Chapter 22

82 6 108
                                    


Funeral

Pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na ako pinapansin ni Varione. Wala nadin si Nia na laging nasa tabi ko kaya't mag-isa nalang akong kumakain tuwing lunch. Narito ako ngayon sa classroom at naglelecture na ngayon si Prof Laine.

"Are you listening, Ms.Quintrell?" rinig kong sambit ni Prof Laine kaya't agad akong napatingin dito. Nakatingin din sa'kin ang mga classmates ko.

"I'm sorry.." mahinang tugon ko at saka yumuko.

"Class Dismissed, Ms. Quintrell maiwan ka" ani ni Prof Laine at saka nagsilabasan na ang mga classmates ko.

"I've noticed na bumababa ang scores mo, baka mawala ka sa pagiging dean lister kapag pinagpatuloy mo ang hindi pakikinig sa lectures ko" pangsesermon nito sa'kin nang makalapit ako.

"I'm sorry, Ma'am. I was just thinking about some things, there are a lot of things that happened po kasi" ani ko habang nakayuko parin at hindi ito tinititigan.

Pagkatapos niya akong sermunan ay saka na ako nito sinabihang umalis na. Lunch break na ngayon at wala akong planong kumain. Pupunta nalang ako sa architecture department baka sakaling nando'n si Varione. Pumapasok parin naman ito at sa gabi nama'y tinutulungan niya si Saturn sa lamay.

Pumunta ako sa classroom nila at saka namataan ko si Varione na nakatayo na at inaayos na ang mga gamit nito. May mga students na lumalapit sa kan'ya pero hindi niya pinapansin ang mga 'yon. Nang matapos niyang gawin' yon ay nagtama ang tingin namin. Ngitian ko ito pero tinignan niya lang ako ng napakaseryoso.

Nang makalabas siya ay agad ko siyang kinausap pero hindi ako nito pinapansin.

"Have you eaten? Let's eat, it's my treat" ani ko sa kan'ya pero hindi niya ako binalingan ng tingin at saka dire-diretso lang na naglakad.

"I'll go to your house later, do you want Sisig? I'll ask Manang Flora to cook for you" dagdag ko pa pero hindi niya parin ako pinapansin.

Parang tanga lang akong nagsasalita sa gilid niya. Hinawakan ko naman ang braso niya kaya't agad itong napatigil at saka tinignan ako ng napakaseryoso. Nginitian ko ito pero marahas niyang tinanggal ang kamay ko na nakapulopot sa braso niya.

Hindi nalang ako nagsalita at saka sinamahan nalang siya sa paglalakad. Mabilis ang paglalakad nito kaya't nasa likudan na niya ako ngayon. Patungo na siya sa gate ng University kaya't sapalagay ko'y uuwi na siya.

Bigla naman itong tumingin sa'kin kaya't napahinto ako at saka siya tinitigan. Seryoso ang itsura niya ngayon at mugto parin ang mga mata niya.

"Tama na nga kakabuntot mo sa'kin." seryoso at naiiritang ani niya sa'kin. Napayoko naman ako nang dahil do'n at saka pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Okay... Sorry" ani ko at saka hindi na ito tinitigan.

Umalis naman na ito at saka hindi na ako pinansin. Nang tuluyan na siyang makaalis ay kusa nanamang nagsituluan ang mga luha ko na pinigilan ko kanina. Tumalikod na ako at saka naglakad na pabalik papunta sa classroom namin.

Pinagtitinginan ako ng ibang students pero wala na akong pakialam. Hindi ko naman makita ang dinadaanan ko kaya't nadapa ako nang dahil sa batong nasa harapan ko.

Tuluyan nanaman akong napaiyak nang dahil sa sakit ng pagkakaimpact no'n. Todo hagulgol lang ako do'n habang ang mga students ay pinagtitinginan lang ako at parang mga walang pakialam. Kinapa ko naman ang tuhod ko at saka nakitang nasugat at may dugong umaagos 'don.

Tatayo na sana ako pero may kamay namang naglahad sa'kin kaya't napatingin ako kung sino 'yon. Si Ting' yon na inilalahad ang kamay sa'kin. Hindi ko naman tinanggap 'yon at saka nagkusa nalang na tumayo.

Unforgettable Taste Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon