WLBMSG CH 3: He's Sick

9 0 0
                                    

"Babe, gising na. May photoshoot pa tayo ngayon."
"Babe, diba nga sabi ni manager wala daw ngayon. Gusto kong magpahinga."
"Oo nga pala Babe. Gusto mo bang mamasyal ?"
"Talaga Babe, sige !"
"Gising ka na. Magpreprepare lang ako ng breakfast. Okay?"
"Sige na nga. Pero, isang kiss muna."
"Ikaw Babe ahh ! Hmmmm, Sige na nga."

Hahalikan na sana niya ako nang. . . . . . . . . .
"Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing !" biglang tumunog yung alarm clock ko. Alam niyo na siguro ibig sabihn niyan no ? Opo, panaginip lang po yun.
Pero ang pinagtataka ko, bakit kita napaginipan ? Ang gulo ng utak ko parang sasabog sa kaiisip. Hindi ko alam kung bakit ikaw nasa isip ko paggising ko sa umagang to. Haaay !
Bumangon agad ako sa kama ko naghilamos at nagprepare ng breakfast. Okay, dahil diet ako ngayon magpreprepare ako ng vegetable salad. Hehe. Pagkatapos ko kumain humarap na ako sa laptop ko at nanood ng KDrama.
Habang nanonood ako, biglang may nagdoorbell kaya napatayo agad ako para tignan kung sino yung tao.
Sumilip ako sa pinto. Alam niyo yung maliit na butas dun ? Di ko alam tawag dun ee. Pagsilip ko, nakita ko si Russ nakajacket na nakahood. Ano naman kayang trip neto ? Haay ! Binuksan ko nalang yung pinto tapos yung puso ko, nahulog na, ay este bumibilis yung tibok. Abnormal na ata tong puso ko ee, kailangan na atang ipacheck-up.
"Bakit ka nandito ?"
"Cinderella ? Snow White ? Ariel ? o ano pang pangalan mo. May gamot ka ba diyan?" Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Maiinis ba o matatawa ?
"Hoy Lalaki ! Rapunzzel po ang pangalan ko ! Anong Cinderella ? Snow White ? at Ariel ? Tanga mo no ?! Ano ba nangyari sayo?"
"Hihingi nga ako ng gamot ! Ang sakit ng ulo ko !" sigaw niya na lalo kong kinainis.
"Masakit ba ang ulo ng ganyan ? Nakakasigaw pa ?!"
"Napakabingi mo kasi. Dali na ibigay mo na."
"Nang-asar ka pa ha? Bahala ka sa buhay mo !" sigaw ko. Isasara ko na sana yung pinto nang bigla ulit siyang nagsalita. Pero yung boses niya, humina.
"S-sige na. P-please. Ang s-sakit na ng ulo ko. P-parang awa mo na-" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil bigla nalang siyang natumba.
"Hoy ! Russ ? Anong nangyari sayo ? Uy ! Gumising ka nga !"
Buti nalang nasalo ko pa siya kahit ang bigat bigat niya. At dahil hindi ko siya kayang buhatin, hinila ko nalang siya papuntang sofa at doon ko siya pinahiga.
"Haaay ! Ang init mo ! Ano ba kasing nangyari ? Anong gagawin ko ngayon ?"
Pinatay ko yung aircon dahil baka lamigin siya. Kumuha din ako ng towel at tubig para ilagay sa noo niya para kahit papaano mabawasan yung init ng katawan niya.

Ilang oras din siyang natulog. Maya-maya pa'y bigla siyang nagising kaya napatayo ako agad papunta sa kanya.
"Okay ka na ba ? May masakit pa ba sayo ?" tanong ko. Alam kong masyadong OA pero wala na akong pakialam.
"Nasaan ako?"
"Haaay ! Nawalan ka po ng malay kanina sa pinto ko kaya nandito ka ngayon sa unit ko."
"Uuwi na ako."
"Mamaya na. Hindi ka pa masyadong magaling. Kumain ka muna. Nagluto ako ng lugaw dun. Wait lang ha?"
"O-Okay." sagot niya.
Kumuha ako ng lugaw na niluto ko kanina.
"Kaya mo bang kumain ? or susubuan nalang kita?"
"A-ako na." sabay kuha niya ng lugaw sa akin.
"Okay."
"Ughh !" sigaw niya sabay hawak sa ulo niya.
"Masakit pa ba ? Akin na, ako na magsusubo sayo." sabay kuha ng lugaw sa kanya. Pasahan lang no ?
Pagkatapos niyang kumain, aalis na sana siya pero sabi ko baka lumala yung lagnat niya kaya pinastay ko muna siya dito. Mahirap na baka mamatay tong isang to. Uulit na naman kami sa photoshoot.
Pumunta na ako sa kwarto para magprepare para sa out of town bukas. Tapos bigla bigla nalang pumapasok sa utak ko si Russ. Yung mukha niya kanina habang natutulog. Ang amo talaga ng mukha niya pag tulog pero ewan nalang pag gising. HAHAHA. Habang iniimagine ko yung mukha niya, bumibilis na naman yung tibok ng puso ko.
"Abnormal talaga tong heartbeat ng puso ko. HAHAHA. Yung heartbeat nga ba o yung mismong puso ?" Para akong tanga na kinakausap sarili ko.

