♥Umbrella♥
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
(a/n: POV pa rin po ni Ingrid ang sumusunod... and yes, she is the main character in this story... just in case you don't know)
~~Few months passed~~
"Haaay!!! Nakakapagod!!! Bili nga muna ako ng candy..." naglalakad ako ngayon galing part-time ko papunta sa tindahan kung saan ko unang nameet si Robert. Madalas na dito ako nakatambay tuwing tuwing break ko o kaya naman nagpapahinga bago pumunta pa ulit sa isa kong part-time job.
"Limang... pisong candy nga po."
"Akala ko naman kung ano na naman bibilhin mo, candy lang pala." sabi ni Lily. Sya ang aking bespren tindera sa aking peborit tindahan.
"Napansin ko, parang blooming ka ata ngayon. May nagugustuhan ka noh? O baka hinihintay mo pa rin yung lalaking nanghiram sayo ng payong noon pero wala ka din? Sino nga ba yun? Rabbit? Rebit? Robot?" yan na naman ang kanyang mga katanungan. Wala talagang tigil sa tanong tong babaeng to kapag andito ako.
"Tange! Robert yun! Atsaka natural tong beauty ko kaya blooming talaga ang ateng mo noh!! Hahahaha!" hirit ko naman. Syempre alagang Johnsons ata to.
"Yiiiiieeeee!!! Pero may dala ka bang payong?" heh! Tinatanong pa ba yan?
"Syempre naman! At may extra na ko kung sakaling manghiram ulit si Robert sakin.
~~Sa convenient store~~
Nandito na ko sa convenient store kung saan ako nagpapart-time. Yung kaninang pinanggalingan kong part-time job ay gasolinahan naman.
"Miss, ito na oh." sabi ng customer sakin habang nasa counter.
"Sige po sir. Ito na po ba lahat? Itetake out nyo po ba at ipapabalot?" tanong ko dahil andami ng pagkaing binili nung customer. Hmmm? Medyo pamilyar ang face ni customer...
"Ingrid! Ikaw pala yan. Nagtatrabaho ka pala dito... Uhm, wag mo nang ibalot, dito ako kakain. (^_^)" sabi ni CUSTOMER. At si customer ay walang iba kundi si...
...
...
...
...
...
...
...
...
ROBERT JENKINS
"Kaya pala pamilyar yung mukha mo sakin. Ikaw yung Robert Jenkins na nakilala ko dati di 'ba?" naks naman! Ang GWAPO pa rin nya kahit ilang buwan na kaming di nagkita, or should I rather say, kahit ilang buwan na simula nung nagkita kami.
"So you still remember me?" yup naman!
"Oo naman! Pero mamaya na lang ulit tayo mag-usap dahil nasa shift pa ako. Isa pa, maraming customers na naghihintay." sabi ko sa kanya dahil andami nang nakapila sa counter para magbayad.
"Ah... sorry. Sige, hihintayin na lang kita." sabay lakad palayo para maghanap ng mapupwestuhan.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
(a/n: umm... hi guys! Pwede mag-plug? Please read my other story "A Childhood Story". Thanks! @natsulucy101)

BINABASA MO ANG
♥Umbrella♥
RomancePagkakataon nga lang bang masasabi kung nagkakilala sila nang dahil sa wala silang payong?...