Thirteen

103 7 2
                                    


Kinakabahan si Sam, nung isang araw pagka-uwi ni Tim, ay ipinaalam nito ang pakikipagkita sa ina. Sinabi na daw ang tungkol sa kanilang mag-ina. Ngayon nga habang tinititigan niya ang sarili sa salamin ay pumapasok ang katanungang matatanggap kaya sila, si Matt ng pamilya ni Tim?
Nalaman niyang pumanaw na ang ama nito noong 23 anyos pa lamang, Tatlo ang kapatid ni Tim, ang panganay ay si Marco, pangalawa si Karylle, pangatlo si Tim at ang bunsong si Tamara ay nasa Paris dahil isa itong fasion designer.
Hindi na daw nag asawa ang ina ng lalaki, kaya madalas sa hindi ay lagi lang daw nangungulit sa mga anak ang senyora dahil sabik na sa apo.

At unang apo si Matt, masyadong seryoso ang kuya ni Tim na si Marco kaya hanggang ngayong 36 anyos ay wala pa ring nobya. Si Karylle na bago palang ikinasal sa nobyong espanyol ay hindi pa nagbubuntis.
Kinakabahan parin siya kahit malaki ang assurance ni Tim na magugustuhan siya ng pamilya nito.

Ano ba ang sasabihin niya? Ni hindi siya nobya ni Tim, naanakan lang...
Ang akward naman yatang pati siya ay isasama nito sa isang private family dinner.
Pumasok si Tim sa kuwarto.

“Ready Sam?” nakangiting tanong nito.

“Dapat yata... si Matt nalang  ang isama mo”  duda parin sa sariling sagot niya.

“Nonsense, they wanted to meet you, the woman who bear me a wonderful son, isa pa hindi papayag si Matt na mapalayo sayo kahit pa sandali,” ....ang seryosong sagot nito.  “so come on... kanina pa ready ang anak mo, kailangan na nating umalis para hindi tayo matrapik sa Edsa.”

After almost an hour nakarating sila sa main house ng mga Ramos.
Kung kanina kabadong-kabado si Sam, ngayon naman ay overwhelm siya sa ipinapakitang kabaitan ng pamilya ni Tim, lalo na ng mama nito na mahigpit silang niyakap matapos salubungin pagka-dating palang.
Abay  giliw na giliw ang mga ito kay Matt, at ang anak naman niya ay lalo ding nagpapaka bibo, hindi pa man nagsisimula ang dinner ay imbitado uli sila sa isa pang family dinner na kasama na ang mga kapatid ng senyora at mga pinsan nila Tim, na may mga anak din.
Maasikaso si Senyora Nenitta, at talagang magiliw si Karylle, inaaya na kaagad siya sa isang girls night out. Si Marco naman kahit medyo intimidating ang dating ay nagustuhan kaagad ni Matt, kaya ang nangyari ay medyo nagseselos ang amang si Tim.
Wala ang kinatatakutan niyang pagmamaliit ng pamilya nito.  Nasabi niya ang kalagayan ng pamilya  niya, ang  tungkol sa kahirapan nila. Ngunit  imbes na kutyain ay humanga pa si Senyora Nenitta sa pagiging dedicated niyang anak, nagbiro pa itong dadalawin ang kanyang bakery shop.
Bago matapos ang gabi ay napaamin siya nito at ni Karylle ng totoong dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Tim,habang ang dalawang lalaki at si Matt, busy sa isang sport's channel. Nagalit din ang dalawang babae ng malaman ang kataksilan ng kanyang long time boyfriend.
Ramdam ni Sam ang pagiging totoo ng mga ito sa kanya.

Nang matapos ang lahat at medyo malalim na ang gabi, ay umuwi na rin sila, kahit pa sinabi ng butihing Senyora na doon na sila magpalipas ng gabi. Buti at naging maagap si Tim at sinabing next time nalang. Para kasi sa kanya nalulula pa siya sa bilis ng mga pangyayari.

Pagkadating sa bahay ay binuhat na ni Tim, ang natutulog na si Matt papunta sa  kuwarto ng bata.
Nang magpaalam na ang lalaki kay Sam ay pinigil niya ito.

“Tim!.. thank you for.... everything..
Good night!” Hindi napigil ni Sam, na halikan sa pisngi si Tim, bago dali-daling tumalikod at naglakad papunta sa sariling silid. Kumakabog ang dib-dib na sinilip ang lalaki bago isara ang pinto.
Nakita niyang parang naestatwa ito at sapo ang pisngi habang nakangiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One night for a babyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon