Chapter Twenty Five *Bestfriend?!*

65 1 0
                                    

Okay heto na ulit ang aking mahiwagang Update Enjoy Reading :))

_______________________________________________________________________________________

RAIZZA'S POV

Hanggang ngayon in shock pa din ako sa mga nagyayari..

Ang daming tanong sa utak ko pero baka kasi isang tanong ko lang magbago nanaman ang pakikitungo niya sa akin

Heto kami ngayon nakaupo kami sa sofa nagpapaliwanag siya yung nangyari nung umalis siya nung mga bata pa kami pero matagal ko na siyang  napatawad..

Pinagtataka ko naman paano siya nagkaroon ng Amnesia ang huling balita ko kasi naghiwalay na sila ni Aerel dahil sa akin. Dajhil sa panlolokong ginawa namen ni Aerel sa kanya madali lang silang naghiwalay..

Hindi kaya naaksidente siya nung mga panahong nagkahiwalay sila ni Aerel??!!!

Pero bakit walang nagsabi sa amin lalo na sa akin dahil hindi naman galit sa akin ang parents ni Haidee pati na rin siya ... Hindi kaya naaksidente siya..

Pero malabong mangyari yun dahil hindi naman siya umaalis ng magisa at hindi din naman siya marunong magdrive kaya impossible yun...

"Nakikinig ka ba sa akin ha? Raizza??!! Huy!!" natauhan lang ako sa pagsigaw ni Haidee sa harap ko

"Ah?? Ano ulit yung sinasabi mo??" sabi ko sa kanya na parang wala sa sarili

"Ang sabi ko puntahan natin si Dale para makapagsorry na ako masyado kasi akong naguguilty sa pagiwan ko sa inyo eeh." sabi niya na parang malungkot gusto kong sabihin sa kanya na hindi siya ang may kasalanan nung pagiwas namen ni Aerel sa kanya pero parang may nagsasabi sa akin na hayaan muna siya at dadating din sa panahon na malalaman niya ang lahat..

Hay bahala na nga si LORD!

"Sige ba para saan pa at naging magbestfriend tayo diba?" ngumiti ako ng may halong pagaalinlangan pero hindi niya ata napansin yun at nagliwanag naman ang mukha niya

"Tara na Bestfriend" hay nakakaawa naman siya at mukhang napaglalaruan siya ng sarili niyang mga alaala niya hahay

Tinext ko muna si Aerel tungkol sa gagawin ni Haidee baka kasi magsalita siya ng makakagulo ng maaga kaya mas mabuting sakyan muna namen siya dahil mukhang masaya naman siya

To: Aerel Guina

Hoy! Papunta kami ni Haidee jan.. Lahat ng sasabihin niya sakyan mo nalang!! KUHA MO??!!

*MESSAGE SENT*

AEREL'S POV

Nakahiga ako sa kama ko ngayon walang magawa eh.. Gusto ko sanang puntahan si Haidee kaso hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko..

Nung tumawag naman ako sa landline nila ang sumagot ay si Manang (yung katulong nila Haidee) at ang sabi niya umalis daw at hindi sinabi kung saan pupunta 

*BZZZZZZZZZZZZT BZZZZZZZZZZT* 

Anak ng tipaklong na patay!

Nakakagulat naman yung cellphone ko

Sino kaya yung nagtext sana si Haidee!! Naexcite naman ako at agad kong tiningnan kung sino nagtxt

1 Message Receive

Raizza Bruhilda

Si Raizza lang pala hindi na ako nagatubiling buksan kasi Una hindi siya si Haidee at Pangalawa tinatamad ako

You're Always In My Heart<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon