They Broke Up?!

29 0 0
                                    

♥Umbrella♥

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

~~Few minutes later~~

“Pasensya na! Natagalan ang shift ko ngayon kasi nalate yung kapalit ko.”

“Ahh… okay lang. Wala naman akong masyadong ginagawa ngayon. Isa pa, gusto kong may makausap ngayon.” mula sa masaya nyang mukha, naging malungkot ang ekspresyon nya pagtapos sabihin ang huling sentence.

“Ummm… may problema ka ba? Pwede mong sabihin sakin, hindi ko sasabihin sa iba. Promise talaga! Hindi ko ipagsasabi! Kaso wag tayo dito dahil maraming tao. Kung gusto mo, sa ibang lugar na lang tayo dahil maraming tsismoso’t tsismosa dito.” at nakita ko nga ang iba kong mga katrabaho na nakikinig sa usapan namin.

Tinignan ko sila ng masama na para bang sinasabi kong  bumalik na lang kayo sa trabaho nyo. At umalis na lang kami ni Rob sa convenient store dahil baka may iba pang sabihin ang iba kong katrabaho.

~~~Sa tindahan ni Lily~~~

“Hmmm… Naaalala mo pa ba nung sumilong ako dito kasi umuulan, tapos nanghiram ako ng payong sayo?” tanong ni Rob sakin. Malungkot pa rin ang mukha niya.

“Oo naman. Basang-basa ka nga nun eh.” sagot ko naman sa tanong nya.

“Makikipagmeet kasi dapat ako sa girlfriend ko nun kaso, nalate ako ng 1 hour. Ilang araw pagkatapos nun, nagkaayos naman kami. Kaso, naging cold ako sa kanya nung mga sumunod na araw. Napansin nya yata na lagi akong lutang at madalas nga na nagiging cold ako sa kanya.” tumigil muna sya para huminga ng malalim. Tumingala sya, pinipigilan ang pagtulo ng luha na kakawala sa mata nya. 

 “Kaya ngayon, yung girlfriend ko na yun, nakipagbreak na sakin kahapon lang.” sai nya habang nakatingala. Tumulo na ang luha nya na sinusubukan nyang pigilan kanina pa.

Pumikit sya at yumuko. Dahan-dahan syang tumingin sakin, blangko ang ekspresyon nya pero may nakikita ako sa mata nya… matinding emosyon. Tila ba may tinatanong sya sakin na hindi ko alam.

Yumuko syang ulit at niyakap ako. Ramdam ko ang init ng katawan nya, pati na ng likidong nanggagaling sa mga mata nya. Kasabay ng pagpatak ng luha nya sakin ay ang pag-ulan.

“Ayos lang yan! Marami pa naman dyan na iba! Gwapo ka naman kaya may mahahanap ka ding iba na mas better sa kanya. Mas mamahalin ka at mas pahahalagahan ka.” sabi ko sa kanya habang pinapat ang likod nya. Nalulungkot ako para sa kanya, and at the same time sa sarili ko. Humiwalay na sya pero hindi ko makita ang mukha nya dahil nakayuko na naman sya.

“ Tama ka. Meron pa dyan iba na mas deserve ko kaysa kanya. Ihatid na kita, umuulan na baka sipunin ka pa. Salamat nga pala sa pakikinig at pagcomfort mo sakin.” sabi nya atsaka naglabas ng dalawang payong galing sa jacket na kanina pa nya suot. Nakangiti na sya at tuyo na ang luha sa may pisngi nya.

“Ah.. hindi na! May sarili naman akong payong na dala.” Sabi ko sa kanya para hindi na nya ipahiram sakin yung isa pang payong nya. Sayang, dapat ako na lang ang magpapahiram sa kanya para may dahilan ako para makita ulit sya.

“Sige, pero sayang naman itong isa ko pang dala. E paano kung magshare na lang tayo sa iisang payong? Para na rin makapag-usap pa tayo ng mas matagal.” suggestion nya sakin.  Hmmm… ayos lang sakin yun dahil may advantage naman ako dun.

“Okay lang sakin. Kaso mas mababasa naman tayo sa ulan nun.” tama naman ako diba? Mababasa talaga kami kung iisa lang yung payong na gagamitin namin tapos pang-isahang tao lang ang kasya.

“Ayos lang yan! Mas exciting nga pag nababasa sa ulan eh. Haha!” kaso lang, magkakasakit naman kami.

“Magkakasakit naman tayo nyan. (-_-)” katwiran ko sa kanya.

(To be continued...)

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Sorry guys for not updating this. I don't really have a good reason to give you but if I have, it's because I have my draft in our computer but then I'm only updating at my phone. And my phone doesn't allow me to do a document.

So really sorry! But then, here's the update, did you enjoy it? Haha. Till next update! Bye~! Ja-ne~!

Pls. read my other story "A Childhood Story". Thanks!!

♥Umbrella♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon