chapter 18🌿

294 10 0
                                    

"e-erik?" Nagulat Kong sabi

"Kaya pala di ka nag paalam? Dahil Kasama mo Siya?"

"E-erik Hindi Namin alam na pumunta din Dito si mac,Tiyaka kaya Siya Nandito
Dahil katuwang Siya sa business Nila Carla"

"Pero bakit di ka man lang nagsabi sakin ha? Angge nag aalala ako sayo. Kasi ni Hindi ka manlang sumasagot sa mga tawag ko,Hindi ka Rin nag rereply"

"Mac, Iwanan muna natin sila. Ge Dito muna kami"

Umalis Naman sila para maka pag usap daw kami Ng maayos

"Ano? Alam ko naiinis ka Love, pero nag explain na ako Diba? Hindi ko nga alam na nandun si Kiana. Ilang beses ko pa ba sasabihin sayo Yun ha?"

Kalmado Naman Siya sa pakikipagusap sakin. Ganyan Siya kahit galit medyo kalmado Parin. MEDYO LANG MGA MARS

"Pero Sana nag chat ka Rin o text Erik. Hindi na malalaman ko pa na magkasama kayo dahil sa picture na pinost ni Kiana."

"Wala namang problema dun ge,picture lang Yun. Wala ka bang tiwala sakin ha?

Eh kayo nga ni Mac magkasama,tapos di mo man lang masabi sa akin? Ano ba talaga ako sa Buhay mo Angge? Nahihirapan na rin ako. Tapos maririnig ko pa na sinasabi mo sa Kanila harap harapan na kaibigan mo lang ako at walang namamagitan sating dalawa. Alam kong walang Tayo Pero kailangan mo ba talagang sabihin sa Kanila? Sana Naman iniisip mo yung nararamdaman ko angge. Alam mo ba na sobrang sakit na marinig Yun lalo na galing sayo pa? Eh ako never Kong Ginawa Yun sayo kahit na Lagi nilang tinatanong kung Tayo na ba,ang sinasagot ko lang ay 'Hindi pa,Pero soon malapit na' Alam ko Rin na Wala akong karapatan sayo Dahil Hindi ka buong akin. Ge tumingin ka sakin"

As he said,I look at him. Eye to eye, Heart to Heart

"May pag asa pa ba? O ititigil ko muna toh? Oo sinabi ko Sayo na handa kitang hintayin Hanggang sa sumagot ka. Pero Ge baka kailangan muna nating magpahinga? Kailangan ko munang magpahinga. Masakit na Geh,sobrang sakit na.

Kung ikakasaya mo na Hanggang kaibigan mo lang talaga ako,okay tatanggapin ko maging Masaya ka lang"

"P-pogs"

"Basta Lagi mo lang tatandaan ha? Na lagi Parin akong nandito para sayo, Bilang kaibigan mo."

And then he kissed my forehead for the last time.

Wala akong masabi,Ni Hindi ko Siya mapigilan Hanggang sa tuluyan na siyang umalis....

Siguro Deserve ko toh?  Kailangan Niya muna magpahinga,pero bakit parang di ko kaya?

Kaibigan ko lang Siya pero bakit ako nasasaktan sa nangyayari Ngayon samin?

Bakit nga nasasaktan? Kasi Mahal.

Oo,Mahal ko siya Lagpas pa sa pagiging kaibigan. Pero Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit Hindi Parin kami Hanggang Ngayon.

Dati kasi lagi Kong sinasabi sa sarili ko na Ayaw Kong magkaroon Ng relasyon Na showbiz kahit na maging artista pa ako Kasi gusto kong magkaroon Ng payapang relasyon, Na walang gulo. Pero parang Ngayon parang nag bago bigla Ang pananaw ko.

"Angge? Oh My Goodness bakit ka umiiyak? Si Erik nasaan?" Nag aalalang tanong Niya

"W-wala,umalis na" Nakangiti ko namang sabi kahit na Masakit

"Huh? Bakit? Ano bang nangyari? Kasalanan ko toh eh---"

"No,Hindi mo kasalanan. Tiyaka Ano ka ba okay lang ako"

------------

Gabi na Pero nandito Parin ako nakatanaw sa kawalan, Iniisip ko Parin yung sinabi ni Erik.

𝗞𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗪𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮 (𝗔𝗻𝗴𝗲𝗿𝗶𝗸 𝗙𝗮𝗻𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻)Where stories live. Discover now