Chapter 36

141 6 0
                                    


"Liana?" napalingon naman ako bigla nang tawagin ni Jonathan ang pangalan ko. Halos makalimutan ko ng nandito ito.

"Liana, I'm sorry if nabilisan ka. I don't want you to think that... " sinubukan kong makinig sa kwento ni Jonathan pero kusang nagsasarado ang aking tenga nang muli akong mapalingon sa tabi ng dagat. Nandon ang anak ko kalaro ng buhangin ang ama nito. Si Yna ay nakasuot lamang ng pink na sando at itim na leggings habang si Gabriel naman ay nakasimple lamang ng puting jersey shorts habang kapwa may hawak ng laruang timba at iilan pang panghulma ng buhangin. Napakasaya ng mga ito.

Bahagya naman akong napapitlag nang hawakan ni Jonathan ang kamay kong nakapatong sa aking mga hita. Kapwa kaming nandito sa may teresa at nakaupo ng magkatabi sa upuang kahoy. Kita ang determinasyon sa mga mata nito habang nakatitig sa akin at magaang pinisil ang aking kamay.

"I will wait for you to be ready, Liana. I love you" nginitian ko lamang ito at saka tumango. Inakbayan naman ako nito at saka mas inilapit ang aking katawan sa kanya saka ako hinalikan sa gilid ng noo. Sa durasyon ng magkasama kami ni Jonathan bilang magkasintahan ay hindi ko kahit kailan nasagot ang I love you nito, sinabi ko dito na hindi pa ako handa at maghihintay daw sya. Gusto ko si Jonathan pero hindi tama na sabihin ko dito na mahal ko ito gayong hindi naman. Ilang beses ko na rin naman itong sinabihan na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay ngunit talagang porsigido ang lalaki hanggang da mapaOo ako sa pagbibigay dito ng pagkakataon aat pagsubok na maging kami.

Naging maayos naman kami sa loob ng ilang buwan. Hindi naman kami nakaranas ng kahit anong problema kahit pa nang aminin ko dito na may anak na ko at ayos lang naman daw dito, maging ang pagiging annulled ko ay alam nito. Ayos lang naman daw dito. Maintindihin si Jonathan. Hindi ko nga inakala na totoo pala ang lalaking kagaya nya na tila isang perpektong prinsipe sa librong pambata. Magaan lamang ang dating ng mga bagay sa aming dalawa at kay Yna, maayos ang lahat pagsi Jonathan. Hindi sobrang saya, hindi sobrang lungkot, tama lang. Maayos lang. Maayos kami ng anak ko pag si Jonathan.

Nang ibaling ko ang aking paningin sa dalampasigan kung nasan naglalaro ang dalawa ay kapwa ito nakatingin samin ni Jonathan. Nginitian ko lamang ang aking anak ngunit nakakunot ang noo nito samantalang si Gabriel ay walang emosyong pinapakita sa kanyang gwapong mukha. Nagtaka ako nang makitang tumayo ang aking anak at ihinagis ang hawak na laruang pala. Hinawakan naman ito sa magkabilang braso ng ama at saka ginulo ang buhok nito. Nagtatakang nagkaganon ang anak ko samantalang masayang-masaya naman ito kanina.

"That's him, right?"

"Ha?" napataas naman ang aking tingin muki kay Jonathan. Hindi maintindihan ang sinasabi nya.

"Your ex husband?" nakakailang ang paraan ng pagtingin nito kaya nag-iwas ako ng tingin ngunit iniangat nang kamay nito sa aking baba ang aking mukha. Ayokong tignan ito. Alam kong sa paraan palang ng pag-iwas ko ay alam na nya ang sagot. Oo at nagkwento ako dito noon tungkol sa aking dating asawa pero hindi ko alam kung bakit tila hindi ako komportableng gawin ito ngayon. Nagulat ako nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi nito sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na hinalikan ako nito pero parehas pa rin ang epekto kahit wala na kami ni Gabriel, pakiramdam ko ay may niloloko ako.

Dahan-dahang inilayo ko ang sarili dito umusog ng ilang sentemetro palayo sa kinauupuan nito. Pasimple naman akong nagpunas ng labi. Narinig ko itong bumuntong hininga sa aking tabi.

"I'm sorry, Liana" tumango lamang ako dito ng hindi ito tinatapunan ng tingin. Nang magpaalam ito ay tinanaw ko lamang ito mula sa teresa, bagsak ang balikat patungo sa kanyang sasakyan. Kumaway ito ng isang beses at saka tuluyan ng umalis.

"Yes, baby. After you take a bath we'll go to the fastfood chain you were telling me earlier. Ligo na dali" ginulo pa ng lalaki ang buhok nito habang naglalakad patungo sa teresa. Tatakbo namang pumasok ng bahay ang anak ko ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Nakagat ko naman ang loob ng aking pisngi. Pakiramdam ko nawawala sakin ang anak ko gayong kasama ko naman sya.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon