Hello! Musta chat tayo sa fb guys!
_______________________________________________
AEREL'S POV
Sinimulan na namen ni bum ang magimbistiga about sa kaso ng aking daddy. At so far so good naman. Actually wala pa kaming nakikitang ebidensiya!***
Papasok na ako sa classroom ng makasalubong ko si Haidee na may kasamang lalake. Kasama niya si Mike!
"Bakit kaya kasama niya si Mike? Sila na kaya?" Bulong ko sa sarili ko.
"Why don't you ask her. Hindi yung para kang tanga jan na nagtatanong sa sarili mo." Sabi ng nasa likod ko kaya humarap ako sa kanya.
"Ikaw pala. Darryl, musta na kayo ni Raizza?" tanong ko.
"Okay lang nakakamabutihan na" buti pa sila.
"Kayo ni Haidee? Wala na ba talagang pagasa dude?" Dagdag niya.
Tumingin ako sa lugar nila Haidee at sinagot si Darryl "ewan ko nga din pre pero umaasa akong meron pa mahal na mahal ko siya dude mula noon hanggang ngayon." Pagkatapos kong magsalita biglang humarap sa akin si Haidee laking gulat ko nung biglang tumingin siya sa akin.
"Pare maaayos din lahat. Alam ko at ramdam kong mahal na mahal ka pa ni Haidee. I can see through her eyes. She misses you so much." Sabi ni Darryl.
"Sana nga Darryl. Sana nga." Tinititigan ko pa rin si Haidee. I miss her damn much!
*****
HAIDEE'S POV
Habang papasok ako sa school nakasalubong ko si Mike."Hi, Haidee puwedeng makisabay?" Pag kayang sinabi kong hindi. Hindi siya sasabay?
"Of course." Tipid kong sagot. Kahit asar ako kay Mike.
"Hindi mo ata kasabay si Aerel ngayon?" Tanong niya at ang sarap niyang itapon sa ilog.
"Hiwalay na kasi kami." Tipid kong sagot.
"Buti naman. So may pagasa na ako sayo?" Puwede pumatay? Last lang lord!
"Siyempre naman...... wala!" Asar kong sagot. Nabubuyset ako. Kasi kahit na mahal ko si Aerel pero kailangan ko siyang hiwalayan kasi lalo lang kaming magkakasakitan kung itutuloy pa namen ang relasyon namen.
"Ayy ganun? Si Aerel ooh!" Sabi niya nung malapit na kami sa room. Napatingin ako sa kanya. Gosh! I miss him damn much. Tinitigan ko siya nung malayo pa kami. Kahit na ang laki ng eyebags niya ang guwapo guwapo pa rin niya. Pero bakit kaya siya namayat? Haaaayyy naku Aerel! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo!!
Nung malapit na kami sa isa't isa yumuko ako at dumaan sa harap niya.
Umupo ako sa upuan ko at tumabi sa akin si Mike.
"Are you okay?" Sincere niyang tanong.
"I'm trying to be okay Mike." Saad ko.
"Bakit kasi kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo. At pati na rin si Aerel?" Tanong niya. Medyo hindi na ako naiinis kay Mike. Atleast ngayon may mapapagsabihan ako ng problema ko.
"Kasi pag tinuloy pa namen ang kung anong meron kami lalo lang kaming magkakasakitan. Lalo ko lang siyang masasaktan. Kasi alam ko sa sarili ko na may chance na siya ang sisihin ko dahil sa ginaw ng tatay niya." Habang nagsasalita ako tumutulo ang luha ko. Kaya pinunasan ko ito ng mabilisan.
"Sa tingin mo sa nangyayari ngayon hindi siya nasasaktan? Alam mo ba, dapat hinayaan mo siyang damayan ka sa problema mo. Dapat hinarap niyo yan ng magkasama at hindi magkahiwalay." Sabi niya. Yumuko nalang ako.
"You know what bilib ako kay Aerel." Biglang sabi niya after ng pananahimik niya.
"Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Kasi kaya niyang maghintay sayo at lagi ka niyang iniintindi lalo na ngayon na may pinagdadaanan ka." Sabi niya.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi naman ang tagal ka niyang hinintay at hinanap. Pero ngayon na nakuha ka na niya. Hinayaan ka pa rin niyang maging malaya para lang makagawa ka ng aksyon sa pagkamatay ng tatay mo at hindi siya maging sagabal. At iniintindi niya ang nararamdaman mo kaya ka niya pinakawalan pansamantala." Ano daw? Pansamantala?
"Pansamantala?" Naguguluhan kong tanong.
"Sa tingin mo papakawalan ka niya ng ganun ganun lang?" Tanong niya.
Oo nga no? Humarap ako kung saan siya nakatayo at nakita kong kasama niya si Darryl at nakitingin siya sa akin.
I can see longing and love in his eyes.
I miss everything about him.
_______________________________________________
Maguupdate na ako ng madalas! Promise. Hehe.
Follow me on twitter: @itsmenotyouguys
And on IG:@cammycamsorianoThanks!
Love you all.
BINABASA MO ANG
You're Always In My Heart<3
Novela Juvenil----------------->Naranasan mo na bang masaktan pero kahit anong gawin siya at siya parin ang mahal kahit na matagal na panahon na ang lumipas hindi nagbago ang nararamdaman mo?? At kahit nagkaamnesia na ang mahal mo alam ng puso na siya pa rin tala...