♥Umbrella♥
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
~~~Sa gitna ng kalsada habang umuulan~~~
(back to INGRID'S POV)
Mag-isa lang talaga ako...
Wala talagang nagmamahal sakin...
Ayaw talaga ako ng ibang tao...
Kawawa ngang talaga ako...
At mukhang ayaw din sakin ni Robert..."Ingrid! Miss Ingrid!" boses yun ni Robert. Haaay! Mukhang naghahallucinate na ko na naririnig ko ang boses nya. Talagang naadik ako sa kanya.
"Ingrid! Nasaan ka ba! Ingrid! Mahal kita!" naghahallucinate na talaga ako. Akalain ko nga naman na magsasabi sya ng ganon. Asa pa tong si ako!
"Ingrid! Wag kang magpapakamatay! Mahal talaga kita! Hindi ka naghahallucinate!" huh? Teka, ibig-sabihin totoo yung naririnig ko? Malamang sa alamang, hindi nga ako naghahallucinate diba? (-_-") Nakikipag-usap pa ako sa utak ko. May sayad na nga siguro ako sabi nga nila.
Lumingon ako sa likod ko kung saan nanggagaling ang sigaw ni Robert. Tumatakbo na sya palapit sakin at may hawak na payong.
"Hah! Hah! Pinagod mo ko! Please lang wag kang magpakamatay! Pakakasalan pa kita! Haaay!" sabi nya sakin habang hinihingal. Nakalapit na rin sya sa kinatatayuan ko... sa gitna ng kalsada sa may pedestrian crossing.
Huh? P-pakakasalan? Ako? Ano daw?
"H-hindi naman ako magpapakamatay noh. P-pauwi n asana ako. Atsaka ano... uhm... anong i-ibig-sabihin mo sa p-pakakasalan? Hindi kita m-maintindihan." nauutal at nanginginig kong sabi. Basa na kasi ako sa ulan at pati na rin si Robert.
"Haay! Totoo nga yung sinabi ni Lily. Haha! Clueless ka talaga! Ang cute cute mo!" nagface palm muna sya bago guluhin ang buhok kong basa. Nagblush ako sa Sinabi nya.
"Bakit? Ano ba yung sinabi ni Lily? H-hindi na talaga kita maintindihan." nagbablush pa rin ako at umiwas ng tingin.
"Gusto mo talagang malaman? Sure ka? Baka magalit ka sakin." tanong nya habang nakangiti sakin.
Tumango lang ako sa tanong nya bilang sagot. Nakayuko ako dahil nahihiya ako sa kanya pagkatapos nyang hanapin ako.
"Sabi kasi ni Lily 'Hindi naman daw sya manhid tulad mo.' So ibig nyang sabihin na manhid ka kaya hindi mo man lang napansin na... na ano... uhm... mahal talaga kita." sabi nya na parang nahihiya.
"A-ano?! A-ako?! Manhid?! What the...!!" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa:
a.mura ang kasunod at hindi mahal
b.napanganga ako sa nakita ko na bakat ang abs ni Rob sa shirt nya
c.nadulas ako dahil sa basa ang kalsada
d.may biglang bumusina sa may likuran namin
e.hinalikan ako ni Robert...
...
...
To be continued...
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡Yehey! Nag-update ulit ako ngayon guys!! Ang bilis noh? Sabi ko sa inyo baka next week or next, next week ako mag-update eh. So here's the update!! Hope you enjoyed it and if not, bahala ka dahil nag-enjoy yung iba.
Atsaka VOTE naman kayo kung nagandahan kayo sa story ko. I really appreciate having my work being read and if you voted, it's much more appreciated. That's all, people!! Bye readers~! Ja-ne~!
[Plug! Plug! Please read my other story 'A Childhood Story' (though it's on HIATUS). Thanks again!!]

BINABASA MO ANG
♥Umbrella♥
RomancePagkakataon nga lang bang masasabi kung nagkakilala sila nang dahil sa wala silang payong?...