April 11

6 2 0
                                    

I have told you before, maintindihin akong tao basta magsabi ka lang, matic na iintindihin ko 'yon kahit malaki o mabigat yung kapalit.

Isang beses pa, bibigyan kita ng chance makapag sort out ng feelings. Naaawa ako kay Angeline at pati sayo, alam kong gusto pa ni Angeline na maayos kayo. Ngayon, kung naguguluhan ka, take that chance. Mas magiging okay pa ako kasi somehow parang kasalanan ko. A yes or no question, love. Nasagot mo na yung tanong ko na kung mahal mo pa siya. You told me na hindi na, pero I know naguguluhan ka.

So please, tell me. Ayoko na naguguluhan ka. Ayoko na may regrets ka, okay? If you still love her, tell me please? Naguguluhan ka, e. Si Angeline, she still wants you, i must say. Nabobother ako at nakokonsensiya. Kailan ba 'yon, nung Thursday? About sa GC n'yo na ikaw sinisisi sa nangyari sa inyo. Nagtanong ako kung ano 'yon. Sabi mo okay naman na kaya hindi na 'ko nag abala magtanong pa ulit. Tapos may nag-PM sakin, nasasayangan kayo sa past relationship niyo, ang akin lang, kung talagang sayang na sayang kayo't mukha naman yata, sabihan niyo ako. Ako mag-aadjust, dahil first of all ako naman naging intruder sa relationship niyo.

Wala naman akong problema kung magkausap kayo. Ang akin, naguguilty ako. Halata naman na she wants you back. That "pero sayang" niya, ramdam ko yon. Pinipilit kong intindihin yon kahit hindi mo pinaintindi. Wala kang sinabi kung ano meron at dahilan that causes you to be busy. Ang sabi mo lang, balisa ka. Kaya nawawalan ka ng time. Inintindi ko naman yon. Pero never akong nagkulang. Naaabisuhan pa rin naman kita. Yung sayo, hindi mo alam kung gaano ako nagwoworry sayo. Balisa ka, ade sabihin mo. Kung may gagawin ka, sabihin mo. Kung naguguluhan at may problema ka, sabihin mo. Ano pa nga bang naging girlfriend mo ako, 'di ba? Gusto ko magcommunicate ka sakin. Ayokong may tinatago ka sa akin.

Oo, masaya ako sa anong meron tayo ngayon. Papayag ba 'ko sa pabor mo nung una kung hindi ko gusto in the first place?

I never opened my heart to anyone, hindi ako nakikipagflirt, hindi ako kumakausap ng iba. Allergic ako sa constant communication, bored pa na kasama. Pero pumayag ako, I let myself fall for you. Kaya nga, sinasabi ko sayo to. Ayoko rin na maipit ka sa past at present.

May chance ka, ayoko kasi ng may regrets ka kasi mahal kita. Gusto ko na masaya ka. Gusto ko man na yung sa atin yung isipin ko pero hindi madali yon, lalo na kung yung isa nasasaktan or worst umaasa at naghahabol or nageexpect. Mahal kita sobra kaya ayoko na may pagsisisihan ka kaya ako ganito. Nagsorry ako kay Angeline, inamin niya na mahal ka pa niya.

Love, mahal kita, kaya ko nasabi mga 'yon. Ayoko maguluhan ka sa nararamdaman mo, ang tagal din ng pinagsamahan niyo, e. Sino ba naman ako?

Ayoko kase na umaasa gaya nung last. Ayoko na walang assurance, madami akong trust issues noon pa man, kaya paranoid. Natatakot ako na ako lang, at the same time guilty ako na knowing nasasaktan si Angeline.

An open letter to the guy I loved and lostWhere stories live. Discover now