Payong

9 0 1
                                    

♥Umbrella♥

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Yeah! Right! None of the above! Dahil tinakpan ni Robert ang bibig ko ng kamay nya dahil balak ko sanang sumigaw, samantalang lahat yata ng tao ay tulog na at kami na lang ang gising. At nagulat din ako dahil hindi ko na talaga akalain na gusto nya ako imbis na kaayawan.

"So you mean na... na gusto mo ko? Na mahal mo ako kaya pakakasalan mo ako? Na magpapakabasa ka sa ulan para lang sakin?" sunod-sunod kong tanong. Masagot nya kaya? (?_?)

"Uh...Uhm... H-hindi... Ano Ingrid..." hindi daw... sabi ko na nga ba... hindi nga nya ako mahal...

"Sabi ko na nga ba, hindi mo nga ako mahal. Masyado talaga akong assuming. Pasensya na ha?" sabi ko at ngumiti ng pilit. Di ko alam kung umiiyak na naman ako o dahil lang sa ulan kaya ganito ang pakiramdam ko.

"Ingrid patapusin mo muna kasi ako. Ang sinasabi ko kasi, hindi ka na nakasilong sa payong. Pero LAHAT ng tinanong mo kanina sakin, oo ang sagot ko. Oo, may gusto na ako sayo since nung magkakilala tayo tulad mo. Oo, pakakasalan kita dahil hindi kita mahal kundi mahal na mahal. At Oo, magpapakabasa ako sa ulan para lang sayo. Pero ikaw naman ang tatanungin ko..." huminto sya sa pagsasalita.

"Hmmm? Ano naman yun?" sabi ko sa kanya ng mugto ang mga mata at garalgal na ang boses dahil sa kasisigaw at pag-iyak.

"Ikaw ba? Mahal mo ba ako? Pakakasalan mo ba ako dahil mahal mo ako?" tanong nya sakin pero hindi ako sumasagot.

Hindi ko alam ang isasagot, hindi ko malaman ang emosyon na nararamdaman ko. Kaya tanging ang tunog ng patak ng ulan ang naririnig namin. Hawak ko pa rin ang payong na dinala nya kanina.

Mula sa kinatatayuan ni Robert, lumuhod sya at hinawakan ang kamay ko. Ang init... mainit ang kamay nya kahit na napakalamig ng tubig-ulan. Ang sarap sa pakiramdam, para sa mga kamay kong halos kasing lamig na ng yelo.

"Pasensya na dahil hindi ko napaghandaan 'to. Pasensya na dahil naging manhid din ako. Pasensya na kung nasaktan kita kanina... Ingrid... kahit na wala akong dalang singsing... WILL YOU MARRY ME?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na kaagad sya. Mas naramdaman ko ang init ng katawan nya. Pakiramdam ko, ang daming nagmamahal sakin.

"Yes... Yes... I love you!" hinagis ko na ang payong sa may kalsada. Nakayakap pa rin ako kay Robert, at sya din.

"Pero sa isang kondisyon," tuloy ko, "ligawan mo muna ako kahit na sinagot na kita. Gusto ko maging boyfriend muna kita bago tayo magpakasal. Basta alam mo nang yes ang sagot ko sa kasal pero syempre wala pa sa panliligaw mo."

"Huh? Andaya naman! Pero..."

"Hep hep! Walang pero-pero. Walang tututol kundi babawiin ko ang sagot ko. Hihi!" pangbablackmail ko.

"Sabi ko nga! Wala akong reklamo." sabi nya atsaka nagpout. Ngayon ko lang sya nakitang magpout, ang cuuute!!!

~END~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Last chapter na po ito!! Guys, I love you all! Thanks for reading this story although I'm very slow in updating it. Don't worry sweetie, there's still one last poem before this story really ends.

I really, really love you!! Yes, you who are reading this right now because you have read up to this part of my story and note. So now, you can give me a VOTE right? And that's because you're cute. Kidding! But it can't hurt to really give me one and you really are cute, kidding aside.

By the way, thanks. Really, thanks for reading this story kahit medyo messed up ang author at ang gawa nya.

At dahil random akong tao, please read my other story A Childhood Story. Your reads and votes are really appreciated so Thank you very much!!!

♥Umbrella♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon