Chapter 29

117 7 106
                                    

Pregnant

Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog nang maramdamang may humalik sa noo ko. Minulat ko naman ang mata ko at saka bumungad sa'kin ang nakangiting si Varione. Nginitian ko naman ito at inaantok na kinusot ang mga mata ko. Tinitigan ko ito at naka dark blue long-sleeved ito at nakatupi na ang manggas niya. Ang aga naman ata niya. Bumangon naman ako at saka siya niyakap.

" Good morning, luv" pagbati nito sa'kin habang nakayakap ako sa kan'ya.

Ilang weeks nadin ang lumipas mula no'ng nagkabalikan kami ni Varione. Inayos namin lahat ng naging problema namin noon at mas lalo kaming napalapit sa isa't-isa ngayon. Nag-umpisa nadin ang renovation ng Mansion kaya't laging nandito si Varione pati na  sila Kiel at Ting. Mukhang si Varione pa ang nandito dahil hindi pa masyadong maingay sa baba. Ang baba muna ng Mansion ang inuna nilang I renovate.

Sa ilang weeks na lumipas ay laging pumapasok si Varione sa kuwarto ko dahil binigyan ko naman ito ng spare key. Tumanggal naman ito mula sa pagkakayakap sa'kin at may kung ano'ng kinuha sa likudan niya. Napangiti naman ako nang iabot sa'kin nito ang isang bouquet ng tulips.

"Naalala ko kasi na hindi kita nabigyan ng mga ganito noon" natatawang sambit niya.

Napanguso naman ako nang dahil do'n. Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi nito at saka siya hinalikan sa labi.

"Thank you" sambit ko at saka muli siyang niyakap.

"Ba't mo 'ko hinalikan, luv? Hindi ka pa naliligo oh" natatawang sambit niya.

"My breath naman is not mabaho e, you're so maarte naman" ani ko naman at saka ito masamang tinitigan.

"Paamoy nga" natatawang sambit naman niya kaya't agad akong napatayo at saka umiwas sa kan'ya.

Papatakbo na sana ako papuntang Bathroom pero agad na hinapit ni Varione ang bewang ko mula sa likudan at saka hinalikan ang leeg ko.

"Baho naman" pang-aasar naman nito sa'kin kaya't agad akong humarap sa kan'ya at saka masama siyang tinitigan.

Natatawa naman niya akong tinignan at saka ako hinalikan sa labi. Smack lang 'yon at saka na ako tinulak nito papasok ng Bathroom. Nang hindi ko naman isinarado' yon ay nagtataka niya akong tinignan.

"Need mo ng audience,luv? I volunteer" natatawang ani niya kaya't agad kong kinuha ang brush na nasa gilid at saka 'yon tinapon sa kan'ya.

Agad naman itong napaiwas at saka humagalpak ng tawa. Inis na inis ko namang isinarado ang pinto ng bathroom. Loko talaga.

"Sa baba lang ako, luv. Baka nando'n na ang mga Monkeys" pagpapaalam naman nito sa'kin. Sila Kiel at Ting ang tinutukoy nito.

Inumpisahan ko naman nang maligo at saka hindi na pinansin si Varione. May mga naririnig narin akong ingay ng tao sa baba kaya't baka nandito narin ang mga workers. Nang matapos naman akong maligo ay agad akong dumiretso sa walk in closet ko at saka nagbihis.

Nagsuot ako ng black pencil skirt that perfect hugged my body at saka ng white long sleeve satin. Sinuot ko din ang black chanel heels ko at saka naglagay ng accessories. Kinuha ko naman ang LV purse ko at saka tinignan ang sarili ko sa large mirror. Fvckin' sexy. Nang makuntento naman ako ay agad na akong lumabas sa walk in closet ko.

Nang makalabas naman ako'y bumungad sa'kin si Varione na na nakaupo sa kama ko habang tinitignan ang oras sa relo niya. Tumikhim naman ako kaya't napatingin ito sa'kin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka ito lumapit sa'kin.

"What a goddess we have right here" ani niya at saka siniil ako ng halik.

Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa bewang niya at saka ngumuso. Nakakaloko naman niya akong tinignan at saka dahan-dahang tinanggal ang zipper ng pencil skirt ko. Nagulat naman ako nang dahil do'n.

Unforgettable Taste Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon