Hello!
______________________________________________
AEREL'S POV
Habang nagkklase pinagmamasdan ko si Haidee, at habang tinititigan ko siya narealize ko na may karapatan siyang malaman kung bakit ko siya iniwan noon.Nilapitan ko siya at nilakasan ang loob na kausapin ko siya.
"Haidee can we talk?" Sana pumayag.
"Wala tayong dapat pag usapan." Sagot niya pahirapan nanaman to pustahan.
"Meron Haidee. Aayain ba kitang magusap kung wala tayong paguusapan?" Pag hindi pa to pumayag, hahalikan ko to.
"Hayop ka! Ano ba paguusapan natin?" Tanong niya. Ayy ayaw magpakiss -,-
"About the real reason kung bakit ako nakipaghiwalay sayo." Nakita kong nagbago ang itsura niya.
"Malinaw sa akin na may relasyon kayo ni Raizza habang tayo pa. So ano pang hindi mo nasasabi sa pagtataksil niyo sa akin?" Halatang galit na galit siya sa akin.
"Hindi iyon ang totoong dahilan Haidee. Tingin mo ba magagawa ko sayo yun kung mahal na mahal kita?" Parang nagisip siya.
"Ea ano ang totoong dahilan?" Ang kulit naman neto.
"Kaya nga inaaya kitang magusap para masabi ko lahat." Pumayag ka na kasi!
"Osige saan ba?" Papayag din pala to ea. Pinahirapan pa ako.
***FLASHBACK
Galing ako sa bahay nina Haidee dahil hinatid ko siya kasi sinagot na niya ako kanina. Ako na siguro ang pinakamasayang lalake sa mundo dahil kami na ng mahal ko.
"Tawag po kayo ng daddy niyo Sir." Salubong sa akin ng katulong namen.
"Bakit daw po?"
"Ayy pasensya na sir hindi ko po alam. Napagutusan lang po ako."
"Osige po. Salamt na rin po." After nun umalis na siya. Ako naman pinuntahan ko si dad.
"Layuan mo siya Aerel!" Sigaw ni dad pagpasok ko palang sa office niya.
"Dad hanggang ngayon ba naman?! Hayaan niyo naman po akong sumaya!" Ayaw mo man siyang sigawa. Hindi rin ako masisisi kasi simula bata ako siya na ang nasusunod. Pati ba naman sa taong mamahalin ko?
"Sumaya? Bakit sa tingin mo hindi yun ang ginagawa ko? Sa tingin mo hindi ka mapapasaya ni Denise?!" Galit na tanong sa akin ni Dad.
"Dad hindi ko mahal si Denise. Mahirap bang intindihin na si Haidee ang mahal ko? Mahirap bang pagbigyan ako kahit eto lang Dad? Wag naman puro pera isipin niyo dad? Isipin niyo din kung masaya ang mga taong nakapaligid sa iyo Dad." Sa sinabi ko napansin kong nagtiim bagang si Dad. Halata na lalong nagalit ito sa kanya.
"Anong alam mo sa pagmamahal? Hindi mo pa alam ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Makakaya mo pang mahalin si Denise sa tamang panahon." Kahit mahinahon na si Dad, yung tingin naman niya nakakamatay. Mas nakakatakot si Dad pag mahinahon. Kasi mas galit na siya. Lalo akong nanginig.
"Dad, alam ko pong bata pa kami ni Haidee. Pero alam namin na kami na forever." Please naman dad.
"WALANG FOREVER!!! TANDAAN MO YAN!!" Ayyy bitter si daddy. -,-
"Dad meron, nasa inyo na ng mahal mo ang desisyon kung may forever kayo o wala." Lalo nangunot si daddy lagot.
"Okay son, kung ayaw mong madaan sa usapan. Dadaanin na kita sa santong paspasan." Double gulp.
"Hihiwalayan mo ng matiwasay si Haidee.......... *double double gulp* o
Ipapapatay ko siya sa harap mo. Isama na natin ang dad niya para mas exciting." Diretsong nakatingin si dad sa mga mata ko.
"Seriously dad?" Patay talaga kailangan kong magdesisyon now na karakaraka.
"Dead serious son." Naman! Puwede ba magsinungaling ka dad!
"Kung hihiwalayan ko si Haidee mapapangako mo bang wala kang gagalawin sa pamilya niya?" Naluluha na ako. Pigilan mo Aerel! Pigilan mo sabiii!
"Of course son. You have my words." Sana, sana tumupad ka dad. Pigilan sabi ang luha Aerel naman!
"Okay, **lunok tingala pigil luha aerel!** gagawin ko promise me na hindi mo gagalwin ang pamilya niya" after saying those words nakangiti na si Dad.
"Deal son." Sama mong bungal ka!
****END OF FLASHBACK
"Ang sama mo Aerel! I Hate You!!!" Sigaw ni Haidee sabay takbo palayo. Hala anong nangyari dun? Nabulungan na ata??
"Hai....." ayyh wala na siya. Di bale next time nalang. Atleast alam na niya ang totoong dahilan.
Basta Haidee magiging akin ka. Akin lang. Mine. Mine Only. Itaga mo sa ipin ni Dad.
_________________________________________
I smell ending!

BINABASA MO ANG
You're Always In My Heart<3
Teen Fiction----------------->Naranasan mo na bang masaktan pero kahit anong gawin siya at siya parin ang mahal kahit na matagal na panahon na ang lumipas hindi nagbago ang nararamdaman mo?? At kahit nagkaamnesia na ang mahal mo alam ng puso na siya pa rin tala...