi ko sinagot ang kapatid ko. My eyes are just laid to the most handsome man I've ever seen. Parang bumagal ang ikot ng mundo ko. Na para bang siya lang ang tanging tao nakikita ko ngayon. Nakita kong kinuha niya ang phone niya. Nag-ring ang cellphone ko tanda na tumatawag siya. Sinagot ko ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hope Where stories live. Discover now