WLBMSG CH 2: Great Pretender

10 0 0
                                    

It's been One week since kasama ko siya photoshoot. I can proudly say that, wala paring nagbabago sa pakikitungo namin sa isa't isa. Saka lang kami magkakalapit pag nakakasabay ko siya sa elevator or pag magphophotoshoot na. Akala ng manager namin close na kami since magkapit-bahay lang kami kaya tuwing photoshoot kailangan naming maging close.

"Okay guys ! 2 weeks nalang ang natitirang time na ibinigay sa atin kaya kailangan nating matapos to on-time." announce ng magaling kong Manager.
"Okay Mr. Manager!" Inis na sagot ko. Hindi nalang niya ako pinansin.
By one lang daw nagyon which means pagkatapos ko ikaw naman. Walang partner in short. Since nasa beach tayo ngayon, naka pang-beach suit tayo. Summer na daw kasi.
"Rapz, Smile in 1,2,-"
"Ano ba yan ang hangin !" Sabi nung isang photographer.
Biglang lumakas ang hangin at yung mga buhangin pumupunta sa direksyon ko. Napuling yung mata ko ng buhangin kaya hindi ko sila makita. Pinipilit ko imulat yung mga mata ko pero hindi ko kaya. Nagulat ako nang biglang may humigit sa akin at niyakap. Habang yakap-yakap niya ako nagsalita siya, "Lumakad tayo papunta doon." nung narinig ko yung boses niya, alam ko na kung sino yun at wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya habang yakap-yakap niya ako kasi no choice naman talaga ako kaysa naman, mag inarte pa at maiwan doon. Sumunod kami kung nasaan silang lahat. Nakita nila kaming magkayakap kaya akala talaga nila close na close na kami.
"Akala nila close tayo since magkapitbahay lang tayo pero ang totoo, naiinis ako sayo. Kaya sakyan mo nalang sila." bulong ko sa kanya.
"Huh! Akala mo naman ginusto ko yun! Naawa lang ako sayo, wag mong bigyan ng malisya yun." bulong niya sa akin.
Aba ! Pinapalabas pa niyang assuming ako. Sa sobrang inis ko, sinipa ko siya at narinig ko siyang umaray. Sinamaan niya nalang ako ng tingin at umalis na.
Napagdesisyunan ni Manager na bukas nalang ituloy ang shoot dahil mahangin ngayon. At sabi niya, sa pool nalang daw ang venue. Napailing nalang ako. Hindi talaga siya nauubusan ng idea. Haaay !

Pumunta na ako ng kotse ko para umuwi na. Malayo pa ang unit ko nang biglang naflat yung gulong ng sasakyan ko. Bumaba ako para icheck tapos nadatnan ko ang kawawa kong gulong na natusok ng isang pako.
"Leche !" Inis spna sabi ko.
Ang malas ko nga naman ngayon ohh ! Tinabi ko ang sasakyan ko tapos humingi ng tulong kay Kuya Macky. Siya nga pala yung nakatatanda kong kapatid. Idadial ko na sana yung number niya ng biglang may pumarada sa harapan ng sasakyan ko. Nagtataka ako kung sino yun at paglabas ng sasakyan, nakita ko ang pagmumukha niya. Inalok niya akong sumakay nalang sa kotse niya pero tumanggi ako.
"No, I can handle this." pagmamatigas ko.
"Sumakay ka nalang sa kotse ko. Dali na ! May gagawain pa ako ee! Tsk !" Inis na sabi niya.
"Teka, Teka ! Sino ba nagsabing kailangan ko ng tulong mo ? Ha ?! At tsaka, nag papacute ka ba saakin ? Type mo siguro ako no ?" confidence na sagot ko.
"Psh ! Wag kang assuming. Nasa loob si Manager at pinilit niya akong isabay kana since parehas tayo ng pupuntahan. Ipapakuha nalang daw niya yang bulok mong sasakyan sa kakilala niya. Diba ikaw narin ang nagsabi, kailangan pag kaharap sila dapat close tayo ? Huh ?"
"Hindi ako assuming ! At tsaka malay ko ba kung inutos ni Manager!"
"Tssk ! Ang dami pang dada. Sakay na !"
No choice na naman ako. Bakit lagi nalang ganito ? Haaay !

Pagkatapos naming hinatid si Manager, umuwi na kami. Nasa daan na kami pauwi ng bigla kitang natanong about your past life. Naalala ko kasi yung sinabi ni Jas.
"Uy ! May nagsabi saakin na kaya ka daw umuwi dito dahil sa Ex mo?" bakas sa mukha niya ang pagka ulila at lungkot kaya naguilty ako sa tanong ko pero bigla siyang sumagot.
"Ohh, ano naman ngayon ? Paki mo ba ?" pagtataray niyang sagot. Siguro, nagsungit siyang sumagot kasi ayaw niya ipakita na nasasaktan siya.
"Natanong lang naman. Mahal mo pa ba siya?" tanong ko. Tumahimik sa loob ng sasakyan. Naging awkward ako sa silence pero he broke it.
"Nandito na tayo." sagot niya. Alam ko namang iniiba niya lang yung usapan ee. Pero wala na akong nagawa pa. Bumaba nalang ako tapos 'nag-thank you' sayo pero sabi mo, "No need. Kung tutuusin di naman dapat kita isasakay ee. Nagkataon lang na nandun si Manager."
Bakit ganun ? Parang feeling ko kumirot yung dibdib ko. Yung puso ko parang sasabog. Hindi ko nalang pinansin.

Pagpasok ko ng unit ko, nagpalit agad ako. Pahiga na sana ako ng kama ng biglang tumunog yung doorbell kaya napatakbo agad ako para buksan ito.
Pagbukas ko ng pinto nagulat ako kung sino yun, Si Russ.
"Oh, anong kailangan mo?"
"Wala. Tumawag lang si Manager sabi niya wala daw shoot bukas pero sa Hwebes maga-out of town daw tayo kaya mag ready ka daw. Wag mong isipin na sinasabi ko 'to sayo kasi gusto kita sinabi ko sayo to kasi sabi ni manager, since kapitbahay daw kita ako na magsabi sayo. Kung may itatanong ka, wag sa akin kay Manager ka tumawag. Psh !" sambit niya.
Natameme nalang ako sa sinabi niya. Sinara ko na yung pinto tapos natulog. Paggising ko bukas, wala akong gagawin kundi manood lang ng KDramas. HAHAHAHA ! 😂😂

When Lonely Boy Meets Single GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon