After six years....
'Matt!, honey.. halika na uwi na tayo' nakangiting tawag ni Sam sa anak.
Matthew her son is her greatest joy.
Marami na ang nangyari, nalaman ng mga magulang niya ang pagbubuntis niya and because out of wedlock nagkaiyakan sila lalo nang hindi siya mapilit aminin kung sino ang ama ni Matt, but natanggap din nila at nangakong pagtutulungan nila ang kanyang sitwasyon. Sa ngayon nga ay mahal na mahal ng mga magulang niya ang anak na si Matt, they are very proud kasi napaka bibo at matalinong bata ito bukod sa magalang mapapansin ding lumalaki itong napaka gwapo matangkad din ito sa mga kaedad niyang bata.
Nang mas lumaki na ang tiyan ni Sam noon ay nag resign na siya sa trabaho sa ngayon meron na siyang sariling bakeshop, mas pangarap kasi niya ang mag bake kaya sila nang kapatid niya ang nagtayo ng "Heaven's Taste" na ngayon nga ay nakikilala na in just 4 years nakapagpatayo pa sila ng dalawa pang store.Ilang ulit pang pinilit at sinuyo siya ni Brent na magkabalikan so imagined the guy's shocking expression ng malamang buntis siya, nanahimik na rin ito, hindi ito nagkatuluyan at si Alicia, last time niyang balita nag abroad si Brent at si Alicia naman ay nag asawa pero ngayon ay naghihirap na, ni hindi man lang ito nag sorry..
'Yes!Mama!' masayang sagot nito sa kanya. Nang naglalakad na sila papuntang parking lot ay may tumawid na aso na halatang alaga pero nawawala nang sa tawiran ay may padating na kotse na hindi man lang tumigil sa stop light, hindi na nahawakan ni Sam si Matt na biglang tumakbo para bugawin ang aso paalis pero ito ang nahagip ng kotse...
'MATTHEW!!'
Napatakbo si Sam papunta sa walang malay at duguang mukha ng anak umiiyak na pinangko niya anb anak samantalang huminto ang kotse at dali daling tumawag nang ambulansya habang paulit ulit na humihingi ng paumanhin, May isa pang kotse ang huminto pero hindi na iyon napapansin ni Sam sa patuloy na pag iyak...'Miss... I'm a doctor, let me see your son' ang sabi ng tinig.. tiningnan ni Sam ang nagsalita at lalo siyang napaiyak ng maintindihan ang tinuran nitong isa itong manggagamot.
'It's you! oh my God! it's you!...hic.. please... iligtas mo ang anak ko..hic please...' ang humihikbing pakiusap niya kay Tim.Tim just came from the states, a few days ago..isa siyang sikat at magaling na surgeon sa Amerika, pero after eight years nang paninilbihan sa ibang bansa ay pinili niyang umuwi sa pinas para dito maglingkod sa sarili nilang family hospital.
Pauwi na sana siya nang makita ang pagkakagulo ng mga tao sa isang pedestrian lane na malapit sa isang private grade school. Lumakas ang kabog ng dibdib niya at alam ng instinct niya bilang manggagamot na may aksidenteng nangyari kaya dali dali siyang bumaba ng kotse.'Excuse me! excuse me... I'm a doctor let me through!.. nang makalapit siya sa biktima nagulat siya nang makilala ang babaeng may hawak sa isang duguang paslit..
Ang babaeng sa nakalipas na taon ay nagpagulo ng kanyang kaisipan at hindi nagpatulog sa kanya ng maraming gabi. Bago niya pa makalimutan ang sarili pinagtuunan niya ng pansin ang bata..
buti nalang may padating ng ambulansya kaya sinabi niya ang pangalan ng hospital na dapat pagdalhan.
Sumama siya at si Sam sa loob ng ambulansya, tinawagan nalang niya ang kapatid na si Darius para kunin ang kotseng iniwan niya sa gilid ng kalsada...