Sorry sa late update!!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HAIDEE'S POV
Pagkatapos ng scene namen sa Principal's office ea lumabas na kami
Paglabas namen
"Whooooooooooo!!! Ayyyyyyyyyiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeehhhhhhhh!!" sigaw ng mga students at mga teacher ano nanamang meron dito hindi pa ba tapos yung surprise ni Aerel sa akin??
"Congrats Haidee and Aerel Best wishes!" sigaw nung adviser namen... Best wishes??? Ikakasal na ba kami ni Aerel??
"Ah? Eh?...." hindi ko matuloy yung sasabihin ko kasi nahihiya ako
"Ih? Oh? Uh?" singit naman ni Luwee kaya namumukhang singit to ea singit ng singit
Tiningnan ko naman si Luwee. mukha namang nakuha niya ibig kong sabihin dahil ng peace sign siya
"Salamat po sa pagpunta at pagsaksi sa pagsagot sa akin ni Haidee buti nalang at hindi basted kung hindi wala na akong mukhang maihaharap sa buong school ahehe" sabi ni Aerel na para pang nahihiya
"Wag mong sabihing napanuod at narinig ng buong school??" tanong ko sa kanya
"Sabi mo ea!" sabat naman ni Kent.. Bagay talagang magsama si Kent at Luwee
"Magsama nga kayo ni Luwee mukha kayong mga singit!" sigaw ko pabalik kay Kent
"Maganda at Guwapo namang singit :P" sigaw ni Kent hampasin ko to ea makita niya
"Ah Haidee totoo yung hinala mo na narinig at nakita ng buong school yung ginawa ko sayo" nahihiyang sabi ni Aerel
"OMG!" yun lang nasabi ko
"Galit ka ba??" tanong niya
"Hindi naman pero medyo nahihiya ako ea" sabi ko sa kanya habang nakatungo eh sa nahihiya ako wala kayong magagawa
"Ang cute mo talaga tara na nga ihahatid na kita sa room at madami na akong naabala" natatawang sabi niya sumunod nalang ako kesa naman ako lang magisang pumunta ng room nahihiya na nga ako ea.
DARRYL'S POV
Tama kayang pinaubaya ko si Haidee kay Aerel kahit na alam kong masasaktan lang siya kapag naalala na niya ang lahat alam ko kusa niyang lalayuan sina Aerel pero bakit ganun ang kutob ko na pag naalala na niya ang lahat pati sa akin lalayo siya wag naman sana
"Hindi kaya ako malunod niyan ha?" tanong ni Riazza sa akin
"May dagat ba para malunod atsaka ang alam ko marunong kang lumangoy" sabi ko sa kanya in sarcastic tone
"Eto naman kung hindi ka lang brokenhearted jan sinapak na kita" sabi niya bakit kaya nakangiti pa rin siya kahit na nasasaktan na siya??
"Bakit ang galing mong artista??" tanong ko sa kanya
"Dahil ba hindi ako apektado sa harap niyong lahat??" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako bolang sagot
"Dahil kilala nila akong matapang"
Yan lang ang sagot niya ano ba yan hindi ba siya puwedeng maging mahina kahit sa taong mahal niya??
"Tara na nga alam ko mate kita sa susunod kong subject ea" sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko tapos parang may electriciting dumaloy sa kamay ko siguro imahinasyon ko lang yun
RAIZZA'S POV
Kung ang akala niyo okay lang sa akin na mging mag bf gf sina Aerel siyempre hindi nasasaktan pa din ako pero dahil pinaglihi ata ako sa artista ang galing kong magtago ng mga nararamdaman ko hahaha
Ang hindi kayang magtago ng nararamdaman ay si Darryl halata namang nasasaktan siya kanina pero pinilit niyang ngumiti sa harap nila.
Ako naman lagi akong nakatitig sa kanya hindi ko alam bakit pero sa bawat titig at ngiti niya sa akin bumubilis ang tibok ng puso ko
Lalo na ngayon na hawak hawak ko ang kanyang kamay parang may kuryenteng dumadaloy sa aming dalawa hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam nito o pati siya pero bakit parang ayaw ko ng bitawan yung kamay niya?? O_O Nababaliw lang siguro ako
OO tama nababaliw na ako
"Aah Raizza lumagpas na tayo sa room ng papasukan nating subject.." sabi ni Darryl >////< nakakahiya naman sa sobrang kakaisip ko hindi ko namalayan na lumagpas na kami hayyy nako!!
"Ano ba kasi yang iniisip mo at wala ka sa sarili mo ha?" tanong niya
"Ikaw!"
O____O
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
short ud bawi nalang next time!
BINABASA MO ANG
You're Always In My Heart<3
Novela Juvenil----------------->Naranasan mo na bang masaktan pero kahit anong gawin siya at siya parin ang mahal kahit na matagal na panahon na ang lumipas hindi nagbago ang nararamdaman mo?? At kahit nagkaamnesia na ang mahal mo alam ng puso na siya pa rin tala...