Chapter 23

165 10 0
                                    

"Yes, Baby. See you when I get home" It's been a month since dinala kami ni Gabriel dito sa lumang bahay namin sa Batangas. Everything happen so fast na nagulat nalang ako isang umaga pagkagising ko na naririnig ko nalang ang anak ko na tinatawag na Papa ang Tatay nya.

Nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana, makikita mula dito ang mga naglalakihang bahay na pawang magkakatabi sa loob ng subdivision.

"Papa, aalis po kayo again?" Napailing na lamang ako sa sarili nang marinig ko ang boses ng aking anak mula sa likuran. Nandito kami ngayon sa living room ng bahay.

"Yes, sweetheart. Aalis si Papa today, pupunta sya sa work" Nakagat ko nalang ang aking pang-ibabang labi nang muli kong marinig ang kasinungalingan na yon. Nang lingunin ko naman ang kinaroroonan nila ay nakita ko na nakaupo sa pang-isahang sofa si Gabriel habang kalong- kalong naman nito sa isang hita ang anak ko. Nakatitig lamang ako sa mag-ama. Nakita ko ang dahan-dahang pagtango nito saka ang malapad na pagngiti.

"Papa, chocolate" ani nito saka humalik sa pisngi ng ama at bumaba sa mismong pagkakakalong.

"I love you, Papa" Napailing na lamang sa aking narinig saka dumiretso sa kusina habang pinipigilan ang galit at sama ng loob. Halos isang buwan na simula ng malaman ng anak ko na si Gabriel ang ama nya. Walang araw na hindi nagsinungaling si Gabriel kung san sya pupunta, kung bakit hindi sya umuwi at kung bakit halos oras lang ang binibilang ng pamamalagi nya samin. Nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mumunting braso na yumakap sa hita ko.

"I love you, Mama" Napahinga lamang ako ng malalim at saka ako humarap at lumibel sa kanya saka ko ito niyakap ng mahigpit.

"I love you, anak. Mahal na mahal kita" Lumipas ang maghapon na tila minuto lamang ang nagdaan.

"Mama, hindi ba natin iintayin si Papa magdinner?" nginitian ko lamang si Yna habang pinagsasandok sya ng nilutong sopas.

"Baby, hindi raw kasi makakauwi si Papa tonight kasi overtime sya sa work" nakita ko naman ang paglungkot ng mata nito pero hindi ito umiyak bagkus ay dahan-dahan itong tumango at ngumiti.

"Kain na tayo, Baby? Favorite mo kaya tong sopas kaya pinagluto kita nito tonight. Dinamihan ko rin ang gatas nito para mas creamy" Muli kong nasilayan ang inosente at maaliwalas nitong ngiti. Napakabata pa ng anak ko para maintindihan ang mga bagay sa malupit na mundo.

Sobrang sakit sa loob ko ang araw-araw na pagsisinungaling sa kanya tungkol sa kung ano at kung bakit ganito ang pamilya na meron sya ngayon pero ito lang din ang nakikita kong paraan para maramdaman nya na kahit papano, sa sandaling panahon ay maranasan nya magkaron ng isang ama.

"PAPA!" Hiyaw ng anak ko habang tumatawa. Nandito kami ngayon sa isang park di kalayuan sa subdivison. Napanood ng anak ko sa TV ang nasabing park na iyon, marahil ay kaya sya nag-aya na pumunta ngayong araw.

Nakikipagtaguan ito sa ama nya sa isa sa mga naglalakihang padulasan. Puno ng saya ang bawat pagtawa nito. Nang makita nya na nakatingin ako sa kanya ay kinawayan ko sya, agad naman nitong inilagay ang isang daliri sa harap ng labi na tila sumisenyas na huwag akong maingay ngunit huli na dahil nakita na sya ni Gabriel. Agad syang pinangko sa bisig nito saka sya kiniliti ng kiniliti sa tagaliran. Tawa ng tawa ang anak ko. Hindi matanggap ng kalooban ko na ang sayang nakikita ko ngayon sa mukha nya ay nakikita ko lang sa tuwing si Gabriel ang kasama nya.

Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa hanggang sa makita nila na nakatingin ako. Agad namang tinuro nang aking anak ang cottage na kinaroroonan. Marahil ay gutom na ito, buti nalang ay nagdala ako ng pagkain, iilang mga snacks, prutas at inumin. Nang lingunin ko ang pwesto nila ay nakita ko silang magkahawak kamay na naglalakad papunta sakin.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon