Chapter Nine

1 2 1
                                    


[T-type m-mo a-ako? A-anong k-klaseng kalokohan 'to, Respen?] para na akong tanga ditong kinakabahan ng todo-todo. Yung dalawa kong kamay, basang-basa na ito. Para na akong galing sa paghuhugas ng kamay. Sabi nga ng isa kong kaibigan 'waterfalls' daw yung kamay ko. Ganito kasi ako pag masyado akong kinakabahan. Pati yung dalawa kong paa, nagsisimula na rin itong bumasa. At ito ang kinaiinisan ko sa lahat. Pano na lang kung kakabahan ako habang naghoholding-hands kami? Matuturn-off kaya siya diyan? Ang awkward 'nun ah.

Silence took us off. We could only hear his silent laughs. Ano bang nakakatawa dun? Shocks. Bwecet naman oh. Alam naman nating mahuhulog ako kaagad sa kaniya niyan kahit pagtawa lang. Kahit ano pang klaseng tawa yan, panget man o hindi. Tatanggapin ko pa rin siya.

[Well... let's just say, maybe yes or maybe no.] He replied and then laughed. Yung tawa niya parang walang katapusan. Kakainis bahala siya sa buhay niya. I clicked the end call dahil nabwibwisit ako sa tawa niya. Wala lang siyang ibang ginawa kundi tumawa. I punched the pillow beside me. Ganitong-ganito ako kapag naiinis.

"Ate! Nisiga na! Finally!" my sister updated me that the power finally got back. Good thing tho, malapit na rin pala akong malowbat. Ito kasing phone ko, nakakainis dahil palagi na lang lowbat lalong-lalo na kapag gagamitin ko ang cellular data ko. Buti, nacharge ko rin yung powerbank.

Chinarge ko nalang itong phone ko at pumunta ako sa baba para kumuha ng snacks dahil nagugutom ako. Kumuha lang ako ng bread at nagtimpla ako ng gatas. Bawal kasi ako sa kape pero hindi naman talaga ako mahilig uminom sa kape kaya okay lang sa akin yun.

Habang kumakain ako ay pumasok si mama sa kusina dala-dala ang magandang balita.

"Nak, salamat talaga sa Diyos. Babalik na sa normal ang lahat kapag na-vaccinan na ang lahat. Yan ang sabi ngayon sa balita. Inannounce yan kanina ng pangulo. Pero kapag hindi ka pa raw nakapagpa-vaccine, hindi ka makakapasok sa mga malls, church, school, basta lahat. Nakapagpa-appoint na ako para sayo ngayon. Pupunta tayo ngayon sa gym, ipapa-vaccine kita. Tapos na naman kaming lahat magpavaccine." sabi ni mama sa akin dala-dala ang magandang balita. Naku, mabuti 'yon ah. Thank you, Lord. You've been so good to us.

"Ganoon ba ma? Mabuti! Salamat talaga sa Diyos. Anong oras ba tayo pupunta doon ma?" tanong ko kay mama.

"Ngayon na dahil mataas yung pila doon panigurado. Baka aabutin pa tayo ng hapon nito, madaming magpapavaccine ngayon dahil sa Lunes na babalik sa normal. Eh, sabado pa naman ngayon, panigurado dadayo ang mga mamamayan ngayon." sagot ni mama sa akin.

"Totoo yan. Yung kapitbahay nga natin oh, kanina pa sila madaling araw pumila dahil hindi sila nakapagpa-appoint. Buti nalang may kamag-anak kayong nurse dun. Buti, 'andon si Ayen." singit naman ni Ate Jessa. Naaawa nga ako sa iba diyan dahil hindi sila nakakapag-appoint. Yung iba kasi priority kaagad dahil may kakilala doon, kagaya namin.

"Ay, di man pud oy. Kahit nakapagpa-appoint kami, pipila pa rin naman pero yung sinabihan kong magvavaccine kay Hope, si Ayen." sagot naman ni mama kay Ate Jessa.

"Ah 'ganon? 'Di mabuti pala. Oh, siya mag-ayos na kayo para makapunta na kayo 'dun. Ay, yung prinito kong saging 'dun baka pagod na yun. Naku." sabi ni Ate Jessa sabay dali-daling pumunta sa kusina. Sinundan naman namin ng tingin si Ate Jessa hanggang sa mawala na siya sa paningin namin. Napunta ang tingin ni mama sa akin na para bang sinusuri ako.

"Nakaligo ka na ba, Hope?" tanong ni mama sa akin.

"Opo, ma. Nakaligo na po ako. Magbibihis na po ako para makapunta na po tayo." paalam ko sa mama ko at tumalikod na ako kay mama.

"Yung gamot mo ininom mo ba kanina? Sa Lunes, ka na mag-timbang para makita natin if you gain weight. Sa Miyerkoles pa yung follow up check-up mo anak. Kapag maayos na talaga ang kalagayan mo at makita ni doc na malaki ang improvement mo, baka hindi ka na imomonitor niya. Bibigyan ka nalang siguro ng home meds." pahabol na sabi ni mama sa akin.

Hope Where stories live. Discover now