Pagkaparada palang ng kotse ni Tim sa garahe ng bahay ng magulang ay nakita na niyang sumasalubong ang kanyang mama na si Senyora Nenitta,“Iho, what a surprise, kanina lang ay pinag-uusapan ka namin ni ate Karylle mo, dahil hindi ka nadadalaw, and look at you! andito ka na... I'm so happy son.. kung sana ba ay inuuwian mo na ako ng mamanugangin eh mas lalong ok”
Ang nakangiting pagbibiro ng mama niya.“Hi, mama..” ang bati niya sabay halik sa pisngi ng ina.
“Actually, I've got something to confess..." napalunok si Tim ng bigla siyang kabahan sa gagawin niyang pagsasabi ng tungkol sa mag-ina.
“You see... just a couple of days ago.. I can very much say na I'm an elegible bachelor but...
‘but?.. ang sabat ng senyora.
“I just found out na... I have a 5 year/old son! his name is Matthew... His mom and I had a brief affair, years ago. It was purely accident na nakilala ko ang anak ko... so Mom... uh... what do you think?”
Napatulala nalang ang kanyang ina, pero maya-maya ay nakabawi din ito sa shocked na naramdaman,
medyo unsure ng konti na nagtanong..“Iho.. are you sure?.. kung apo ko nga, your son.. ano ang balak mong gawin?
Surely you don't expect na dahil sa sinabi mo, hindi ko na gugustuhing makilala ang apo ko! What are you waiting for?! dalhin mo na dito ang anak mo, at inexcite mo na ako..oh Matthew, what a wonderful name!”Napangiti si Tim, nakita niya pang napapalakpak pa ang kanyang ina sa tuwa.
“But iho, how about his mom?... is she?..
“No mom, she is not commited, and I can assure you I'm the first guy in her life. Right now... napapayag ko silang sa akin na tumira, pero tinanggihan ni Sam ang alok kong kasal. You'd love her ma, napaka simple pero napaka ganda niyang babae... I wan't everything to be right.. so please pag nakilala mo siya..let's not rush her ok?..
Tumango ang kanyang ina na nakahinga ng maluwag, at age of 31 matagal na niyang kinukulit si Tim, na mag-asawa. Kung si Tim, na mismo ang nag-alok ng kasal maybe worth it ang babaeng si Sam.
Napag-kuwentuhan nila kung paanong nagkakilala ang dalawa medyo nagulat ang senyora ng malamang sa bar sila nagkakilala at isang one night stand ang nagbunga sa kanilang anak.“Mama, try to meet her... I think at that time something is troubling her, kaya niya ako pinatulan” ang pagbibirong seryoso ni Tim.
Hindi naman matapobre ang kanyang ina.
Nakaalis si Tim na nangakong isasama niya ang mag-ina sa family dinner nila sa sabado.
Magaan na rin ang pakiramdam na maipapakilala na niya si Matthew sa pamilya ng mga Ramos, ang pamilya niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/35134378-288-k571565.jpg)