Kinabukasan. . . .
Maaga palang gising na ako. Pagkatapos ko maghilamos bumaba na ako pero pagtingin ko sa sofa, wala na siya. Siguro maaga siyang umalis para magorepare ng gamit niya. Pero kaya niya kaya ? Baka mabinat lang siya !
"Urgh ! Rapz, wag mo nga siyang isipin. Syempre kaya na niya !" heto na naman ako. Parang tanga na kinakausap ang sarili. Nagprepare na ako ng breakfast tapos naligo na.
Sana, maging successful yung photoshoot. Sana nga !

Russ's POV
Kagagaling ko lang sa lagnat at sa kasamaang palad, sa babaeng yun pa ako pumunta. "Haay !" napa-buntong hininga nalang ako sa nangyari.
-_________-
.
.
.
>_________<
.
.
.
.
>/////////////<
Ang boring ng buhay ko no ? Ikukwento ko nalang kung bakit ako nagkasakit.

FLASHBACK

Pagkatapos kong sabihin yung pinapasabi ni Mr. Manager sa babaeng yun, pumasok na ako ng unit ko tapos nagpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit, nagdrive ako papuntang park. Ewan ko kung bakit doon ko naisipang pumunta. Siguro, dahil sa park kami madalas pumunta ni Elaine, yung ex ko.

Naalala ko yng mga time na magkasama pa kami. Yung tipong ang saya-saya namin, pero ngayon ? Siya masaya, pero ako ? Eto, nangungulila. Yung dating Russ na masiyahin nagbago na at naging malungkutin. Minsan nalang ako tumawa. Ang sakit isipin na, yung taong papakasalan mo na sana iniwan ka bigla.
Hindi ko namalayan, tumulo na pala yung mga luha ko. Alam kong nakakabakla pero ito talaga yung nararamdaman ko ee. Maya-maya pa'y biglang bumuhos yung malakas na ulan. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagpatak ng ulan. Buti nalang nandyan si ulan para natatakpan yung mga luha ko. Mag-isa nalang ako nagyon dito, mabuti nga yun ee.
"HAHAHAHA ! Ang tanga mo Elaine Brianna . Sa dinami-rami ng pwede mong lokohin ba't ako pa ?! Magsisisi ka na iniwan mo ako. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Minahal naman kita ahh? Hindi pa ba sapat yun ? Ginawa ko naman ang lahat para sayo pero ano ? Niloko mo lang ako. Iniwan mo ako ! Ang tanga tanga mo !" para akong tanga na sinasabi yan na parang nandito siya sa tabi ko.
"Mula ngayon Elaine, kakalimutan na kita. Balang araw may isang babae na tatanggap at mamahalin ako maging sino man ako. Yung babaeng tanggap laht sa akin at higit sa lahat, yung babaeng hinding-hindi ako iiwan at lolokohin." sa mga sinabi kong yan, hindi ko alam kung makakaya kong gawin pero gagawin ko ang lahat para mawala na siya sa puso't isip ko. Ayokong habambuhay nakatali sa nakaraan.

Ilang oras din akong nandun habang umuulan hanggang sa napagdesisyonan ko nang umuwi. Pag-uwi ko, bigla akong nilamig kaya nagpalit ako ng damit at pinatay ang aircon. Maya-maya pa'y nakaramdam na ako ng antok kaya hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa sofa.
Paggising ko, nilalamig ako ng sobra kahit nakapatay na yung aircon. Kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng makapal na jacket na may hood. Ang sakit pa ng ulo ko. Wala pa naman akong gamot dito. Tapos bigla kong naisip si Rapz.
"T-tama. S-siguro may g-gamot siya." at di ko namalayan nasa tapat na pala ako ng unit niya.
END OF FLASHBACK
At yun, paggising ko kaninang umaga, nandun parin ako sa unit niya. At dahil ayoko siyang istorbohin sa pagtulog niya, maaga palang umalis na ako dahil kailangan ko pang magprepare sa mga dadalhin ko mamaya. Medyo masakit pa yung ulo ko pero kaya ko na. Baka pagalitan pa kasi ako nung Manager namin ee.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, naalala ko yung pag-aalaga ni Rapz sa akin. Oh ! Ayan, alam ko na pangalan niya ha ? Grabe siya mag-alaga sa akin. Para siyang anghel nung inaalagaan niya ako. Kahit masungit ako sa kanya, pinatuloy parin niya ako. Siguro, time na para magaing mabait rin ako sa kanya. Ano naman kayang meeon sa puso ko ? Bigla bigla nalang bumibilis ang tibok. Abnormal na yata ee ! Tsk -_-

----*
Hi Sweetie's ? How's the POV of CR ? Joke lang 😂😂 POV ni Christian Russ pala ? Hehe.

When Lonely Boy Meets Single GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon