Chapter 10

179 13 0
                                    

Ngumiti naman ako ng pilit kay Andrew habang pinapakinggan syang magkwento tungkol sa kung pano nya pinapatay ang mga lamok everytime na nakakapasok ito sa apartment nya.

"M-madalas gumagamit ako n-ng b-baygon p-pero p-pag w-wala ay p-pnapatay ko n-nalang i-isa isa tapos.." Tuloy tuloy parin sya sa pagsasalita kahit sya ay nauutal.

Tinatanguan ko na lang saka sinasagot paminsan ng 'talaga?'. Hindi ko alam kung napapansin nya ba pero hindi naman talaga ako nakikinig. Inilibot ko ang paningin sa buong bar upang hanapin si Zyrene at ang iba pa naming officemate na kapwa nagkalat sa dancefloor.

Habang kami naman ni Andrew ay naiwan dito sa mga sofa kaharap ang mga bucket ng alak at mga pulutan. Tinignan ko naman ang aking cellphone at nakita  na alas onse na pala ng gabi. Naalala ang pinag-usapan namin ni Zyrene na before maghating gabi ay uuwi na kami.

Nag-intay pa ako ng ilang minuto kung kusang babalik si Zyrene ngunit wala parin kaya napilitan na kong tumayo at magpaalam kay Andrew upang hanapin ito sa dagat ng mga taong nagsasayaw sa agresibong tugtugin. Bahagya kong inilapit ang mukha ko dito upang marinig nya ko.

"Ahm. Andrew, hahanapin ko lang si Zyrene. Salamat nga pala ha. Kaialngan na kasi naming umuwi. Lumalalim na rin ang gabi" tumango lamang ito at tila nagbigla parin sa akimg ginawang pagbulong ngunit wala namang malisya para sakin yon. Dumiretso na ako sa dance floor. Nakita ko naman si Zyrene sa di kalayuan na may kasayaw na isang hindi pamilyar na lalaki. Nang medyo nakakalapit na ko dito ay may humarang namang pigura ng isang lalaki sa harap ko.

Matangkad ito at natakpan nito ang kinatatayuan ni Zyrene. Nang tignan ito ay nakakaloko lamang itong nakangisi habang halata na nakainom ito sa paraan ng pagtingin nito. Lalo na ng hagurin ng malagkit na tingin nito ang aking kabuuan. Mapula ang mata nito at amoy na amoy ang matapang na alak na nanggagaling sa katawan at bunganga nito.

Pinilit kong dumaan sa gilid nito ngunit hinawakan nito ang aking bewang at idinikit ang katawan sa katawan ko.

Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito na nakadikit sa aking tiyan. Pinilit kong makawala ng hindi gumagawa ng eskandalo. Nandiri ako ng maramdaman ko ang hininga nito sa aking tenga.

"Feel that? That's because of you" dahil sa pandidiri ay tinulak ko ang lalaki sa dibdib ng buong lakas saka sinampal sa mukha. Natakot ako ng makita ang galit sa lasing na mga mata nito. Napatingin na samin ang mga taong malapit samin. Marahas na hinatak nung lalaki ang aking braso.

"Who do--" napatulala na lamang ako ng bigla ito matumba sa aking harap at nagsilapitan ang mga naglalakihang bouncer ng bar. Tila nagslow motion ang lahat at nakita ko nalang si Gabriel sa aking harap matapos ay mahigpit na hinawakan ang aking kamay habang inaakay paalis doon.

Hindi parin maproseso ng aking isipan ang nangyari basta ang alam ko lang maraming nakakita samin na taga opisina at malaking gulo to. Maraming tao ang nakakita sakin, samin. Mga mapangkutyang mata na tila ipinamumukha sakin at sa kaluluwa ko na kahit kailan ay hindi maaaring maging ako at si Gabriel.

Marahil dahil sa malalim na ang gabi ay mabilis akong naihatid ni Gabriel sa tinutulyang apartment. Akala ko ay aalis na agad ito ngunit nanatili lamang itong nakatayo sa labas non. Kahit nakakaramdam nang pagkailang ay inaya ko na muna itong pumasok at magkape.

Nang ilapag ang kape sa harap nito ay agad naman nitong kinuha saka bahagyang hinipan at uminom. Nakainom rin ito kanina at hindi ko rin namang maiwasan ang takot habang nagmamaneho ito nang ihatid ako ngayon dito sa apartment.

"Gabriel, kung gusto mo ay umidlip ka muna bago ka umuwi. Hindi magandang magmaneho nang nakainom" hindi naman ako nito pinansin. Hawak lamang nito ang tasa na may lamang kape habang ipinapalibot ang tingin sa kabuuan ng lugar. Iniwan ko naman ito sa salas saka kumuha ng mga malinis na damit dahil balak ko munang maligo. Ayokong matulog na amoy sigarilyo at alak ang aking katawan.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon