♥Umbrella♥
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
“Uhm… pwede sumingit? Pwede ko kayong pagbayaring dalawa dahil kanina pa kayo dyan sa tapat. At kanina nyo pa din tinatakot yung mga taong bibili sana sakin dahil sa peg-eemote at pag-aaway nyo dyan. Kaya chupi na o magbayad kayo ng kita ko ngayong araw sana. Hmph!” sabi ni Lily. Mainit yata ang ulo nya ngayon? Meron siguro…
“Okay sige. Aalis na kami. Pabili muna ako ng rootbeer.” sabi ko kay Lily.
“A-ano ulit? Bibili ka ng ano? Ng rootbeer? Wow! Himala yan ha! Mula ng makilala kita hanggang kaninang umaga puro candy lang ang lagi mong binibili sakin. Ngayon ka lang bumili sakin ng softdrinks. Natatouch naman ako sayo bes.” sabi sakin ni Lily na parang naluluha sa sinabi ko
“Oa ka. Gusto ko lang malasing kaya bumili ako nyan. Yung 2 liters ha.” alam kong hindi nakakalasing yun dahil softdrinks lang ang rootbeer, pero sa tuwing umiinom ako ng softdrinks ay nalalasing ako kaya laging tubig lang ang iniinom ko.
“Rootbeer? Nakakalasing? Ngayon lang ako nakarinig ng nalasing dahil sa rootbeer.” gulat na tanong ni Rob. Halata namang magugulat sya dun dahil ako lang yata ang taong nalalasing sa softdrinks.
“Oo, nalalasing ako kapag nakakainom ng softdrinks kaya tubig lang ang lagi kong iniinom. Alam kong weird yon pero totoo.” inaamin ko nang weird talaga ako.
“Di nga? Di ako naniniwala sayo. Di ka kapani-paniwala.” sabi na naman ni bes, ni Lily.
“Pustahan oh! Pag ako nalasing, ililibre mo na lang tong rootbeer at ang pagtambay namin dito.” sabi ko kay Lily na nanghahamon.
“Sige ba! E paano naman kung hindi ka nalasing? Dodoblehin nyo yung bayad nyo ng rootbeer at ng pagtambay nyo rito.” heh! Like that will happen.
“Okay, deal! Partida pa ako, tatlong baso pa lang nito lasing na ko for sure. Baka nga wala pang tatlo eh.” isa nga lang tumba na ko, paano pa kung tatlo?
~~~Thirty seconds later~~~
Nakakaisang baso pa lang ako ay parang umiikot na ang paligid ko at parang nakahigh na ko.
“Hik! Lily, pahingi nga ako ng.. Hik! Ng isa pang ba.. Hik! Baso ng root.. Hik! Beer… hehehe… Hik!” para na talaga akong baliw sa ginagawa ko ngayon… hindi ko nga alam kung ano yun eh.
“Uy Ingrid tama na yan! Hindi talaga ako makapaniwala na may nalalasing sa isang basong rootbeer lang… Uy lasing ka na, tama na.” si Rob… ang pogi nya talaga!
“Robert… I love you! But you love someone… so I’m very happy for you…! Rob… kiss me!”
(ROBERT JENKINS’ POV)
(a/n: Yes… may pov po si Rob…)“Robert… I love you! But you love someone… so I’m very happy for you…! Rob… kiss me!” sabi ni Ingrid sa akin habang halos maiiyak na.
Nagulat ako sa sinabing yun ni Ingrid. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya ang mga salitang yun na parang kailan man ay hindi ko narinig sa ex-girlfriend ko. At mas lalong hindi ko inasahan ang ginawa nyang kasunod…
“I knew it! No one ever loved me! I better die right now!!!” sigaw ni Ingrid na ngayo’y nasa ulanan na, atsaka tumakbo palayo.
“Haaay! Kung bakit pa kasi ako nakipagpustahan dun eh! Alam ko naman na dati pa na ganyan sya pag nalalasing. Naikukwento na nya sakin yan. Di ko akalaing mas grabe pala sya sa totoo… tsk tsk tsk!” si Lily, habang umiiling-iling pa.
“Hoy Ikaw! Robot! Rabbit! Or wat-eber! Sundan mo na yun o hihintayin mo pa syang magsuicide? Bilisan mo na dahil alam ko naman na sya lang ang hinihintay mo eh. Hindi naman ako manhid tulad non noh! Atsaka isa pa, alam mo bang ngayon lang yan naging ganyan pag nalasing? Dati ka pa nyan gusto, since nung nagmeet kayo dito sa tindahan ko at nanghiram ka ng payong.” pagkukwento sakin ni Lily.
“At isa pa ulit! WAG KA NGANG MANHID! Nakita mo nang mahal ka nung tao tapos tutunganga ka lang dyan? Dre, magsusuicide na yon! Sundan mo na o gusto mong magbayad ng lahat ng kalat nyo? Bilisan mo na! Alis na! Chupi!” Ouch naman! Ansakit nun ah. Tawagin ba naman akong manhid?
“Shoo! Shoo! Layas na! Chupi na!” -Lily
“ Aray naman! Hindi naman ako manhid noh! Eto na ko! Aalis na nga eh…” –ako
(To be continued...)
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
Hallo guys!! Sorry if I update irregularly. Again, I don't have a specific reason on why I update ever so slowly but there is this only one excuse I have. And that is I'm really LAZY and CRAZY. Yeah, CRAZY.
So, did you enjoy my update? No? Aww, T^T. I'm sorry, sweetheart but that is all FOR NOW. Fortunately, I'll update again SOON. Yeah, I know, it is soon! I'm just that lazy. Don't worry, what do you know? Maybe I'll update again next week or maybe not.
That's all people! Bye readers~! Ja-ne~!
[Plug! Please read my other work (though it's on hiatus) A Childhood Story.)

BINABASA MO ANG
♥Umbrella♥
RomancePagkakataon nga lang bang masasabi kung nagkakilala sila nang dahil sa wala silang payong?...