DAHIL sa nangyari ay nanatiling tahimik si Beatrice nang makita niya si Rudny na pababa ng hagdan. Ngunit, hindi napigilan niyon ang sarili niya na panuoren ang paglapit nito sa kinaroroonan niya. Kasabay niyon ang muling pagbalis ng tibok ng puso ng dalaga.
“Self! Maghunos-dili ka naman, si Ruru lang iyan. Pero kung kabahan ka aiysstt! Sobra naman kasing sexy niya…”lukaret na sabi ng isang tinig sa isip niya.
Nakagat niya ang labi ng isuot na ni Rudny ang itim na sun glass nito. Parang malalaglagan na siya ng salawal ng maimagine niyang bumukas ang polo niya at masilip niya ang matitipuno nitong dibdib maging ang eight pack abs nito lalong nagpabaliw sa kanya.
“I want to touch that hmmm Ruru can I?”malandi niyang ungot matapos niyang ilagay sa likod ang ilang hibla ng buhok niya mula sa teynga. Nagpabebe na siya ng tuluyan ng makalapit ang binata.
Halos mahimatay si Beatrice ng hawakan at hapitin siya sa beywang ng binata at payagan siyang damhin ang katawan nito.
Itinaas na niya ang dalawang palad, wala na siya sa sariling katinuan.
Kaunti na lang dadampi na iyon nang biglang…
“Hey! Nangyayari sa’yo? Nagda-day dreaming ka ba?”nakakalukong tukso ni Rudny matapos na pumitik ang dalawang daliri nito sa harap ng babae na nagulantang na tiyak sa ginawa niya.
Gusto niyang mainis rito pero pinabayaan na lang niya, ang totoo she find Beatrice cute that way.
“H-hindi ah!”deny naman nito at inayos ang sarili.
“Talaga lang huh! Bakit hindi mo na lang kasi aminin na pinagnanasaan mo na naman ako Bek-Bek kilalang-kilala na kita, you always like that,”pang-aalaska ni Rundy.
“Grabe! Ang yabang-yabang mo! Porke’t naka score ka lang kanina ay lumaki na ang ulo mo!”inis na buwelta ni Beatrice na humalakipkip pa sa harapan ng binata.
“Talaga huh! Ikaw lang naman may gusto niyon. Hindi ko kagustuhan na hinalikan ka akala mo ba. Naiipit lang ako dahil sa sinabi ni Dad. Saka pasalamat ka at pinagbigyan kita, dahil kung wala tayo harap ng pamilya ko ay hindi kita hahalikan!”
“H-how could you say that,”masama ang loob na sabi ni Beatrice. Tuluyan na niya itong tinalikuran at pumasok sa sariling sasakiyan.
Naiiling na lang na pinagmasdan ni Rudny ang maingay na pagrereborusyon ni Beatrice sa kotse nito.
Kita niyang dire-diretso na itong umalis, naiiling na lang niya ang ulo at tuluyan siyang sumakay sa Dodge Tomahawk V10 Superbike. Iyon ang pinili niyang gamitin, dahil kapag ganoon oras ay ma-traffic na sa city. Tiyak mahihirapan siyang makasingit kapag kotse ang gamit niya. Ganoon talaga sa Pilipinas mabigat ang traffic.
Tuluyan na niyang pinaandar iyon matapos niyang maisuot ang helmet.
PATULOY pa rin sa pagmamaneho si Beatrice sa mga sandaling iyon. Magapahanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin napapawi ang inis niya sa lalaki. Kung hindi lang niya ito mahal ay tiyak niyang matagal na niyang tinigilan ang paghahabol rito.
“Shit!”gigil na mura ni Beatrice nang makita niya ang grabeng traffic sa siyudad. Lalo tuloy umiinit ang ulo niya, hindi mapigilan ni Beatrice na bumusina ng sunod-sunod ang gusto lang niya ay makauwi na.
Halos naka-limang minuto na sa hinintuan ang dalaga nang makita niya ang pagtigil ng isang mamahaling motor bike. Inalis niya rin ang pansin rito at itinapik-tapik ni Beatrice ang daliri sa driving wheel niya nang madinig niya ang mahinang katok mula sa bintana ng kotse. Agad ang pagkunot-noo niya nang makita niyang nakataas na ang salamin ng helmet at namukhaan niyang si Rudny ang driver ng naturang motor.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Trapped (Season I) Completed
Romance"You call it madness, but I call it love." -Don Byas Timeless Series 3 Mafia Boss Trapped Babz07aziole Mafia/Romance/Steamy Beatrice De Guzman lahat nasa kanya na magandang mukha, magandang career, magandang buhay. Lahat na na yata ng maganda biniga...