Pain
Sa nakalipas na mga araw ay gano'n ang naging routine namin. Pumapasok kami ni Varione tuwing umaga nang hindi nagpapansinan at sa gabi nama'y pumupunta ako sa bahay nila para tumulong. Pilit ko mang kausapin siya ay hindi niya parin ako binabalingan ng pansin. Nandito rin si Issa at tumutulong din siya sa mga gawain dito.
Ngayong araw ang last night ni Tita Venus kaya't dinala ko si Manang Flora upang makatulong din dito. Pumunta din si Daddy no'ng nakaraang gabi para ipahatid ang pakikiramay niya. Narito kami ngayon sa kusina at si Manang Flora ang naghahanda ng sopas para sa mga taong pupunta mamaya. Tinutulungan ko naman siya sa pagpeprepare ng mga ingredients.
"Hija, kumain ka muna" ani nito at saka nilagay ang plato sa harapan ko na may laman ng pagkain.
Tipid ko naman siyang nginitian at saka kinuha na ang plato para makakain nadin ako. Nasermunan kasi ako ni Daddy no'ng nakaraang gabi dahil pumapayat na daw ako.
"How about Varione? Did he already eat?" tanong ko kay Manang.
"Pumunta dito 'yong babae kanina tas sabi niya siya na daw magpapakain kay Varione" ani naman ni Manang. She's referring to Issa.
"Sino ba ang babaeng 'yon? Ba't laging nakabuntot kay Varione" tanong naman niya sa' kin kaya't napahinto ako sa pagkain. Hindi ko nalang pinansin ang tanong ni Manang dahil hindi ko naman alam kung ano ba talaga si Issa para kay Varione. Mapakla naman akong napangiti at saka kumain.
Hindi ko na inubos ang kinakain ko at sa inilagay na 'yon sa kitchen sink nila Varione. Napatingin naman sa'kin si Manang Flora nang dahil do'n.
"Ba't hindi mo inubos, Ma'am?" nag-aalalang tanong nito sa'kin.
"I lost my appetite po" ani ko at saka ito tipid na nginitian.
Tinuloy ko naman na ang pagbabalat ng ingredients na para sa sopas pagkatapos no'n. Habang inaasikaso namin ang sopas ay saka naman pumasok si Varione sa kusina kaya't agad akong napatayo.
Gulo gulo ang buhok nito at mugtong mugto ang mga mata niya. Bakas dito ang pagkabalihasa nang dahil sa nangyari. Agad naman akong lumapit sa kan'ya at saka tipid itong nginitan.
"Do you need something? Water? Food?" agarang tanong ko sa kan'ya.
Hindi naman niya ako pinansin at saka dire-diretsong pumunta sa mineral water at saka kumuha ng tubig. Mapait naman akong napangiti, hindi niya nga pala ako kailangan.
Bumalik na ako sa upuan at saka itunuloy ang ginagawa ko kanina. Si Manang naman ay hinahanda na ang malaking kaserola na paghahandaan ng sopas.
Habang inaayos ko ang mga ingredients ay hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Varione habang umiinom ito. Panay ang pagtingin ko sa kan'ya. Bigla naman itong napatinging sa'kin kaya't nagtama ang tingin naming dalawa. Nginitian ko naman ito pero hindi niya muli ako pinansin at saka dumiretso na sa sala.
Nilapitan naman ako ni Manang Flora at saka hinaplos ang buhok ko kaya't napatingin ako sa kan'ya.
"May problema ba kayo ni Varione?" tanong nito sa'kin na agad ko namang inilingan.
"I understand him po, he lost his mother kaya gano'n po siya umasal" ani ko at saka tipid na nginitian si Manang Flora.
Pagkatapos naming lutuin ang sopas ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa lamesa. Napabalikwas naman ako nang may kumalabit sa'kin. Tinignan ko kung sino 'yon at nagbabakasakaling si Varione' yon pero si kuya Saturn pala. Nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Why po? Do you need something?" Agarang tanong ko sa kan'ya.
"Nakita mo bang pumasok sa CR si Zandra? Nandito kasi siya kanina baka nagCR lang 'yon" ani ni kuya Saturn na siya namang ipinagtaka ko.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Taste
RomansVarione, a clingy and bubbly guy, was heartbroken by his ex-girlfriend, who had been with him for nearly two years. After the breakup, he went to a bar with his friends and met Erin, who was also celebrating her birthday. Erin was also angry and sad...