April 07

7 2 0
                                    

April 7

Naging busy ka these past few days. May isasuggest akong opinion. Para less hassle sa 'ting dalawa. What if 'wag muna tayong mag-usap ng one week? Ang busy nating pareho, lagi tayong on and off sa communication, e. And I think we need a break. Tatapusin ko muna mga ginagawa ko tapos gawin mo rin kung anong ginagawa mo at para na rin makapagfocus ka rin sa ginagawa mo. Kesa naman sa kailangan mo pang alalahaning baka may naghihintay sa 'yo, madidistract ka lang. Vice versa din sa 'kin. Para hindi na nating kailangan mag-alala sa isa't-isa.

One week lang naman 'yon. Opportunity din para makapagfocus sa sari-sarili na ting buhay. Malay mo sa one week, may marealize ka pa sa sarili mo. Ayoko maging burden sa 'yo. Lalo na nababalisa ka nga at 'di mo alam bakit. Parang bakasyon lang naman 'to. Isipin mo munang wala kang girlfriend or responsibility na gagawin. Gawin mo muna lahat ng gusto mong gawin. After a week, balik sa dati.

I'll give you a week. Binibigyan kita ng chance mag sort out ng feelings dahil sa situation niyo rin ni Angeline, mahirap 'yon. Hindi dahil sa hindi kita mahal okay? Ayoko lang na may regrets ka, ayoko may nakakulong na something sayo. Wala pa 'kong assurance na wala ka ng nararamdaman sa kanya. Ilang months kayo, wala pang isang buwan nung nagbreak kayo before maging tayo. Ayokong minamahal ako habang nagmomoved on ka. If incase. Malay mo pwede pa kayong maayos, 'di ba? Mahal kita, hindi ko pinagdududahan iyon.

Sorry love pero hindi sa ganon na kinukwestyon ko yung feelings mo para sa akin. Ang akin lang, si Angeline ba, sure na bang wala na siyang feelings sayo? Kaya nga kung pareho pa kayong may feelings pa sa isa't-isa, ade magandang maging kayo ulit.

An open letter to the guy I loved and lostWhere stories live. Discover now